(Kyungsoo's POV)
Isang linggo ng lumipas nung mga sinabi ko kay Jongin, hindi na sya nag paparamdam simula nun at masasabi kong naging masaya ako dahil walang negro ang nag papakita sakin
Di mo sya namimis?
Oh come on, mamimis? Patawa ka?
Sus. Talaga?
Talagang talaga.
Kahit konti?
Fine. Namimis ko pero konti lang masaya ka na?
Matapos makipag talo sa konsensya ko, dumiretso ako sa kusina para mag luto, wala kasing magawa eh.
"Dyo, may bisita ka." sabi ni Baek, parang nabuhay ako kasi alam ko na kung sino yun, matapos ang isang linggo nag pakita din sya. Dali dali kong hinubad ang apron at pumunta sa salas
"...Chanyeol?" mahinang tanong ko, fuck. Nasan si Jongina?
"Dissapointed?" nakangising tanong nya, ganun na ba ako kahalata? Psh. Napairap ako saka umupo.
Bakit hindi na sya nag papakita?
"Busy si Idol eh" biglang sabi ni Chanyeol, napakunot ako ng noo. Pinuputak nya ng elepanteng to?
"Sabi mo kasi 'Bakit hindi na sya nag papakita' sinagot ko lang, eto nga pala pinamimigay nya" inabot nya sakin yung paper bag at kinuha ko naman
"Tsaka eto pakibigay kay Baek, galing sakin" nahihiyang sabi nya kaya napangisi ako.
"Dumadamoves ka sa pinsan ko ah." nakangising sambit ko, nag derp naman sya saka tumayo.
"Aalis na ako ha, bye Kyung bebe! Sasabihin ko na lang kay Idol na namimis mo sya" nakangising sabi nya kaya nag dirty finger ako sa kanya.
"Layas!" sinipa ko sya sa pwet saka tinulak palabas.
**
Niyakag kong mag mall si Baek, wala si Luhan eh may ginagawa sila ni Sehun. Aish! Landi talaga ng usang yun :3
Habang nag iikot ikot kami sa mall bigla akong siniko ni Baek, nabatukan ko nga ang sakit eh
"Dyo, di ba yun yung father of charcoal? May kasamang iba oh!" automatic na napalingon ako sa tinuro ni Baek.
"Gegu ka talaga! Tara na nga!" iritableng sambit ko at hinila sya sa lugar na yun.
Psh! Kaya pala hindi sya nag paparamdam?! May kalandian ng iba! Tsk. Ito pala yung sinasabi ni Yeol! Aish. Teka nga?! Bakit ba ako naiinis?! ./.
"Napag hahalataan ka matachu!" nakangising sabi ni Baek, inirapan ko lang sya
"Kung mahal mo kunin mo, kung ayaw mong may kasama syang iba agawin mo. Mahal mo sya pero inuuna mo ang pride mo, gusto mong maramdaman nya yung naramdaman mo noon kaya ka gumaganti ngayon" seryosong sabi nya, umiwas lang ako ng tingin.
"Hindi ko na sya mahal." simpleng saad ko, tumawa sya ng sarkastiko
"Really Soo? Kaya pala halos patayin mo na sa tingin yun babae kanina, ewan ko lang pero pansin ko simula nung hindi sya nag papakita sa'yo hawak hawak mo lagi yung cellphone mo tapos lagi kang nasa salas, kapag may nag do-door bell para kang kabayo kung makatakbo papuntang pinto. Ngayon Dyo, ano yun? Namimiss mo na di ba?" nakangising sabi nya.
Napatahimik ako, miss ko na sya. Kainis! Tsk.
"Namimis ko lang sya pero hindi ibig sabihin non' mahal ko na"
"Namimis mo yung presensya nya kasi mahal mo pa, di-ne-deny mo lang sa sarili mo yan kasi ayaw mong tanggapin sa loob mo na natalo ka. Nahulog ka ulit sa kanya at sasaluhin ka naman nya, anong kabebehan yan? Pabergin ka" taas kilay na sabi nya
"Walang patutungahan to Baek, tara na umuwi" sabi ko na lang at tatayo na sana kaso nag salita ulit sya kaya napaupo ako
"Dyo, sabihin mo sakin. Gusto kong marinig mula sa sa'yo, mahal mo pa ba?" seryosong tanong nya, tsk! Hindi ako sana'y na ganito si Baek. Masyadong seryoso.
"Hindi ko alam, natatakot ako" pag amin ko, napabuntong hininga sya
"Natatakot kang masaktan ulit? Lahat ng nag mamahal, nasasaktan. Madami ng pabebe sa mundo Dyo, wag mo ng dagdagan. Bigyan mo sya ng isa pang pag kakataon, walang masama dun. Try and try lang! Malay mo mauso ang mpreg!" Natatawang sabi nya, kaya binatukan ko.
**
Humiga ako sa kama at napaisip sa sinabi ni Baek, ginulo ko ang buhok ko sa inis, paano kapag masaktan na naman ako? Paano kung pag pustahan lang ulit ako? Tas bahay at lupa na ang kapalit? Aish! Bwisit. Bwisit! Jongina ka Kai!
"Hoy baklang kuwago! Kakain na!" rinig kong sigaw ni Baek mula sa labas ng kwarto ko.
"Oo na, hayop ka!" sigaw ko saka inayos ang sarili ko, narinig ko ang pag tawa nya.
Nang makarating kami sa kusina, nakakaawa yung ulam kay Baek, sunog yung chicken joy tas ang kanin pwedeng lagyan ng luya.
"Yung totoo Baek? Kanin ba to o lugaw?" natatawang tanong ko, sinamaan nya lang ako ng tingin
"Kainin mo na lang! Grasya din yan!" naiinis na sambit nya, napangisi ako. Pikong bakla
Matapos kainin yung masarap ng luto ni Baek, hinugasan ko yung plato pag katapos dumiretso sa kwarto para kunin yung binigay ni Chanyeol kay Baek.
"Pinabibigay ni Yeol" kinuha naman nya yung paper bag tas namula. Puta! Pabebeng bakla. Binuksan naman nya at ang laman ay kwintas na letter "c" hahaha! Pumapag ibig si higante.
**
Kinabukasan...
Nag linis ako ng kwarto, tsk! Ang daming basura. Kumuha ako ng sako at nilagay yung basura. Nung nasa may pintuan na ako biglang may nag door bell. Agang aga!
Pag kabukas ko ng gate laking gulat ko na lang dahil si Jongina ang bumungad sakin.
"I miss you Soo" nakangiting sabi nya
Fuck Kai! I miss you too.
---
Ayan na! Moment na nila! XD Sorry sa gram errors at typos.
Masaquette ang araw na ito para sa exo-l. Nakakamiss si Vavalu.
#1YearWithoutKris.05-15-15 // 3:26 PM
HH041220
BINABASA MO ANG
My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)
Fanfiction© HH041220 WARNING : boyxboy, yaoi. Salamat kay @Chocolatelover_17 sa dating cover :)❤