MJEB. 13

2.1K 91 8
                                    

(Kyungsoo's POV)

Lumipas ang limang araw at ngayon mag rerelax kami sa Batangas, 5:30 am nag sibangunan na lahat, dito natulog si Park katabi si Baekhyun. Yeah, sila na po kahapon pa. Hindi ko alam kung pano nag kaaminan, masyadong mabilis ang pangyayari.

"Nasan na ba si Jongina?" reklamo ni Luhan, kasalukayan kaming nag hihintay sa van, Ang ChanBaek nasa loob nag yayadong. Joke! Tulog sila at kaming tatlo nina Suho, Luhan ay nasa labas, nagkibit balikat lang ako. Malay ko ba dun sa negrong yun, sabi nya kahapon may isasama daw syang kaibigan e. Psh! Mukha nya. Baka babae! -___-

"Wassup guys!" dumating na din ang hari ng uling, napatingin ako sa wrist watch ko at 6:10 na.

"Ang aga mo ah!" sarkastikong sambit ko, ngumiti lang sya at hinawakan ang pisngi ko.

"Galit na ba ang baby ko? Sorry na." malambing na bulong nito at hinalikan ako sa noo, nakatikim naman sya sakin ng sipa. Landi e! Agang aga.

"Ehem! Nasan na nga pala yung kasama mo?" tanong ni Suho, bumalik si Kai sa kotse nya at hinila yung kaibigan nya papalapit samin.

"LAY / SUHO?!" sabay na sabi ng dalawa, napakunot ang noo ko sa inasal nila. Agad na nanlaki ang mata ko dahil naalala ko na, ex nga pala ni Suho si Lay, bakit hindi ko agad natandaan yon?! Ang bobo mo minsan Dyo.

"Tara na guys!" pumasok si Luhan sa may unahan ng van, tabi sya ng driver. Tas sa likod ay kami ni Kai, sunod ang ChanBaek at pinakadulo si Lay at Suho.

Lumipas ang isang oras at inantok ako naramdaman ko na lang na inakbayan ako ni Kai at inilagay ang ulo ko sa dibdib nya.

"Sweetdreams, baby." bulong nya at natulog ako habang nakangiti.

"ANDITO NA TAYO GHEIS!" sigaw ni Baek, napabangon ako at nakita ko silang lahat na nakaayos na, humiwalay ako kay Kai na ngayon ay tulog pa.

"Hoy Kai, gising na!" tinapik ko ang balikat nya, nag mulat sya ng mata at nag inat.

"Kamusta tulog mo?" tanong nya, ngumiti lang ako bilang sagot ngumiti sya at ginulo ang buhok ko.

"Mga bruh pwedeng mamaya na yan? Tulong tulong din pag may time!" napatingin kami kay Luhan na naiirita, ang bitter ng usang to!

"HAHAHAHA! Brad ikaw lang ang walang partner!" pang aasar ni Chanyeol kay Luhan na nakaakbay kay Baekhyun

"Pukingina mo! Walang poreber!" asar na sabi nito at sumimangot, napansin kong kami na lang ni Kai sa loob ng van, napatingin ako kay Suho at Lay na sobrang tahimik.

"Jongin, dapat sigurong pag layuan muna natin si Suho at Lay. Halata kasing naiirita si Suho." bulong ko kay Jongin, napatingin sya sakin at ngumiti.

"Babe, hayaan mo sila. Malalaki na ang mga yan tsaka kung naiilang naman sila pwede silang mag hiwalay sa isa't isa." sabi nya saka bumaba ng van napatango na lang ako. Nag tulungan kami sa pag bubuhat ng pagkain at gamit, papasok na sana kami ng may makasalubong kami sa entrance ng resort.

"Hyung!" nagulat ako ng makita namin si Sehun na may kasamang iba, napatingin ako kay Luhan na diretso lang ang tingin sa loob ng resort.

"Pre, chix mo?" tanong ni Kai, siniko ko naman sya. Tsk! Tangang negrong to alam ng nandito si Luhan e!

"Ah--" napatigil sya ng mag salita si Luhan

"Uuna na ako sa loob Soo." malamig na utas nya at saka nag martsa sa loob, natahimik kami sandali. Naiilang na nag paalam si Sehun samin.

"Boyfriend ni Luhan yon?" rinig kong tanong ni Baek kay Chanyeol, kasalukuyan kaming nag lalakad patungo sa may swimming pool na nirentahan ni Junmyeon para makapag relax kaming lahat tas nag dala na din kami ng tent para mas masaya.

"Ex, baby." sagot naman ni Chanyeol, hinayaan ko na lang sila at nag patuloy na lang sa paglalakad.

"Tss. Mabigat ba yang dala mo at ang bagal mo mag lakad? Akin na nga!" kinuha ni Kai yung dala dala kong jag, hinayaan ko na lang sya at nag kibit balikat, sya naman ang nahihirapan e!

Nang makarating kami nandun si Luhan at nag iihaw ng tilapia, tumingin sya samin at ngumiti.

"Andyan na pala kayo, pakiayos na lang ng lamesa at patapos na to." nakangiting sabi nya, hindi na ako nakapag pigil lumapit ako sa kanya at niyakap.

"Alam kong nasasaktan ka, iiyak mo lang" bulong ko sa kanya, humiwalay sya at ngumiti sakin.

"Bruh, ang katulad nyang lalaki ay aksaya lang ng oras at luha tsaka tama na ang dalawang araw na umiyak ako." umiling iling sya at nag patuloy mag ihaw.

Nag pakasaya lang kami mag hapon pag sapit ng gabi saka kami nag sariling mundo, hinawakan ni Kai ang kamay ko at lumayo kami sa kanila.

"Kai, san ba tayo pupunta? Gabi na oh!" inis na sabi ko, ang tagal namin kaninang umaga tumambay tas kung kailan gabi saka sya manghihila at kung saan saan ako dadalhin.

"Gusto lang kita masolo at makausap." sabi pa nya, medyo madilim ang napuntahan namin at sobrang tahimik.

"Dude, asan ka? Hindi kita makita." pangaasar ko sa kanya,  bigla nyang hinapit ang bewang ko at nilapit sa kanya.

"Eh kung halikan kaya kita?" bulong nya sa labi ko. Napasinghap ako at napatingin sa kanya, nakangisi sya sakin.

"Natulala ka na mahal ko" maya maya naramdaman kong niyakap nya pa lalo ang bewang ko at naramdaman ko ang labi nya sa labi ko, oh fuck Kyungsoo! Napapikit ako ng mariin saka ko sinipa ang paa nya.

"Tangina mo. May lahing hokage ka din ano?" naiinis na sambit ko, tumawa sya at umupo sa buhangin. Ginaya ko sya at natahimik kami sandali.

"Soo, sorry sa lahat ha?" napatingin ako sa kanya pero diretso lang ang tingin nya sa unahan.

"Para saan?" nag tatakang tanong ko, ang pag kakaalam ko wala naman syang ginawang kasalanan pwera nung noon na pinag pus--past is past bruh.

"Sa lahat ng ginawa kong kasalanan sa'yo." natahimik kaming dalawa pero maya maya nag salita sya. "Sorry kung tinrato kitang basura noon, sorry kung sinayang ko ang pagmamahal mo sakin.. Natakot kasi ako, natakot akong pag pinag patuloy ang relasyon natin noon baka masaktan ka pa lalo, gago akong tao hindi ako marunong mag mahal. Lahat ng tingin ko sa mga naka relasyon ko laruan lang, pero sa'yo nakaramdam ako ng kakaiba sa lahat ng magagandang babae nakarelasyon ko isang Do Kyungsoo lang pala ang makakatapat ko." napangiti sya sa sinabi nya, tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

"Ginawa ko ang lahat para masaktan ka, para kamuhian at pandirian mo ako. Pumupunta ako sa club gabi gabi para makalimutan ka dahil alam kong susunod ka sakin para tingnan ako manghihila na lang ako ng babae at hahalikan, gusto kong makalimutan ang nararamdaman ko sa'yo. Pero kahit anong deny sa sarili ko mas lalo ata akong nababaliw sa'yo." nag katinginan kami at nakita kong may tumulong luha sa kanang mata nya agad syang umiwas ng tingin. Napalunok na lang ako at tumahimik, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Nung oras na nakita ko kayo ni Park noon, nakaramdam ako ng inggit kasi dapat ako yung nasa tabi mo at pinapahidan ang luha mo pero naalala kong ako nga pala ang dahilan kung bakit ka umiiyak, yung oras na yon sinabi kong pinag pustahan ka lang namin kahit hindi naman, sinabi kong hindi kita mahal kahit alam ko sa sarili kong higit pa sa sobra yung nararamdaman ko. Nung nag makaawa ka sakin at lumuhod sa harapan ko gustong gusto na kitang yakapin at sabihin kung gaano kita kamahal pero ayoko, hindi ako deserving para sa'yo, hindi mo deserving ang katulad kong gago." napatingin ako sa kanyang kinukusot ang mata, tangna! Umiiyak ba sya?!

"Sorry kung naduwag akong ipaglaban ang nararamdaman ko, sorry sa lahat Soo... Mahal na mahal kita..." niyakap ko sya, nung nayakap ko sya tumulo din luha ko, niyakap nya din ako ng sobrang higpit. Sa isang iglap nawala ang galit ko sa kanya, nabawasan yung sakit na naramdaman ko dati.

"Ok na Kai, tapos na yon." pang alo ko sa kanya saka ko hinawakan ang mukha nya at hinalikan ko sya labi.

**

Time's up bruh! Hahaha. Sorry kung ang tagal akong nawala pero mga bruh  binabasa ko ulit yung mga comment nyo at kingna, kinikilig ako. Salamat sa inyo mga brad! I love you all ❤

Sino nga pala dito ang taga Batangas? I-message nyo ko please, saba'y tayong papunta sa #ExoluxioninManila. Hahaha!

Thank you ulit! :*

My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon