(D.o's POV)
Kinaumagahan iwas ako sa kanya, nahihiya ako e. Hindi ko alam ang gagawin ko para makalimutan yung paghalik ko sa kanya, damn it! Bakit ko nga ba sya hinalikan?!
"Baby Soo, kakain na tayo." tawag ni Luhan, nag dasal akong sana wala si Kai doon. Napabuntong hininga ako at pumikit ng mariin. Fck! Inayos ko ang sarili ko saka lumabas ng tent, nakita kong nandon na sila at ako na lang ang hinihintay.
"Couz, anyare sa'yo? Nasabugan ka ba?" pang aasar ni Baekhyun, pinakyuhan ko lang sya. Ramdam ko ang titig ni Kai sakin bawat pag hakbang ko, tumabi ako kay Luhan pero ang usa agang aga mainit na agad ang ulo.
"Baby Soo, ang sikip na dito oh! Tas sisiksik ka pa?! Utot ka ba?!" iritang sabi ni Luhan.
"Tumabi ka na lang kay Negger! Maluwag don!" pag tataboy ni Luhan at tinulak pa ako, tangina mo Luhan! Pakyu ka. Habang nag lalakad ako papunta sa pwesto ni Jongin halos hindi mag kandamayaw ang puso ko, parang fangirls at fanboys lang. Dahan dahan akong tumabi sa kanya hindi ako makatitig sa kanya.
"Anong gusto mo babe?" tanong nya, ramdam ko ang titig nya at ng iba sakin kaya yumuko na lang ako.
"K-kahit ano na lang.." nauutal na sagot ko, bigla nyang hinawakan ang pisngi ko at tinapat sa kanya.
"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong nya, sobrang pula siguro ng mukha ko ngayon dahil sa hiya.
"Namumula ka Kyungie, may sakit ka ba?" nakangising pang aasar ni Chanyeol, namula ako lalo sa sinabi nya.
"Don't tease him!" saway sa kanya ni Kai, natawa si Chanyeol at tumahimik.
Nilagyan nya ng pagkain ang plato ko, nakita kong uminom ng coke si Luhan kaya kumuha din ako para inumin pero bigla na lang inagaw ni Jongin.
"Tsk! Agang aga. Ito ang inumin mo." inabot nya sakin yung gatas, teka? San nya nakuha to?
"Tamerd yan ni Kai, bes." natatawang sabi ni Baekhyun at nakipag apir kay Luhan. Sinamaan ko sila ng tingin pero ang mga gago nag beautiful eyes pa sakin.
Matapos kumain napag desisyon namin na maligo sa dagat pero dahil maaga pa umupo muna kami sa buhangin.
"Kamusta na kayo ni Lay?" tanong ko kay Suho napaiwas naman sya ng tingin.
"Oo nga, nakapag usap na ba kayo?" follow up question agad ni Baek
"H-hindi pa e, ang hirap kasi.. Ang a-awkward" nakayukong sagot nya, napatango kami.
"Alam mo dude, brad, bro, bruh, bes, hon, baby, babe, mahal, love, beb--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Luhan ng batuhin ko sya ng tsinelas ko.
"Galawang breezy ka din ano?" pangiirap ko sa kanya, binato nya pabalik ang tsinelas ko.
"Ikaw ang galawang breezy, sabihin mo nga samin san kayo nang galing ni Kai kagabi" pang aasar ni Luhan, napatigil ako at nanigas. Tangina, ano sasabihin ko?! Sinamaan ko sya ng tingin
"Hahaha! Wushuuu! Alam ko na ang mukhang yan Soo! Namumula ka oh! May pa people people change ka pang nalalaman, tarantada ka! Bibigay ka din pala!" nakangising sabi nya at hinagisan ako ng buhangin, napatakip agad ako ng mukha. Putang usa to! natawa lang si Suho at Baek sa katangahan ni Luhan
"Pero seryoso Dyo, san kayo nang galing ni Negsunog?" seryosong tanong ni Baek, huminga ako malalim saka sumagot
"H-hinila nya ako at nag usap kami" sagot ko habang nakayuko, natawa si Luhan sa reaksyon ko.
"Nag usap lang hindi nag yadong?" pang aasar nya, sinamaan ko ng tingin si Luhan
"Baby Soo, deretsuhin mo na agad kami. May nangyari ba kaya ka ganyan? Hindi ko alam kung pansin nila pero kanina iwas ka kay Negrits" seryosong sambit ni Lu, kapag ganito si Luhan ayokong man aminin pero natatakot ako. Tapos na sya sa pang aasar at dapat sumagot na ng seryoso
BINABASA MO ANG
My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)
Fanfiction© HH041220 WARNING : boyxboy, yaoi. Salamat kay @Chocolatelover_17 sa dating cover :)❤