(Kyungsoo's POV)
Nung araw na nag kaayos kami ni Kai, iba na sa pakiramdam nawala yung sakit na dinala ko noong nag hiwalay kami. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa yung revenge na nasa isip ko pero ngayon wala na akong balak na mag higanti sa kanya, hindi dahil sa mahal ko sya kundi dahil alam kong wala na rin namang patutunguhan pa yun.
Nag apply ako sa coffee shop at nag papasalamat akong meron na akong trabaho, pinipilit ako ni Kai na huwag na mag trabaho dahil sya na daw ang bahala sa lahat. Kahit anong pilit nya tumatanggi ako, ayokong umasa sa iba para makakain ako, hanggat kaya ko pang mag trabaho hinding hindi ako aasa sa kanya o iba.
Alas kuwatro ng hapon ang uwi ko at lagi akong hatid sundo ni Jongin, pinipilit ko syang mag pahinga dahil lagi na rin syang puyat sa trabaho pero ayaw nyang mag paawat. Napatingin ako sa orasan na nasa loob ng coffee shop, 3:30 pm na at wala na ring customer. Kapag ganito ay maagang nag sasara ang coffee shop.
"Yung mga table sa labas ng coffee shop pakipasok na dito sa loob, Henry." Utos ni Sir Minseok, yung may ari ng coffee shop. Sila ng asawa nya yung nag mamayari nitong coffee shop.
Biglang tumunog ang bell sa may pintuan hudyat na may pumasok, nakangiti si Sir Jongdae sa aming lahat, may kalokohan din itong taglay eh napag sasabihan na nga to ni Sir Minseok.
"Nasaan si Daeul?" tanong ni Sir Jongdae, nginuso ni Sir Minseok yung office nila. Nakatingin lang ako sa kanila kung paano mag lambingan. Kinurot ni Sir Minseok ang tagiliran nya.
"Bakit kasi ang tagal mo? Nakatulog na ang anak natin kakahintay sayo." Mariing sabi ni Minseok habang nag lalakad papunta sa office nila. Inakbayan agad ni Jongdae si Minseok.
"Mrs. Kim, hindi lang po ito ang coffee shop natin, nag kaproblema ang isang shop natin sa may Tagaytay, mabuti at naayos ko kung hindi ay mag susuot ka na ng basahan." Natatawang paliwanag ni Jongdae pero binatukan lang sya ni Minseok. Umiling na lamang ako nag halumbaba, hinihintay mag alas kuwatro.
"Paano mag kakaanak si sila eh di ba, parehang silang lalaki? Sino kaya ang may matres sa kanilang dalawa?" napatingin kaming dalawa ni Henry kay Shukjin na inosenteng nagtatanong, nginiwian ko sya at hindi pinansin.
"Hindi ko talaga alam kung bakit ka natanggap dito." sarkastikong sabi ni Henry kay Shukjin, umirap si Shukjin.
"Binantaan ko kasi na susunugin ko ang coffee shop nila kapag hindi nila ako tatanggapin sa trabaho." tumawa sya ng malademonyo, agad akong kinilabutan.
"Syempre joke lang yun! Malamang nag pasa ako ng requirements para matanggap dito, minsan ang tanga mo Henry." Umiling pa si Shukjin at pumasok sa Staff room, tumawa lang ako at napatingin kay Henry na naka laglag panga. Lumingon sya sakin at pinanggigilan ang pisngi ko, pilit kong inaalis ang kamay nya sa pisngi ko pero mas lalo nyang hinihigpitan.
"Akin ang hinahawakan mo, mawalang galang na pero pwede bang pakialis ng kamay mo sa pisngi ng asawa ko?" malamig na utas ni Jongin na nakatayo sa may pintuan ng coffee shop. Napabitaw agad si Henry at agad akong namula dahil sa sinabi nya. Lumapit si Jongin sakin at hinalikan ang noo ko.
"Alis na tayo, baby?" malambing na bulong ni Kai sakin, tumango lang ako at nag paalam para kunin ang gamit ko sa loob ng Staff room, laking gulat ko na alng namakita ko syang nakapamulsa habang nag hihintay sa akin sa labas ng Staff room. Inakbayan agad ako ni Jongin at kinuha ang gamit ko, lilingon na sana ako para makapag paalam kay Henry pero agad nyang tinakpan ang dalawang mata ko. Magrereklamo n asana ako pero may binulong sya sakin.
"Ako na ang mag papaalam para sayo." Mariin na sambit nya.
"Babye daw sabi ni Kyungsoo." Malamig na sabi nya. Nakita ko agad ang sasakyan nya at agad akong pinagbuksan.
"Nag seselos pa rin ako Kyung." Naka pout na sabi nya pero tumawa lang ako.
"Jongin, hinawakan nya lang—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol nya agad ito.
"Yun na nga eh! Hinahawakan ka nya!" inis na sambit nya at umiwas ng tingin.
"Akin ka lang eh." Bulong pa nya sapat na para marinig ko, hindi na ako nakapag pigil ng ngiti. Kumunot ang noo dahil sa hindi na ako pamilyar sa lugar.
"Saan tayo pupunta Jongin?" tanong ko sa kanya, lumingon sya saglit sakin at ngumiti.
"Malayo sa reyalidad." Nakangiting sagot nya, ngumiwi ako at binuksan ang bintana para makita ang tanawin sa labas.
"So dadalhin mo ako sa Neverland?" sarkastikong tanong ko, humalakhak sya at kinuha ang kamay ko.
"Hindi, dadalhin kita sa langit." Nakangising sagot nya. Napaayos ako ng upo at binatukan sya pero tumawa lang sya, napailing na lang ako sa kalokohan nya.
Nanatili kaming tahimik habang tinatahak ang 'langit' na sinasabi ni Jongin.
"Matulog ka muna baby, matagal pa tayong makakadating sa pupuntahan natin." Sabi ni Kai, hindi na lang ako nakipagtalo kung saan kami pupunta, kahit anong sabihin ko hindi rin naman nya sasabihin eh.
"Baby andito na tayo." Bulong ni Jongin, napabangon sakin ang pamilyar na pabango nya. Nagmulat ako ng mata at nakita ko syang sobrang lapit ng mukha sakin. Natulak ko sya at tumingin sa paligid, nalaglag ang panga ko sa ganda ng view.
Tumingin ako kay Jongin na nakangiti sakin ngumiti rin ako sa kanya at lumabas ng kanyang sasakyan.
"First date." Bulong nya sa likod ko, hindi ko sya pinansin dahil manghang mangha pa rin ako sa tanawin, isama mo pa tahimik na paligid malayong malayo sa gulo at ingay na kinalakihan ko. Hinarap ako ni Jongin sa kanya at sinapo ang dalawa kong pisngi.
"Kaya nga kita dinala ditto para solohin kita tapos aagawin nila ang atensyon mo sakin? Umalis na tayo dito ngayon." Bulong nya, umirap ako at humiwalay sa kanya.
"Pati ba naman to Jongin, kinaseselosan mo?" hindi makapaniwalang tanong ko, sya naman ang umirap sakin. Siraulo talaga, pati ba naman yung view pinagseselosan? Baliw talaga.
"Gusto ko akin lang ang atensyon mo! Akin ka lang!" sigaw nya, tumawa lang ako at kinurot ang pisngi nya.
"Ang possessive at napakaseloso mo. Jongin, matagal na akong sayo." Nakangiting sabi ko, pumikit sya ng mariin saka namula ang pisngi nya.
"Shit! Kinikilig ako." Pigil hininga nyang sambit at kasunod ang malulutong na mura nya, sumaludo lang ako at nginitian sya. Niyakap nya ako ng mahigpit kaya niyakap ko rin sya pabalik. Nagulat na lang ako at bigla na lang syang lumuhod, napatingin ako sa paligid pero nag papasalamat akong kaming dalawa lang ang tao.
"Wag kang mag alala, hindi pa ako mag pro-propose." Nakangiting sambit nya huminga ng malalim.
"Natatandaan mo pa ba nung pinilit mo akong maging boyfriend ako? Yung nag confess ka sakin na mahal mo ako at gusto mong maranasan kung anong klase akong boyfriend. Hindi ako pumayag noon dahil natatakot ako na masaktan kita kaya gumawa ako ng paraan para maging akin ka noon pero ang gago ko lang dahil sinayang ko lang ang pag mamahal mo."
"Dahil sa takot ko, nawala ka. Umalis ka sa buhay ko at doon ko napag tanto na dapat una pa lang dapat pinaglaban na kita, dapat hindi ako nag patalo sa takot ko. Minahal, minamahal at mamahalin kita Do Kyungsoo pero hindi kita pipilitin kung hindi ka pa handa, bibigyan kita ng oras para makapag isip."
"Gusto ko lang sabihin sayo na kapag na sa oras na makuha ko ang 'oo' mo, papakasalan agad kita. Pupunta tayo ng ibang bansa para dun mag pakasal, gagawa agad ako ng paraan para maikasal na tayo agad kinabukasan dahil hindi ko kaya na palampasin pa ang sasagutin mo ako. I love you Kyungsoo." Tumayo sya at agad hinalikan ang labi ko, lumandas ang mga luha ko dahil sa saya, hinalikan ko sya pabalik.
**
Dahil birthday ng juicesa nyong author ngayong all saints day nag update ako! Hinintay ko talaga yung birthday ko eh. Hhahahaaha! Salamat mga bessss :*
BINABASA MO ANG
My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)
Fanfiction© HH041220 WARNING : boyxboy, yaoi. Salamat kay @Chocolatelover_17 sa dating cover :)❤