MJEB. 17

1K 48 4
                                    

(Kyungsoo's POV)

Huli na nang sundan ko si Kai, fuck Kyung! Ano naman kung nakita nya? Walang kayo! Umayos ka nga. Kinagat ko ang labi ko. Bumalik ako sa dining area kung nasan si Ryeo.

"Nasan na si Kai?" nakataas kilay nyang tanong, umiling lang ako at umupo sa tabi nya. Tsk! Hindi man lang sya nag sorry tungkol sa pag halik nya sakin.

"Mahal mo pa ba sya Kyung?" napatigil ako sa tanong nya, huminga ako ng malalim.

"Alam mo ang sagot dyan Ryeo." malamig na sagot ko, nanliit ang mata nya at hinawakan ng mariin ang braso ko.

"Umuwi ka dito para mag higanti di ba? Ano na namang katangahan yan? Mag papauto ka ulit?" sunod sunod na tanong nya. Humarap ako sa kanya saka tumayo kaya tumingala sya sakin.

"Hindi nya ako pinag laruan, sinabi nya lang yun dahil takot syang masaktan ako lalo, Ryeo mahal na mahal ko pa rin si Kai. Kahit anong gawin ko mahal ko pa rin sya." hindi dapat ako umiyak sa harap nya pero hindi ko mapigilan, tumayo sya at niyakap ako.

"Kaya nga nandito ako di ba? Tutulungan kitang makaahon sa kanya. Kyung ako na lang, please." pag mamakaawa nya, pumikit ako na mariin saka umiling. Hindi ko kayang mang gamit ng ibang tao para maka move on. Kung araw o taon man ang pag mo-move on ko kay Kai, tatanggapin ko. Hindi ko kayang may masaktan pa akong iba.

"I'm sorry Ryeo, hindi ko kaya." humiwalay ako sa yakap at tumingin ako sa kanya, halos mapamura ako ng makitang umiiyak sya habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Mahal na mahal kita Kyung." huminga sya ng malalim at mapait na ngumiti sakin "Sorry kung pinilit kitang ligawan kahit ayaw mo, sorry kung hinalikan kita kanina." kinagat nya ang labi nya saka umiwas ng tingin "Paano ba maging si Kai? Naiingit ako sa kanya dahil mahal na mahal mo sya." Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Hindi mo naman kailangang maging si Kai eh, hindi mo kailangang maging ibang tao para mahalin ka ng iba. Baka nga meron dyang gustong angkinin ka pero busy'ng busy ka lang sa ibang bagay. Ryeo, mahal kita pero bilang kaibigan lang." humiwalay ako at ngumiti sa kanya, pinahiran ko rin ang luha na nasa pisngi nya.

Ginulo nya ang buhok ko at ngumiti sakin.

**

"Pa-fall ka!" untag ni Luhan matapos akong  mag kwento, umirap ako at nag hanap ng magandang mapapanood sa tv.

"Hindi lang sya pa-fall, paasa pa!" nakipag apir si Baekhyun kay Luhan, kasama nila ang boyfriends nila.

Kasalukuyan kaming nasa sala at nag memeryenda, nag kabalikan na si Sehun at Luhan habang si Yeol at Baek malandi pa din.

"Ayos lang yan, hayaan nyo muna sila. Kung gusto nilang mag habulan e di go lang! Mapapagod din ang mga yan." nakangising sabi ni Suho, sinamaan ko lang sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako.

"Kung kami sa huli gagawa ang tadhana para mag kabalikan kaming dalawa." nakangiting sabi ko, tumango naman sila pwera kay Yixing.

"Paano kung may umepal? Lalo na at nandito na ang bestfriend nyang obsessed sa kanya? Kyung, ipaglaban mo ang pag ibig mo sa kanya hanggang tadhana na ang sumuko sa inyo." seryosong sabi ni Yixing, tsk! pwede ba yun? Tsaka teka lang, bestfriend? Bakit nung kahit kami pa ni Jongin hindi nya nababangit yun?

"Si Jung Krystal, bestfriend pero first love ni Kai noon." dugtong pa ni Lay, nanlaki ang mata ko, Shit. Tumahimik ako at bumuntong hininga.

"Ikaw talaga!" binatukan ni Suho si Yixing kaya napatingin ako sa kanila.

"Aray naman babe!" reklamo ni Lay at nag pout.

"Bakit mo kasi sinabi yun sa kanya? Na-upset tuloy si Kyung!" singhal ni Suho sa boyfriend nya, natawa na lang ako.

"Ayos lang yun Junmyeon." ngiti ko sa kanila, umirap sakin si Baek.

"Ayos lang daw pero mamaya umiiyak na sa kwarto nya." pang aasar pa nya at tumawa silang dalawa ni Luhan.

Umismid lang ako at hindi sila pinansin, hindi pa din pumapasok sa utak ko na may first love si Jongin. Pumikit ako ng mariin, ayoko nang nararamdaman kong to. Parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil doon, kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

"Okay ka lang Kyungie?" seryosong tanong ni Chanyeol.

"Oo naman." ngumisi pa ako pero umiwas ako ng tingin dahil lahat sila seryoso na ang tingin sakin.

Niyakap ako ni Luhan at Baekhyun, napaka o.a ng dalawang to! Hindi naman ako broken hearted eh.

"We love you Kyung, si Krystal man ang una nyang minahal mas mahalaga yung huli at ikaw ang huli ni Kai." tumawa lang ako sa sinabi ni Baek.

"Pabebe ka kasi eh ang panget mo naman." pang aasar ni Luhan at ramdam ko ang mahigpit na yakap nya.

**

Lunes ng pumunta ulit dito si Ryeo habang si Kai ay hindi pa nag papakita.

"Kyung!" napatingin ako kay Ryeo na nakasimangot. Aish! Itong lalaking to, napaka childish!

"May bibilhin ako sa mall, samahan mo ako please?" nag puppy eyes pa sya. Tumawa ako at sinamahan sya, pag dating namin doon ay maunti lang tao. Nag kibit balikat ako at sumunod sa kanya.

"Bibili ako ng boxer shorts, lintek kasi ni Kyuhyun ginamit na lahat butas na tuloy." reklamo nya habang nag lalakad kami papuntang Bench.

"Kailangan sa mall pa bibili ng boxer shorts? Pwede namang sa palengke na lang." natatawang sabi ko, napatingin sya sakin.

"Kung pwede lang sa palengke kaso nangangati ang betlogs ko pag dun ako nabili eh." humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi nya, napatingin yung ibang tao dahil sakin. Napatigil ako at yumuko.

May nakita akong lalaking nakatalikod malayo sa amin may kasama syang babae at mag kahawak kamay, biglang kumalabog ang puso ko alam na alam ko ang likod na yan. Agad akong sumunod kay Ryeo at hindi na lang pinansin ang nakita ko kanina.

Lintek ka Kim Jongin, gago ka talaga.

Matapos bumili si Ryeo ng mahiwagang boxer shorts nya, pumunta kami sa Mcdo. Tinanong ko sya kung bakit doon, ang sabi nya lang 'gusto ko ng mag move on sa'yo eh' natawa na lang ako sa kalokohan nya. Wag kang mag alala Ryeo, dalawa tayong mag mo-move on.

Biglang tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko kung sino ang nag text.

Kai:
Kyung, nag seselos na ako.

Selos mo mukha mong tarantado ka! Tinago ko lang ang cellphone ko at hindi man lang lumingon para hanapin sya. Naiwan ko ata ang pake ko sa bahay, kunin na lang nya.

**

My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon