Itong chapter na ito ay dedicate sa aking magaling na book cover editor :) @chocolatelover_17 YEAH! Thanks again ❤ Hopia like it!
Nag mamadali ang otor, nag hahanap ng away, HAHAHA! Kaya ang chapter na ito ay may typos at wrong grammar. Kailangan nyo ng dictionary para sa sarili kong english, magaling na makagets ng english ko. Trying Hard eh!
(Kyungsoo's POV)
"Kai, tubig oh"
"Mag punas ka muna ng pawis"
"Kai, kain ka muna baka gutom ka na"
"Kai---"
"KYUNGSOO! SHUT UP! I DON'T NEED YOU HERE. TSK! GET OUT." inis na sambit nya at bumalik ulit sa pag babasketball, napabuntong hininga na lamang ako, sana'y na ako. Sana'y na akong pagtinginan ng maraming tao, sana'y na akong mapahiya.
Sa higit limang buwan ba naman ganito ang set-up, sino ang hindi masasanay di ba? Sa limang buwan na yun ako lang yung nag mamahal, ako lang yung nag ce-celebrate ng monthsary.
Habang sya nasa bar lagi kung sino sino ang tinutuka, ayoko syang makitang may kalampungang iba pero napaisip ako, ginusto ko to eh, eh di panindigan.
"Soo.." napatingin ako sa kaliwang gawi ko at nakita kong may dala dalang bottled water si Chanyeol at binigay sakin
"Thank you Yeollie" nakangiting pasasalamat ko, umupo sya sa tabi ko at nanahimik kami sandali
"Kahit na idol ko yang si Kai, nakakabastos pa rin na di ka man lang nya nirerespeto, lalaki ka at kailangan mo din yun bilang isang tao." pambasag nya sa katahimikan
"Hayaan mo na lang sya, ok lang naman sakin eh" sabi ko pa at ngumiti sa kanya
"Yeah, maaaring sa'yo ok lang pero sana naman matauhan sya, laking tuwa ko na lang pag nauntog ka at natauhan ka sa mga pinag gagawa mo, tiyak na mawawalan sya ng isang precious pearl" nakangiting sabi nya at pumunta na kena Kai. Napanganga naman ako. O--key? Anong ibig sabihin nun?
"Baby Soo"
"Luhan" niyakap ko sya, kasama nya si Sehun ang kanyang boyfriend.
"Bakit hindi ka nag prapraktis? Next week na ang laro nyo di ba?" tanong ko kay Sehun, inakbayan nya si Luhan at ngumiti sakin
"Aniversary namin ngayon, mas uunahin ko muna si Luhan may bukas pa naman para mag praktis eh" nakangiting sabi nya, ang sweet lang kelan kaya magiging ganyan si Kai?
"Sabay ka na samin Baby Soo" yakag ni Luhan, umiling lamang ako
"hihintayin ko pa si Kai eh, una na kayo. Ingat" kumaway ako sa kanila
"O sige, ikaw din. Ingat ka" paalam nila, ngumiti na lamang ako
After 1 hour
"Lay nasan si Kai?" tanong ko ng makasalubong ko si Lay, nakatulog kasi ako kanina sa bench
"Umuwi na, kanina pa" sagot nya.
"Ah sige, salamat" nakangiting sabi ko, tumango lang sya at umalis na.
Alas syete na pala ng gabi, ang lamig.
"Nasaan si Kai?" napatalon naman ako sa takot, ito talagang si Chanyeol
"Umuwi na daw eh" kibit balikat kong sagot, mag lalakad na lang ako para exercise.
"Bastos talaga, tara na ihahatid na kita" inakbayan nya ako at sabay kaming nag lakad
"San ka ba nakatira?" tanong ulit nya, medyo nailang naman ako kaya inalis ko yung pag akbay nya sakin
"Sa Jongdo subdivision" sagot ko habang sa lupa nakatingin
"Ah, e di maganda. Dun din ako eh" napatingin naman ako sa kanya at nakaderp ang loko.
Napakuskos ako sa balikat ko kahit may manggas ang lamig eh.
"Mag jacket ka nga, baka mamaya yelo ka na" nakangiting sabi nya at kinuha sa bag nya yung jacket, hindi na ako nag reklamo. Ngumiti na lang ako sa kanya at nag lakad.
"Astig mo din eh, nakakangiti ka pa ng ganyan habang yun syota mo naman tarantado." biglang sabi nya
"Sus, bakit naman hindi eh kelangan yun, yun kasi ang paraan para makita nilang matapang ka" nakangiting sabi ko, napatingin naman sya sakin.
"Pasalamat talaga si Kai, di ko ugaling mang agaw ng syota ng iba. Kung hindi, baka ngayon pinaglalaban na kita" sabi nya at tumawa ng malakas.
"Baliw ka, sige na. Nandito na pala tayo, pasok ka muna" aya ko sa kanya at huhubadin na sana yung jacket pero pinigilan nya ako
"Salamat na lang, mag papahinga na ako. Tsaka sa'yo muna yung jacket ko bukas mo na lang isauli." nakangiting sabi nito at kumaway sakin
"Babye" kumaway ako, nung nakita kong nag laho na sya saka ako pumasok
"I'm here Ma--KAI?!" bakit sya nandito? Anong kelangan nya?
"Anak, kanina ka pa hinihintay nyang si Jongin" nakangiting sabi ni Mama, bumeso muna ako kay Mama habang nakatingin kay Kai.
"Iwan ko muna kayo, pupunta lang ako kay Mrs. Park, may kukunin lang ako" nakangiting paalam ni Mama, tumango na lamang ako bilang sagot
"Sige po Mrs. Do" paalam din ni Kai kay Mama habang nakangiti
"Why are you here?" mataray kong tanong.
"Bakit nandito si Chanyeol?" malamig na tanong nya sakin
"Nakita nya ako sa daan at inihatid nya ako dito. The End" mataray kong sagot
"At kaninong jacket yan?" tanong nya at tinuro yung jacket
"Pinahiram sakin, kasi yung boyprend ko umalis na pala ng hindi man lang ako ginising" tiim bagang kong sabi
"Kasalanan ko bang nakatulog ka sa bench?" hindi talaga sya nag papatalo
"Atlis man lang ginising mo ako diba? Tsk." reklamo ko, ewan ko nakakainis kase, kahit naman umaakto syang walang pake sakin sana man lang kahit sa simpleng ganon lang may konsiderasyon sya.
"Walang pupuntahan ang usapan na to, Bye" paalam nya at umalis na. Napakagat na lang ako ng labi at pinipilit huwag umiyak, ang babaw ko! Bwiset.
----
BINABASA MO ANG
My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)
Fanfiction© HH041220 WARNING : boyxboy, yaoi. Salamat kay @Chocolatelover_17 sa dating cover :)❤