CHAPTER 15

42 5 0
                                    

Azi.

"Uhm thank you nga pala sa pagligtas samin ni Kiella,kung hindi ay masasabon talaga kami." natatawang pasalamat ko sakanila.


Nasa canteen parin kami ngayon,hinihintay lang namin next sub namin.


"Wala 'yon,ano ba kayo basta kayo!" masaya at nakangiting ani ni Lucas.


"Huwag ka! wala kang ginawa tanga kapal mo ah!" Angal ni Kiella,itinutok pa niya ang hawak na plastic spoon sa mukha ni Lucas,kaya todo iwas ang isa.


Pero laking gulat ko nang ibaba ni Kiella iyon at kumuha ng pagkain sa plato ni Lucas.



"Oy ibalik mo nga yan! pagkain ko yan!" sigaw ni Lucas pero wala narin itong nagawa dahil mabilis naisubo ni Kiella yon.


Tuloy ay ang ingay ng table namin,dahil tawa kami nang tawa sakanila.



"Wala kasi kaming dalawang sub,kaya napagdesisyonan namin na dito pumunta, balak lang namin magtingin tingin kaso nakita namin kayo tumatakbo kaya sinundan namin kayo."Paliwanag ni Kael.


"And then when you guys entered the room,we heard na pinapagalitan kayo that's why Shiro told us the plan.Siya yung nakaisip na sabihin namin iyon sa advicer niyo."Si Austin.


Tinignan ko naman si Shiro na tahimik kumakain.Kaya pala tahimik ka at wala kang sinabi kanina dahil ikaw naka isip?

Gusto kong magpakawala ng tawa dahil sa naisip.


"What are you looking at?"
Agad kong iniwas ang tingin sakaniya at magkukunwari sana na kakain pero wala na palang laman plato ko,ubos na.


"Here,eat this."

Nabigla ako nang ibigay ni Shiro ang pagkain niya,kaya agad akong tumanggi.


"Hindi,busog na'ko." pag tanggi ko.


"No,eat this." Nakangiting ani niya.


"Hindi busog na talaga ako promise."


"You sure,huh?" tanong niya.
Kaya tumango ako at wala narin naman siyang nagawa.



"Ano g ba kayo?let's watch ben&ben concert later!" Si Lucas,kaya nabalik atensyon ko sakanila.


"Bawal nga outsider,ang kulet mo isa pa!"Inambaan siya ni Kael.



"Iniinis mo talaga dalawang magkapatid lucas ah?" Singit ni Austin.

"Anong iniinis,galit lang sila palagi sa mundo! palibhasa pinaglihi sa sama ng loob!" sigaw ni Lucas,agad naman may lumipad na meat sa bunganga niya dahil bigla siyang sinubuan ni Kiella.


"Wow,ang sweet mo ah? teka bat ang sarap neto order kapa ulit!" nakangiting sigaw ni Lucas kay Kiella habang ngumunguya.


"Ako pa,basta ikaw." makahulugan na ngiti ni Kiella.


Na ipinagtaka namin,bigla naging mabait kay Lucas e.


Magsasalita na sana ako kaso biglang tumawa ng malakas si Shiro dahilan para mapatingin kaming lahat sakaniya at magtaka.


"hahahaha sige ubusin mo muna lucas bago ko sabihin." tumatawang ani ni Shiro.


Sinunod naman iyon ni Lucas at naubos nga niya ang pagkain na isinubo sakaniya ni Kiella.


"Sige tumawa ka muna." Naiinis na tugon ni Kael kay Shiro na hindi natigil sa pagtawa.


"Ganto kasi hahahaha"


"Sasabihin mo ba talaga o hindi?"


"Don't be mad Kael bro,i know for sure matatawa ka sa ginawa ng kapatid mo!" malakas na sigaw ni Shiro.



Napatingin naman ako Kiella na kumakain at ngumi ngisi na parang aso.


"Lucas yung pagkain na isinubo sayo ni Kiella hahahahhaha" mas marami pa tawa ni Shiro kesa sa kwento.


"Bakit?ang sweet nga niya e." animo kinikilig pa itong si Lucas.




"Kinain na yon ni Kiella,iniluwa niya sa bunganga niya tapos pinasubo sayo,hahahah kitang kita ko pano nginuya ni Kiella yon hahahahha"



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Shiro,lahat sila ay bumungisngis ng tawa samantalang si Lucas ay natulala matapos malaman ang ginawa ni Kiella.



Tinignan ko naman si Kiella na tawa nang tawa sa kalokohang ginawa niya.


"Ang lala mo Kie! alam mo ba lucas hindi nagsisipilyo yan!" Si Kael,mas lalo pang nangunot ang noo ni Lucas nang marinig iyon.


"Anong hindi! ang linis ng bunganga ko ikaw nga dyan kuya e!" pag tanggi ni Kiella.



"HAHAHAHAHAHAAHHAHAHHAHAHAH LET ME TAKE A PICTURE OF YOUR MEMORABLE FACE DUDE!" kinuha ni Austin ang cellphone niya at lumapit kay Lucas na tulala parin ngayon.




"Arghhhh!!! kadiri ka letse!!! pwe pwe!!!" inis na sigaw ni Lucas,animo may inilalabas pa sa bunganga niya kahit wala naman.







Maya maya lang ay nasa labas na kami ng University,dahil aalis na ang mga Alpha.


"Pano?una na kami salamat." Si Kael.


"See you later kung magagawan ng paraan!" kindat ni Austin at sumakay na sa sasakyan nila.


"We'll go now,focus on your next class,huh?and don't forget to take a rest pag uwi niyo.Gotta go,azi ko." ani ni Shiro at ginulo ang buhok ko.


"Oo na! oo na! shupi baho mo!"sigaw ko,natawa naman siya.




Kaya nang makaalis sila ay pumunta na kami sa room para sa next sub namin.
Naging maayos naman dahil tahimik lang kaming nakikinig ni Kiella,sumasagot pag minsan.



Nasa isip ko lang ngayon ay ang ben&ben excited nako mamaya!


Love UndercoverWhere stories live. Discover now