MJEB. 18

1.1K 48 7
                                    

(Kyungsoo's POV)

Pag kauwi ko sa bahay ay agad akong nag bihis ng pambahay na damit, pilit kong kinakalimutan ang nakita ko kanina. Kapag naaalala ko yung ay parang gusto kong manapak. Tiningnan ko ang cellphone kong nakasilent kanina pa.

14 missed calls galing kay Jongin, napairap ako at hinagis ang cellphone ko sa kama. Umilaw ang cellphone ko at napatingin ako doon. Kahit ayokong basahin ang text nya ay hindi ko mapigilan.

Kai:
Galit ka ba?

Nangunot ang noo ko at binasa ang iba pa nyang text.

Kai:
Baby, mag reply ka naman oh.

Kai:
Sagutin mo ang tawag ko please.

Kai:
Sorry kung may nagawa akong mali, wag ka ng magalit please.

Kai:
Sorry na Kyung.

Hindi ko na binasa pa ang iba pang text nya, pinatay ko na lang ang cellphone ko at humiga sa kama. Pinagpahinga ko muna ang utak ko saka natulog.

**

Nagising na lamang ako ng may sunod sunod na kumakatok sa pinto, humikab ako at uminat saka tumayo para pag buksan kung sino man ang pang gulo na pumutol sa tulog ko.

Handa na sana akong sigawan pero agad akong napatahimik ng makitang si Jongin yun.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig kong tanong, uminit ang ulo ko dahil sa kanya.

"Mag-usap tayo." seryosong sabi nya at hindi pinansin ang tanong ko, tumalikod ako dahil naiirita ako. Naiirita ako sa kanya, sa babaeng kasama nya kanina!

"Wala tayong pag uusapan Jongin, umalis ka na." mariin na utos ko, hinila nya ang braso ko at hinarap sa kanya.

"Bakit ka nagagalit?" paninimula nya at bumuntong hininga. "Ako dapat ang nagagalit dito dahil may kasama kang iba kanina! At talagang nag date pa kayo ha? Hindi mo man lang pinansin ang text ko! Masaya bang kasama ang lintek na yun?!" sigaw nya sakin, biglang nag pintig ang tenga ko sa narinig ko.

"Sa tingin mo magagalit ako sa'yo ng walang dahilan?! Tangina Jongin! Nakita kitang may kasamang iba at hawak hawak mo pa ang kamay nya! Sinungaling ka!" kinagat ko ang labi ko dahil gusto ng tumulo nang luha na kanina ko pang pinipigilan.

"Nag seselos ka?" huminahon ang boses nya kaya napaiwas ako ng tingin.

Oo, tarantado ka!

Hindi ako nag salita, hinawakan nya ang mag kabilang balikat ko. Ramdam ko pa ang titig nya kaya napapikit ako.

"Huwag mo kong hawakan." nanghihinang sabi ko at bigla na lang tumulo ang traydor kong luha. Nakakainis!

"Baby, i'm sorry." lumambing ang boses nya at niyakap ako.

"Kaibigan ko lang si Krystal, pinagbigyan ko lang sya kanina dahil ayokong lumala lalo ang sakit nya. I'm so sorry baby." puno ng pag susumamo ang boses nya, hindi ko pinansin ang paliwanag nya. Masyado akong natutunaw kapag nagiging sincere sya sa lahat ng sinasabi nya.

"Bakit kasama mo sya kanina? Bakit kayo mag kasama ni Ryeowook?" hindi pa din nya ako binibitawan, ang ulo ko ay nasa dibdib lang nya.

"Mag kaibigan lang kami." sagot ko kahit malayo sa tanong nya.

"Wala akong pakialam." malamig na utas nya. "Kyungsoo, walang may karapatan humawak sayo kundi ako lang. Akin ka lang Do Kyungsoo." mariin na pag kakasabi nya, tinaas nya ang baba ko at marahan na hinalikan ang labi ko, pumikit ako at dinamdam ang halik nya. Halos hindi ako makahinga dahil sa ginawa nya.

My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon