(Kyungsoo's POV)
Lagi na lang nandito si Jongin, sana'y naman ako dun pero kapag nandito din si Suho sobrang tahimik nya tas ang sama ng tingin nya kay Junmyeon, alam kong napapansin yun ni Junmyeon at ito namang pandak na to lalo pang inaasar, bahala siya kapag bigla syang nag kapasa sa mukha.
"Baaabeeee~ dali na date na tayo!" mapapatay ko na ang negrong to, nung isang araw pa syang nangungulit -.- tumingin ako sa kanya ng masama at tangina. Bakit sya naka pout?! Tinampal ko ng malakas ang nguso nya, oo na, ang cute nya na -.-
"Siraulo ka! Ayoko. At anong babe?! Gusto mo mamatay?!" taas kilay kong tanong at tinutok sa kanya ang kutsilyo.
"Kalma babe! Ang brutal mo talaga pero kahit brutal ka mahal na mahal kita!" pang aasar nya habang lumalabas ng kusina, bigla kong kinuha yung kutsara sya may tabi ko at binato sa kanya. Sapul sa ulo! (sa taas)
"ARAY!" rinig kong daing nya, hah! Buti nga sa kanya yun, tsk.
Matapos akong mag luto nag hain na ako, tinawag ko yung mga patabaing baboy sa sala. Nandito si Suho, Yeol at Kai.
"Anong magandang gawin? Wala bang plano?" tanong ni Suho.
"Pakamatay ka na." seryosong sagot ni Jongina, inapakan ko ang paa nya at sinamaan sya ng tingin pero ang gago kinindatan lang ako.
"Tsk! Tara naman mag relax. Punta tayo ng beach?" suggest ko, nag katinginan sila at ngumiti.
"O sige ba, pero kelan?" tanong ni Yeol
"Bukas." simpleng sagot ni Baek
"Agad agad?! May pupuntahan ako bukas guys e" nakasimangot na sabi ni Junmyeon
"Oh game! Bukas na lang tayo pumunta!" nakangising sabi ni Kai, inapakan ko ulit ang paa nya, nag hahanap ng gulo tong negrong to, sinamaan ko sya ng tingin pero putangina kinindatan lang ulit ako. Kingina mo Kim Jongin!
Matapos kumain nag presinta si Baek at Yeol ang mag huhugas, mag lalandian lang ang mga yon -___-
"Jongin.." napatingin sakin si Kai at ngumiti
"Bakit mahal ko?" napairap na lang ako at hinayaan sya, hindi ko masaway kapag talagang gusto nya. Bahala sya.
"Bakit mo pinag pipilitan ang sarili mo sakin?" tanong ko, nakita kong nagulat sya at tipid na ngumiti.
"Mahal kasi kita. Kung eto lang ang paraan para bumalik ka sakin gagawin ko, kahit mag mukha akong tanga ok lang. Yung mga panahong puro hirap at sakripisyo ang ginawa mo sakin noon, handa ko ring gawin para maging akin ka ulit." seryosong sagot nya, umiwas ako ng tingin
"Paano kung may mahal akong iba? Paano kung ayoko na talagang bumalik sa'yo?" tanong ko muli at tumingin sa kanya, nawala ang ngiti nya
"Lalaban ako, hindi ako papayag na mapapunta ka sa iba dahil una pa lang akin ka na." seryosong sagot nya at tumingin sa mata ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang gusto kong itigil ang plano kong mag higanti sa kanya at maging kami na lang ulit?
"Oh? Bakit ganan ang mukha nyo para kayong na bagsakan ng lupa at imyerno?" tanong ni Baek kasunod nya si Chanyeol na nakaderp samin ni Kai. Aba! Hindi pawisan ang dalawa ah, Nakaya ni Baek na hindi harassin si Chanyeol. Hahaha.
"Aalis na kami ni Idol. Bye!" nakangiting paalam ni Chanyeol, ngumiti lang ako at napatingin kay Jongin.
"Bye love." nakangiting sabi nya at hinalikan ang noo ko.
"B-bye." yun na lang ang nasabi ko. Pag kaalis ng dalawa napatingin ako kay Baek na nakangisi sakin
"Problema mo?" taas kilay kong tanong at umupo sa tabi nya
"Sauce! Maang maangan pa! Gawin kitang kwago e!" natatawang sabi nya at hinampas ako sa balikat, sinamaan ko sya ng tingin na kinatahimik nya. Nabalot kaming dalawa ng katahimikan, busy sya sa panunood at busy naman ako sa kakaisip.
"Baekhyun.." tawag ko sa kanya, di ko ka na kayang isarili to, kelangan ko ng advice at alam kong kahit gaanong katanga si Baek maaasahan sya kapag ganito ang usapan.
"Ahm.. Plano ko kasing wasakin ang puso nya pero parang gusto ko ng itigil? Bumabalik ulit yung nararamdaman ko para sa kanya at natatakot akong baka saktan nya ulit ako." sabi ko, napatigil sya at tumingin sakin
"Soo.. Walang mangyayari kung papairalin mo ang takot mo, hindi ka magiging masaya kapag lagi mong iniisip na sasaktan ka ulit nya. Harapin mo ang takot mo kasama sya at walang magagawa ang pag hihiganting yan, ang sabi mo bumabalik na ang nararamdaman mo, kapag ipagpapatuloy mo ang plano mong yan baka ikaw lang din ang matalo sa huli, teka hihinga lang ako." nag buntong hininga sya at nag patuloy ulit. "Wag mong aksayahin ang panahon mo para saktan sya, imbis na wasakin mo ang puso nya bakit hindi mo lang gawin kung ano yang sinasabi ng puso mo?" Ilang 'mo' yun guys? Hahaha! pero napanganga ako sa sinabi ni Baek, tama sya.
"Akalain mong humugot ka pala! Hahaha. Kayo ni Yeol kamusta?" nakangiting tanong ko, nawala ang ngiti nya.
"Mahal ka daw nya." kibit balikat na sagot nya, nanlaki ang ang mata ko dahil sa sinabi nya.
"At naniwala ka naman?" tanong ko, ulaga kasi yang si Park e. May masabi na lang
"Ewan. Nung sinabi nya kasing mahal ka nya parang inlove na inlove sya." sabi nya at tumayo "Dyan ka na muna, tutulog lang ako." iniwan nya akong nakanganga sa sala.
PUTANGINA. Umiiyak si Baekhyun! Patay ka sakin Park Chanyeol!
**
Ayo! Haha. Sorry sa errors mga bae! Hahaha! At oo nga pala, kung ayaw nyo sa storya ko wag nyong basahin -__- Ge, yun lang.
BINABASA MO ANG
My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)
Fanfiction© HH041220 WARNING : boyxboy, yaoi. Salamat kay @Chocolatelover_17 sa dating cover :)❤