MJEB. 5

3.7K 160 44
                                    

Sorry sa grammatical errors ba3's!

--

(Kai's POV)

Umalis na pala talaga sya, wala akong pakialam kung umalis na sya maganda nga yun eh para wala ng bwisit sa buhay ko, pero normal naman siguro ang mamis ko sya? Yung masarap na luto nya, yung boses nya, yung presensya nya miss ko na. Normal lang naman siguro to.

Hindi ako bakla, pero nung umalis sya sa buhay ko parang may nawala sakin, parang ayoko ng magising pa, ang gago lang! Napag salitaan ko ng masama at ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Hoy Idol bakit mo ba ako pinapunta dito sa mansyon mo?" nagtatakang tanong ni Chanyeol, umupo sya sa tabi ko at inagaw yung baso ko na may laman na alak

"Mag papasundo ka ba kay San Pedro? Bawal ang hudas dun Kai! Tumino ka na nga!" pangangaral nya, siguro panahon na para malaman nya ang nararamdaman ko

"I love him" yun na lang ang nasabi ko, tumingin sya sakin at nag derp

"Sus. Matagal ko ng alam yan" tiningnan ko sya ng masama

"Siguro naman sapat na ang ebidensya na lagi kang nasa tapat ng bahay nila" nakangising dagdag nya

"Bakit mo alam yan?" nag tatakang tanong ko

"Baka kapitbahay nya ako" sarkastikong sagot nya at uminom ng alak

"Pakisabi nga na mahal ko sya tsaka sabihin mo sorry" epekto ba to ng alak o epekto ng pag kamis ko sa kanya?

"Bakit ako? Ako ba ang may kasalanan? Ako ba ang gagong nag paraya sa kanya? Hindi naman ah! Kaya ikaw ang humingi ng tawad!" litanya nya at lumagok ng alak

"Pwede bang mag imbento ka ng time machine?" tanong ko, naramdaman kong may luha na pala sa pisngi ko

"Sorry, hindi kasi ako kamag anak ni Jimmy Neutron at ni Doraemon, mag bago ka na, tumulad ka sakin gwapo pero hindi gago. Lubayan mo na ang pag lapit mo sa mga sisiw! Mag bago ka na para pag dating nya napatunayan nyang karapat dapat kang mahalin ulit" seryosong advice nya, ayos din pala to kahit puro katarantaduhan ang alam

"Nasaktan ko sya, mapapatawad pa kaya nya ako?" tanong ko at tumingin sa kanya

"Siguro, mabait naman kahit papaano ang kwagong yun brutal nga lang." natatawang sagot nya, napailing na lang ako.

I love you, Do Kyungsoo.

**

(Chanyeol's POV)

Matapos ang kadramahan ni Kai nakatulog na pala sya, napailing ako at lumabas ng kusina nya saktong nakasalubong ko si Manong driver ni Kai.

"Manong padala nga po si Kai sa kwarto nya, napagtripan po kasing gawing tubig ang alak" naka derp na sabi ko, tumango lang sya at dumiretso sa kusina.

Ako? Bubuhatin papunta sa kwarto nya?! Ulul. Sayang lang kagwapuhan ko.

Lumabas ako ng mansyon nya, naririnig ko pang sumisigaw si Kai ng "I love you D.o, Sorry na" paulit ulit nyang sinasabi. Napangisi na lang ako at napailing, nasa huli ang pagsisisi.

**

After 4 years

(Kyungsoo's POV)

Eto na! Uuwi na ako sa Pinas kasama tong pinsan kong si Baekhyun. Nung nasa NAIA na kami reklamo ng reklamo tong si Baek.

"Manahimik ka nga Byun Baekhyun!" saway ko sa kanya, inirapan nya lang ako saka sumunod sakin

"Nasan ba yung friends mo?" maarteng tanong nya, napabuga na lang ako ng hangin. Bakit ba pinasama pa to ni Mama?! Psh!

"BABY SOO!" sigaw ni Luhan at niyakap ako, kasama nya si Sehun at Chanyeol

"Namis kita" sabi naming dalawa, eto talagang bestfriend ko!

"Hyung welcome back" nakangiting sabi ni Sehun at nag yakapan kami

"Kyung! Ang laki pa din ng mata mo! Yung sapatos na pinabibili ko nabili mo ba?" tanong agad ni Yeol at niyakap ako.

"Baliwag ka talaga!" natatawang sabi ko at hinampas sya sa braso

"Sino yung kasama mo?" tanong ni Yeol at tumingin kay Baek.

"Guys meet my cousin By--" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil umepal si Baek

"I'm Baekhyun" nakangiting pakilala nito at nakipag kamay sa tatlo.

(Chanyeol's POV)

Ang ganda at ang cute nya, napatingin na lang ako dun sa pinsan ni Kyung

"Hey Mister? May dumi ba ako sa mukha?" mataray na tanong nya, napailing na lang ako. Nang irap sya saka ako nilampasan

"Pasensya na sa katarayan ng pinsan ko ha?" pag hinging paumanhin ni Kyung, ngumiti lang ako at dinala yung bagahe nila

Matapos ang mahaba habang byahe dumiretso agad si Baekhyun sa loob ng bahay na para bang wala syang dalang maleta

"Brat din pala yang pinsan mo no?" tanong ni Luhan nang makababa kami sa van

"Sinabi mo pa" umiiling na sagot ni Kyung

**

(Kyungsoo's POV)

Alas singko na ng hapon at umalis na ang mga bwisita ko, pero itong si Baekhyun, bwisit na bwisit na ako.

"Soo anong ulam natin?" tanong nya na kabababa lang ng hagdan

"Tae" sagot ko at inirapan ko sya.

"Whatevs" maarteng sabi nito at pumunta sa kusina. Kabaklaang taglay!

"Pupunta lang ako ng grocery, gusto mo sumama?" tanong ko, umiling lang sya bilang sagot

Nang makarating ako sa grocery, bumili ako ng canned goods, payless tsaka kung ano ano pang pagkain. Habang nasa pila ako, may tumawag saking demonyo

"D.o" sabi nya, napabungtong hininga ako at mariing pumikit, lumingon ako sa kanya

"Kai" sabi ko at ngumiti ng peke

You will be a dead meat Kim Jongin.

--

Satansoo Alert! Hahahaha! Tusta ka lalo Kai XD WAAAAAHHHHH! Pasukan na ulit bukas at isa lang ang ibig sabihin nyan EXAM NA! Jusko. Monday na monday dusa agad -.-

01-04-15 / 6:10 PM

-exorileygarjabap

My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon