MJEB. 15

1.8K 80 6
                                    

(Kyungsoo's POV)

Huling araw na namin ngayon at bukas uuwi na kami kaya sila nag lalaro habang ako nandito sa cottage, nakita kong walang t-shirt si Kai kaya nangingibaw ang kakisigan nito, naramdaman kong namula ang pisngi ko agad akong umiwas ng tingin.

"Oy brad, anong tingin yan? Namumula ka oh!" pansin ni Luhan at tinuro ang mukha ko, umupo sya sa tabi ko saka ako inakbayan.

"Ang hot ng ex mo ano? Grabe ang abs! Sarap hawakan! Nung kayo pa baby Soo nahawakan mo ba ang grasyang yan?" tanong ni Luhan at nginuso kung nasan si Kai, binatukan ko lang sya at humiwalay sa akbay nya. Ang init na nga tas mang aakbay pa. Hindi ko pinansin ang tanong nya at pinagmasdan ang dagat parang gusto kong mag tampisaw

"Tara mag swimming Lu!" yakag ko kay Luhan at tumayo, sumandal sya sa inuupuan nya at pumikit.

"Baby Soo, kaya ako nandito para mag pahinga tas yayakagin mo kong mag tampisaw?! Gago ka ba?!" pang babara nya, umirap lang ako.

"Daming satsat! Pwede namang sabihing 'ayaw'." irap ko at binato ko sya ng tsinelas ko at boom! Sapol sa mukha saka ako at tumakbo.

"HAYOP KA KIM KYUNGSOO!" rinig kong sigaw nya, tawa lang ako ng tawa habang tumatakbo papuntang dagat.

(Jongin's POV)

"HAYOP KA KIM KYUNGSOO!" napatigil kami sa paglalaro ng sumigaw si Luhan napatingin ako kay Kyungsoo na tumatakbo papuntang dagat.

"Na-demonyo na naman si Kyungie, ang brutal talaga ng kwagong yon" komento ni Chanyeol na kina-tango ng boyfriend nya.

"Sinabi mo pa!" natatawang sangayon ni Baek, napatingin ako kay Kyungsoo na nag tatampisaw sa tubig. Kung tinatanong nyo kung nasan si Suho at Lay, nag mo-moment sila :D Malapit na mag bati ang dalawa.

"Marunong bang mag langoy yon?" tanong ko kay Baek, nung kami pang dalawa hindi naman kami pumupunta ng beach kaya hindi ko alam kung marunong bang mag langoy si Soo.

"Ewan, siguro?" kibit balikat na sagot ni Baek at nag laro sila ni Chanyeol. Umupo na lang ako sa buhangin at pinag mamasdan si Soo, yung sinabi nya kahapon ayoko na sanang isipin pero hindi maiwasan, akala ko ok na kami. Babalik na ulit yung baby ko pero hindi pala ganon kadali yon, handa naman akong masaktan para sa kanya, lahat gagawin ko bumalik lang sya sakin.

"Hoy! Matunaw ang pinsan ko nyan!" natatawang sambit ni Baek at tinapik ang balikat ko, napailing na lang ako at tiningnan ulit si Soo. Umupo naman sya sa tabi ko

"Ang hirap no?" napatingin ako sa kanya pero ngumisi lang sya, ano bang problema nito?

"Ang hirap tignan ng taong mahal mo mula sa malayo ano?" nakangising dagdag nya, umiwas ako ng tingin.

"Deserved mong masaktan ng ganyan actually kulang pa nga yan eh, nung pumunta noon si Kyung sa Korea gabi gabi na lang sya umiiyak, bawat pag tulog nya ikaw lagi ang hanap. Isang taon syang ganon, hindi lumalabas ng kwarto, minsan minsan lang kumakain tapos lagi pang tulala." kwento ni Baekhyun, nakinig lang ako sa kanya gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya noon.

"Pagkatapos ng isang taon na kalungkutan, bumalik sya sa dati. Naging masaya sya ulit pero kahit anong gawin ko maihanap lang sya ng ide-date umaayaw sya alam mo kung bakit?" napatingin ako kay Baek, pabitin pa eh

"Kasi ikaw lang ang gusto nya." natulala ako sa sinabi nya at napatingin kay Kyungsoo na ngayon ay nakatingin samin ni Baek.

"Kung may balak kang sukuan si Kyung, wag mo nang ituloy. Mahal ka pa din nyan, gusto ka lang pahirapan." tinapik nya ulit ang balikat ko saka sya tumayo at umalis. Ngumisi ako sa kanya na kinaiwas nya ng tingin, ngayong sinabi ni Baek yon nabuhayan ako ng loob, sa pag kakataong to hindi ko hahayaan na mawala ka ulit sakin.

**

(Kyungsoo's POV)

Kanina pa akong nakatingin sa dalawa na seryoso mag usap, ano kaya yung pinag uusapan nila? Tsk. Bahala na nga! Pumunta pa ako sa malayong parte ng dagat, hindi ko na tuloy makita kung nasan sina Luhan at wala na akong matapakang buhangin, agad akong nag panic at kinaway ang kamay ko para makahingi ng saklolo.

(Luhan's POV)

Napansin kong umalis si Jongin sa kinauupuan nya tapos si Chanyeol at Baek pumunta ng cr para maligo. Itong si Suho at Lay nag lalandian sa harap ko. Nag sitayuan ang balahibo ko, karimarim ang dalawa eh. Umalis ako sa cottage at tiningnan si Kyung na nag tatampisaw pa din hanggang ngayon.

Nag lalaro ata tong si kwags at pansin kong nasa malalim na part na sya ng dagat, winagayway nya yung kamay nya na parang humihingi ng tulong. Asus! Alam ko na yan, kunyari nalulunod pero nang eetchos lang naman, parang hindi ko kilala yan #Satansoo for the life kaya yang si Do Kyungsoo.

Napailing na lang ako dahil kay Kyungsoo, laking laki na nag lalaro pa doon sa dagat. Kung laruin nya na lang si Jongin, mas maganda pa yon. Ahe! Wag kang ganyan Luhan hirap na nga mag move on yang dalawa eh. Tsk! Pabebe kasi tong si baby Soo eh akala mo kagandahan.

Aalis na sana ako ng makitang walang na si Kyung doon sa pwesto nya, agad nanlaki ang mata ko at tumakbo papuntang cottage.

"Si Kyung..soo!" hingal na hingal ako, agad lumapit si Kai sakin.

"Anong nangyari?" nag aalala sya at hinawakan ang mag kabilang balikat ko.

"Nalulunod si baby Soo." turo ko sa dagat tumakbo agad si Jongin at lumusong sa dagat, tanginuh. Totoo pala yon akala ko kasi nang tritrip na naman sya

(Kai's POV)

Agad akong lumusong sa dagat at mabuti na lang hindi sya inagos papalayo, fuck shit! Feeling ko naiiyak na ako dahil pag aalala, ang babaw man pero yon ang naramdaman ko, hindi ko ata kayang may mang yaring masama kay Soo.

Nang makarating kami sa buhangin agad ko syang nilapag doon lumapit ang iba, nilagay ko ang bibig ko sa bibig nya, cpr for short. Hinawakan ko ang pulso nya at naramdaman kong ayos na sya ilang segundo pa ang lumipas bigla syang nagising. (A/N: Wala akong alam sa ganito, huehue. Sarreh *O*)

"Kyung?! Waaaah! Baby Soo! Sarreh talaga, akala ko pinag tritripan mo lang ako, di ko naman akalaing true pala yon! Wahhhh! Kilala mo ba ako?! Ako yung bestfriend mo!" napailing na lang kami kay Luhan, niyakap nya si Soo. Binatukan naman sya ni Soo.

"Ang o.a mong usa ka!" irap ni Dyo, nahihirapan syang tumayo kaya agad kong inalalayan.

"Dyan muna kayo lovebirds! Byie." paalam nila at naiwan kaming dalawa ni Kyung.

"Ayos ka na ba?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin at ngumiti.

"Oo, salamat ha?" ngiti lang ang ginanti ko at binuhat sya na bridal style.

"O-oy Kai, anong ginagawa mo?" tanong nya, ngumiti lang ulit ako.

"Binubuhat ka para hindi ka mahirapan." sagot ko at hinalikan ang noo nya. Kinapit nya ang braso nya sa leeg ko.

"Papatayin mo ko sa pag aalala Soo, wag mo na uulitin ang pag punta doon ha?" bulong ko ramdam ko ang pag tango nya.

"KATAM-ES!" napatingin ako kayna Luhan na nasa cottage, nakangisi sila samin.

**

Belated Happy Birthday Kyungsoo :* Happy KaiSoo day ❤ at advanced Happy Birthday Kai :*

My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon