MJEB. 4

3.5K 163 35
                                    

Sorry sa grammatical errors ba3's!

--

After 2 months

(Kyungsoo's POV)

"Oy, Baby Soo tara na sa cafeteria! Nag hihintay na ang syota ko dun" napatingin ako kay Luhan, agad nya akong hinila, pag kalabas namin nakita ko si Yeol na lumapit samin.

"Luhan, pwede ko bang mahiram si Kyung?" pag papaalam ni Chanyeol kay Luhan at nahihiya pa

"Oh sige ba, ibalik mo ha!" makahulugang sabi ni Luhan, nag derp naman si Chanyeol, nag paalam sakin si Luhan at dinala naman ako ni Chanyeol sa garden

"Kamusta ka na?" tanong agad nya.

"Ok lang" sagot ko

"Ngumiti ka naman, ang tagal na kitang di na ngumingiti eh" sabi nya at pinisil ang magkabilang pisngi ko, ngumiti ako sa kanya ng peke

"Ok lang kahit peke, cute ka naman" sabi nya sabay kindat napairap na lang ako.

"Bakit nga pala?" nag tatakang tanong ko, sumandal sya sa upuan

"May sasabihin ako sa'yo" seryosong sabi nya

"Ano?" kinakabahan kong tanong, minsan lang kase to mag seryoso.

"Mahal kita" natatawang sagot nya at kinindatan ako, pinalo ko sya sa braso at sinuntok ko sa sikmura

"Umayos ka nga" reklamo ko at pinag papalo sya agad naman syang umiiwas

"Aray... Aray!.. Hindi na, seryoso na! Aray Kyung!" tinigil ko naman ang pag hampas ko

"Aalis ka na ba talaga?" malungkot nyang tanong, narinig nya pala yung pinag uusapan namin ni Luhan

"Oo, siguro 4 years ako dun" sagot ko, napatingin naman ako sa kanya, agad syang umiwas ng tingin

"Ang tagal naman nun, baka makalimutan mo ako nyan ha" sabi nya pero hindi sakin nakatingin, napatawa naman ako

"Hahaha! Ikaw? Makakalimutan ko? Baliw! Yang tenga mo kaya ang palatandaan ko sa'yo" natatawang sabi ko, tumingin sya sakin ng masama

"Aalis ka na nga bully ka pa din, Kyungbully" nakapout na sabi nya

"Umalis ka ba para makalimutan sya?" seryosong tanong nya, napatigil ako

"Pwede, pero mag aaral naman ako din dun eh" nakangiting sagot ko

"Ang bilis ng panahon, dati rati magkaaway tayo pero ngayon akalain mong mag kaibigan tayo" natatawang sabi nya kaya napatawa ako, tanda ko kasi nun nung malaman nyang syota ako ng idol nya eh nakikipag hamon sakin ng suntukan, baliw din eh! Parang may gawa ako sa kanya.

"Hahahaha! Memories na kelangang ingatan at pahalagahan" nakangiting sabi ko.

"Salamat ha, kasi naging kaibigan kita. Mamimis kita" naluluhang sabi ko at niyakap sya

"Mamamatay ka na ba?" natatawang tanong nya, kumalas ako sa yakap at binatukan sya

"Mauuna ka" irap ko, ginulo naman nya ang buhok ko

"Hahaha! Pero Kyung nag papasalamat din ako dahil napatunayan ko na may taong kwago pala" mapang asar na sabi nya at tumakbo

"PATAY KA SAKIN PARK FUCKYEOL!" sigaw ko at hinabol ko sya.

**

"Mag iingat ka dun ha? Tsaka mag fb ka lagi tas mag chachat tayo, mamimis kita Baby Soo" umiiyak na sabi ni Luhan at niyakap ulit ako. Parang tanga kanina pa sya naiyak sa van at paulit ulit akong niyayakap, mabuti nga't hindi nag seselos Sehun eh. Ganon ba talaga ako katagal mawawala?

"Bye hyung" paalam din ni Sehun at niyakap ako, agad ko din naman syang niyakap

"Wag masyadong mag aaway ha" pangangaral ko sa kanilang dalawa, naiiyak na ako.

"Kyung kakain ka lagi ng gulay ha! Tsaka wag mong pabayaan ang mata mo asset mo yan eh" nakangising sabi nya, babatukan ko na sana tong si Yeol pero niyakap nya ako ng sobrang higpit

"Mamimis kita" bulong nya

"Mamimis din kita" bulong ko at napaiyak na ako.

(A/N: Dahil hindi alam ni otor yung kaekekan na sinasabi dun sa airport ligtangan natin XD)

Napatingin naman ako sa loob ng airport hudyat na kasi na aalis na ko.

"Paano ba yan? See you soon Guys! Group hug!" naiiyak na sabi ko at nag group hug kaming apat.

"Laki ng mata mo!" asar ni Yeol

"Laki ng tenga mo!" pang aasar ko din at nag derp sya.

"We will miss you Do Kyungsoo! Size 12 ha!" pahabol pa ni Chanyeol habang nag lalakad ako. Si Luhan? Yun muntanga, umiyak na lang ng umiyak! Pambihira din eh XD Nang makapasok ako sumilip ulit ako sa kanila at kumaway, kumaway din sila at ngumiti.

Si Mama nasa Korea na, meron syang negosyo dun tsaka pinapunta nya ako para dun na mag aral.

Si Kai? Isa pa yung negrog yun, matapos mag sabi ng masasakit na salita, hindi na ulit nag pakita. Nung graduation nga akala ko nandun sya wala pala, hayaan na nga sya!

**

After 5 days

(Chanyeol's POV)

Pupunta muna akong bar masyado ng nakakamatay ang kakapuyan dito sa condo eh. Pag karating ko dun nakita ko na nag iisa si Kai dun sa table, himala at hindi namamasok to! Bad yun XD

"Idol!" tawag ko sa kanya, agad naman syang napatingin sakin

"Bakit ka nandito?" malamig nyan tanong

"Para makipag jack en poy sana eh" pambabara ko, sinamaan naman nya ako ng tingin, kung ayaw mong mabara wag kang mag tatanong na nakakasura.

"Tanga ka din Idol no? Malamang para mag inom" sabi ko na lang, tumahimik naman kami. Mapag tripan nga to maiganti ko man lang si Kyung :D

"Kamusta na sya?" tanong nya at lumagok ng alak. Tamang tama ang tanong nya!

"Si Kyung ba? Ayun, lumalaban sa sakit nya" malungkot na sagot ko, napatingin naman sya sakin

"Anong sakit?" nag aalalang tanong nya, obvious din tong idol ko

"May leukemia sya at nasa hospital sya ngayon" nakayukong sabi ko

"Sang hospital? Saan?" nag aalalang tanong nya at hinawakan ang mag kabilang balikat ko

"Hospital sa Korea" nakangising sagot ko, inalis naman nya ang pag kakahawak sakin at umupo ulit.

"Ang obvious mo Kai! Hahaha! Umalis na sya at pumunta na ng Korea, dun na sya mag aaral" natatawang sabi ko at binato sya ng tissue na nasa lamesa

"Tsk. Wala ako ng pake. Bahala ka dyan" naiinis na sabi nya at iniwan ako

Humagalpak naman ako ng tawa, pinag titinginan na nga ako eh pero wala akong pake, masaya ako eh XD

**

Sorry sa typos ha! Hindi ko na binasa eh XD

01-04-15 / 03:04 AM

-exorileygarjabap

My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon