Sorry sa grammatical errors ba3's!
--
(Kyungsoo's POV)
"Kyungsoo.." tawag nya
"Ay sorry! Sorry talaga" pahinging paumanhin ko habang tumutulo ang luha ko, agad kong sinara ang pinto.
Hingang malalim Kyungsoo! Pero tangina! Ano ba to?! Bakit ang sakit?! Ganito na ba talaga pag nag mamahal?! Inis kong pinunasan ang luha ko pero walang nangyayari.
"Kyung?" mas tinago ko pa ang mukha ko, alam kong si Chanyeol yun. Sya lang naman tumatawag sakin na Kyung eh
"Hey, Kyung?" hinawakan nya ang mag kabilang pisngi ko at tinapat sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit "Iiyak mo lang" sabi nya at hinaplos ang buhok ko, napahagulhol na ako sa kanya
"Tara" dinala nya ako papunta sa garden ng school habang nakayakap sya sakin
"Umiiyak ka na naman, langya talaga wala ka bang ibang alam"
Inakbayan nya ako habang kumakanta sya
"Namumugtong mga mata, kailan pa ba kaya ikaw mag sasawa, sa problema na iyong pinapasan, hatid sa'yo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan"
Napaiyak ako dun sa line na yun, bakit kasi sya pa? Bakit sa lalaki pa? Tarantadong love na yan! Walang pinipili eh.
"May kwento kang pangdrama na naman, parang pang tv na walang katapusan, hanggang kailan ka ba ganyan, hindi mo ba alam na walang pupuntahan ang pagtyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga, na wala ng ginawa kundi ang paluhain ka"
Humigpit ang akbay nya, may napansin ako na may negrong nakasilip samin
"Kausapin mo sya Kyung" bulong ni Yeol kaya napatingin ako sa kanya
"Para mas malinawan ka na sa relasyon nyo, kung ititigil nyo pa ba yang kagaguhan nyo o itutuloy pa" nakangiting advice nya at iniwan ako sa may bench na mag isa
(Kai's POV)
Napayukom ako ng kamao, nakita kong nakaakbay si Chanyeol sa kanya.
Umalis na sya at tumigil sa gawi ko at tumingin sakin ng seryoso
"Subukan mo ulit na paiyakin sya, mag kaibigan tayo pero magiging karibal mo ko, tandaan mo yan" seryosong sabi nya
"Wala akong pakialam, kung gusto mo iyo na sya" nakangising sabi ko. Napailing na lang sya at nilampasan ako, wala pala sya eh! Hahaha.
Pinuntahan ko agad si Kyungsoo sa may garden, napatingin sya sakin at nagulat sya sa presensya ko. Tumabi ako sa kanya, sandali kaming nanahimik.
"Mahal kita" sabi nya na sa unahan nakatingin
"Pero masakit na" ngumiti sya ng malungkot, napansin kong nag pipigil sya ng iyak
(Kyungsoo's POV)
Gusto ko ng matapos to pero parang ayoko. Ewan ko ba! Tumatanga na naman ang isip ko porke't nasa tabi ko sya ngayon
"I have to tell you something Do Kyungsoo" seryosong sabi nya, parang nabuhay ang loob ko sa sinabi nya. Nag katinginan kami at sya ang unang umiwas ng tingin
"Pinagpustahan ka lang namin" malamig na sambit nya, napayuko ako, sabi na nga ba eh wag mag assume masasaktan lang
"Hindi totoo yan, minahal mo ko kahit konti di ba?" Naluluhang tanong ko, napatayo sya at lumayo sakin ng konti.
"Hindi, may gilfriend ako yung kaninang naabutan mo yun ang girlfriend ko." malamig nyang sagot, lumuhod ako sa kanya at niyakap ang binti nya, nakakaawa man tingnan pero wala na akong pakialam
"Hindi, hindi totoo yan. Please Kai nag mamakaawa ako sa'yo, wag mo kong iwan please..." pag mamakaawa ko sa kanya
"FUCK D.O! I SAID I DON'T LOVE YOU! CAN YOU PLEASE UNDERSTAND THAT?!" nanggagalaiting sabi nya at inalis ang pag kakayakap ko sa binti nya
"Pinagpustahan ka lang namin at nag papasalamat ako sa'yo kasi nanalo ako ng isang mercedes benz" dagdag nya pa at nag salita ulit.
"Ayoko ng makita ang mukha mo, hindi kita minahal! Hindi ako bakla katulad mo. You look like a pathetic Do Kyungsoo" malamig nyang tugon at iniwan akong nakaluhod. Sana panaginip lang to, sinampal ko ang sarili ko. Pero, wala na. Tapos na, nasaktan na ako at hindi ko alam kung paano mag sisimula ng wala sya
"Putangina. Baby Soo!" tawag ni Luhan at niyakap ako
"Ano bang katangahan yan? Umayos ka nga" inis na sabi nya at inakay ako paupo sa bench
"Luhan ang sakit" yun na lang ang nasabi ko
"Aish! Iniwan ka lang, hindi ka namatayan" sabi nya at niyakap ako
"Ano bang nangyari?" tanong nya, humigpit ang yakap ko at kwinento sa kanya ang lahat
"Gago talaga ang lalaking yun! Punyeta. Hayaan mo na sya, patunayan mong kahit bakla ka may napag mamalaki ka, wag kang mag mukmok dito. Kahit masakit tanggapin mo ang katotohanan at mag simula ka ulit." advice nya na kinangiti ko.
"Salamat Luhan" nakangiting sabi ko
"Anything for my bestfriend" umalis sya sa yakap at hinawakan ang mag kabilang balikat ko
"Mag move on ka na kahit mahirap, tsaka limang buwan lang pala kayo nag sama eh! Madali mo syang makakalimutan, mag hanap ka na lang ulit marami pa namang iba na kaya kang mahalin" nakangiting advice nya at inakbayan ako
"Tara na" sabi nya at umalis na kami sa garden
I hate you Kim Jongin
----
Sorry sa maguguluhan ha? Hahaha! Eto na powz! XD Sorry kung mali yung lyrics ng halaga, ako ang nag type eh. Kawawang author :D
01-03-15 / 7:45 PM
-exorileygarjabap
BINABASA MO ANG
My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)
Fanfiction© HH041220 WARNING : boyxboy, yaoi. Salamat kay @Chocolatelover_17 sa dating cover :)❤