Azi.
“Damn it! Shiro help me carry all of these!” Napatingin kaming lahat kay Austin.
Natawa naman ako sa itsura niya,may mga kumot na nakasabit sa leeg niya,at may dala dala rin siyang mga unan.
“A jerk asking for help.” Umiiling iling na bulong ni Shiro.
“Just help me,can you?”
Pumunta naman si Shiro sa direksyon ni Austin at tinulungan siya bitbitin ang mga dala nito.Lumapit naman sa'kin si Kiella at agad humawak sa braso ko.
“Si Kiella hindi man lang tinulungan si Austin!” sigaw ni Lucas.Agad naman bumitaw sa pagkakahawak sa'kin si Kiella at nakapamewang na pinuntahan si Lucas na nahihirapan dalhin ang mga pagkain.
May mga hawak siyang pizza sa kabila,at sa kabila naman ay mga sandamakmak na pagkain na in-order ko kanina lang.
Nanlaki ang mga mata ko nang kurutin ni Kiella ang tenga ni Lucas,dahilan para mapadaing ito.Hindi naman nakapalag si Lucas dahil may mga dala siyang pagkain.
“Aray! ano ba! tama na!” nahihirapan na sigaw ni Lucas.
“Kailan mo ba ako tatantanan ha!” Si Kiella,animong nang gigigil pa ‘to.
“Titigil na! pero ikaw naman kasi! kung makautos ka akala mo kung sino ka! ni hindi ka nga nagbitbit ni isa!”
“Kasi ako na nakaisip! kaya kayo na ang magbitbit!”
“You can't do that! We are Alpha!”
“Pakealam ko! mukha kang kabayo!”
Natawa naman ako sa dalawa,kahit kailan para silang aso at puso.
Inilapag naman ni Kael ang mga dala niya,mga gagamitin namin.
“Why did you run?” tanong sa'kin ni Kael habang inaayos mga gamit.
“Trip lang?” wala sa sariling sagot ko,natawa naman siya.
“Here,drink this.” Tumabi sa'kin si Austin at inabot ang isang mineral water.
Tinanggap ko naman ‘to at ininom.
Pagkatapos ay agad ko itong inilapag sa upuan,dinig na dinig ko pa rin sina Kiella at Lucas na nag aaway.
Samantalang inaayos naman ni Kael ang mga tent.
“Don't worry,they allowed us to sleep here.”Napatingin ako kay Austin nang sabihin niya ‘yon.“Mabuti naman,paano niyo nga pala nalaman na nandito kami?” tanong ko.
“Ang sabi ni Kiella ay malaki ang posibilidad na nandito ka,dito raw ang tambayan mo.Naalala naman namin na mahilig rin magpunta si Shiro sa rooftop.” Ani niya,habang nakatingin siya kina Kiella.
“May ginawa ba siya sayo?”tanong niya,kaya nagtaka ko siyang tinignan.
Bakit naman siya magtatanong ng ganito?wala ba siyang tiwala sa kaibigan niya?weird.
“Wala naman.” Nasagot ko nalang.
“Halata nga.” tugon niya habang nakatingin sa jacket na suot ko.
“Why?did you expect me to do something to her?”
Napalingon kami kay Shiro nang marinig namin siyang magsalita.
Nakapamulsa siyang nakatingin ng diretso kay Austin.

YOU ARE READING
Love Undercover
RandomTwo rivals fall in love? The mission is to kill each other,but what if the mission went to love? A bullets of love. Work or love? Love or Life?