Lumipas pa ang isang linggo at naging mas malapit pa kami ni Jongin pero kahapon pa sya hindi nag paparamdam, hindi dahil sa iniisipan ko na nambabae kundi ay nag aalala ako sa kanya.
Alas tres ng hapon pumunta ako sa bahay nya, binigyan nya ako ng duplicate key para kung gusto ko daw pumunta sa bahay nya ay hindi ko na kailangan pang kumatok pa.
"Magandang hapon." bati ko sa katulong na naroon. "Si Jongin?" tanong ko, ngumiti ang katulong sa akin at saka sumagot.
"Nasa kwarto nya po at nag papahinga." magalang na sagot nya, nagpasalamat ako at saka nag paalam. Binuksan ko ang pintuan at nakita kong balot na balot si Jongin ng kumot. Lumapit ako at tumabi sa kanya, mahimbing ang tulog nito at nakita ko pang tagaktak na ang pawis nito.
Pinalapat ko ang aking palad sa kanya noo at nagulat na lamang ako ng sobrang init nya.
"Jongin!" gising ko sa kanya at marahang tinapik sa pisngi, umungol sya at dahan dahan na minulat ang mata.
"Kyungsoo?" tawag nya at saka dahan dahan na bumangon, tinulungan ko sya at inalalayan para makaupo.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka?" nakataas kilay na tanong ko sa kanya, nahihiya syang ngumiti at nag kamot ng batok.
"N-nahihiya ako sa'yo eh.." sambit nya at yumuko, lalong tumaas ang kilay ko.
"Nahihiya kang sabihing may sakit ka pero hindi ka nahihiya na halikan ako?" nakataas pa din ang kaliwang kilay ko, mas lalo syang napayuko at nakita ko ang pag pula ng tainga nya, kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pag ngiti. Shit! Ang cute nya. Pinatay ko muna ang AC.
"Hubadin mo ang sya shirt mo at basa na iyan ng pawis." utos ko at kumuha ng bagong t-shirt nya. Pag balik ko ay napanganga na lang ako sa abs nya, napansin ko din ang parang itim na mga letra sa ribs nya pababa.
Hinagis ko sa kanya ang hawak kong t-shirt. "Isuot mo yan." umiwas ako ng tingin at pinag tuonan ng pansin ang nasa kanang bahagi ng ribs nya. Hindi ko iyon maintindihan kaya mas lumapit pa ako sa kanya.
"Ano yang nasa ribs mo?" nag tatakang tanong ko, umiwas sya ng tingin at mabilisan na sinuot ang damit nya.
"W-wala lang y-yun Kyungsoo.." ngumiti sya ng peke, hindi ko sya pinansin at tinaas ang damit nya.
"Y-yah Soo, hindi ako ang bottom tsaka h-handa ka na ba?" inosenteng sabi nya at iniwas ang kamay ko, nag taka ako sa sinabi nya at natigilan. Saka ko lang napag tanto ng tumingin ako sa kanya at nakita kong namumula ang pisngi nya. Gusto kong humagalpak ng tawa pero pinipigilan ko lang.
"Titingnan ko lang yung nakalagay, Jongin." utas ko at inangat ko ulit ang damit nya pero pilit nyang iniiwas ang kamay ko.
Wala nga lang yun Soo.." matalim ko syang tiningnan pero hindi sya nadala.
"Isa, Jongin." seryosong sambit ko pero hindi sya natinag at matamis pang ngumiti sa akin.
"Dalawa, babastedin kita." babala ko na kinatigil nya, ngumuso sya at wala ng nagawa.
"Alam mo talaga kung paano gagamitin sakin ang pagka Satansoo mo ha." tinaas nya ang damit nya at napanganga na lang ako ng makita ko yun.
KYUNGSOO basa ko sa nakatattoo sa ribs nya, tumingin ako kay Jongin na namumula ang pisngi.
"Kailan pa ito?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin at kinagat ang pang ibabang labi.
"Noong isang araw pa." sagot nya, hindi ko na napigilan at niyakap ko sya. Ramdam ko ang panginginig nya at natigilan sya dahil sa yakap ko. Maya maya pa ay naramdaman kong niyakap nya ako pabalik.
BINABASA MO ANG
My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)
Fanfiction© HH041220 WARNING : boyxboy, yaoi. Salamat kay @Chocolatelover_17 sa dating cover :)❤