(Kyungsoo's POV)
"Baek, pupunta ba dito boyfriend mo?" tanong ko kay Baekhyun, parang wala syang narinig at nakangiti lang na parang tanga habang nakatingin sa cellphone nya sa sobrang inis ko binato ko sya ng magazine narinig ko pa ang pag aray nya.
"Bakit ba?!" sigaw nya sakin, ngumisi lang ako dahil nakita ko ang pamumula ng tenga nya ibig sabihin lang non na galit na si Prinsesa Baekhyun.
"Kanina pa kita kinakausap e." kibit balikat na sagot ko, inirapan nya lang ako.
"Ano ba kasing tanong mo?" inis na sambit nya, natawa na lang ako dahil sa inasal nya.
"Bakit ba iritang irita ka ha?" nakangising tanong ko "Siguro nag se-sex on text kayo ni Chanyeol no? Naka istorbo ba ako?" pang aasar ko, namula naman ang mukha nya at binato ako ng tsinelas nya na agad ko namang nasalo.
"Tarantado, di kami ganon." palusot nya.
"Talaga lang ha? Hindi ka na virgin sa text no?"
"Atleast sa text lang!"
"E di inamin mo din, tangnang to. Palusot pa!"
"Ugh. I hate you!"
Padabog syang umalis at dumiretso sa taas, tawa lang ako ng tawa hanggang sa may narinig akong nag door bell. Pinakalma ko muna ang sarili ko at binuksan ko ang pinto.
Si Park Chanyeol. "Byun Baekhyun ang ka-sex mate mo nandito na!" natatawang tawag ko kay Baek maya maya lang tumakbo sya at niyakap si Chanyeol.
"Chaaaanyeol~ kanina nya pa ako inaaway." nakapout na sabi ni Baek at tinuro ako, ang sarap nya batukan. Seryoso. Kingina! Pa-cute eh. Natawa naman si Chanyeol at hinalikan ang noo ni Baek.
"Ang cute ng baby ko." niyakap nya ulit ang prinsesa "Tsaka ano bang sinasabi sa'yo ni Kyung?" pag tatanong nya
"Nag-se-sex on text daw tayo." nahihiyang sagot ni Baek, humagalpak naman ng tawa Chanyeol.
"Ikaw talaga Kyung, bakit mo nilaglag si Baek?" pang aasar nya din, sumimangot si Baekhyun at inirapan si Chanyeol. Tawa lang kami ng tawa hanggang sa narinig namin ang pag iyak ni Baek. Patay kang tarantadong Yoda ka!
"Shit! Shit! Shit! Sorry baby, wag ka ng umiyak." pang alo nya pero bigla na lang nag walk out si Baek, napatingin si Chanyeol sakin
"Kawawa ka naman." kunyaring naaawang sabi ko at tinapik ko ang balikat nya
"Nandito ka pala?" tanong ko kay Jongin na nasa likod ni Chanyeol.
"Wala, anino ko lang to." pambabara nya
"Parang nga." natatawang sabi ko, hinila nya ang kamay ko at saka ako niyakap.
"Halikan kita dyan eh" narinig kong bulong nya, napatingin naman ako sa kanya at ang kufal naka ngisi lang sakin.
"Alam mo Jongin, kung na-mi-miss mo ako sabihin mo lang." pag mamayabang ko at humiwalay sa yakap nya.
"Araw araw na ikaw ang nasa isip ko, bakit pa kita ma-mi-miss?" nakangising sabi nya, inirapan ko sya.
"E di shing" hinawakan ko ang kamay nya at hinila papuntang salas, napansin kong wala na pala si Yeol.
"Alam mo Kyungsoo, kung gusto mo akong chansingan sabihin mo lang." nakangising sabi nya, nanlaki ang mata ko at napatingin sa kamay namin agad kong binatawan ang kamay nya.
"Oh bakit? Hawakan mo na, nahiya ka pa." pilit nyang hinahawakan ang kamay ko pero pilit ko ding tinatago.
"Dati nga, kulang na lang pakasalan mo ang kamay ko sa sobrang higpit ng kapit mo--"
"Gagu, past is past."
Habang nag aasaran kami bigla na lang tumunog ang cellphone ko, nakita ko kung sino ang tumawag at shit! Si Ryeowook, agad ko itong sinagot
"Kamusta ka na babe?" tanong nya, napakagat ako ng labi.
"A-ayos lang, ikaw, k-kamusta na?" kinakabahan kong sambit.
"Miss na kita. Babe, pupunta ako dyan." ano daw?! Pupunta?! Shit naman talaga oh! Kalma Kyung.
"Pupunta? Di ba may trabaho ka?"
"Ayaw mo ba akong makita?"
"Gusto per--"
"Yun naman pala eh, bye!"
Mag sasalita pa sana ako pero bigla nya akong binabaan, paano na? Paano kung mag kita sila ni Kai? Shit. Teka nga lang, bakit nga ba ako kinakabahan? Napatingin ako kay Kai na nakatingin lang sakin.
"Ok ka lang?" tanong nya at hinawakan ang pisngi ko.
"O-oo naman." kagat labi kong sagot.
"Soo, alam ko ang mukhang yan. Hindi ka ok eh. May nangyari bang masama?" nag aalalang tanong nya.
"Wala tsaka Jongin kailangan kong mag linis ng bahay may bisita akong darating mamaya." ngumiti ako ng pilit.
"Bisita? Sya ba ang dahilan kung bakit nag kakaganan ka Soo?" ramdam ko ang sakit sa boses nya, hindi ko na lang sya pinansin at dire-diretso akong nag lakad.
"Manliligaw mo ba yun?" napatigil ako at nanigas sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Mabuti na lang may biglang nag door bell.
(Kai's POV)
"Manliligaw mo ba yun?" tanong ko, napatigil sya at hindi nakasagot. Manliligaw nya nga pero bakit nya ako hinalikan? Bakit pakiramdam ko ako pa rin ang mahal nya? Do Kyungsoo, hindi kita maintindihan. Bigla na lang may nag door bell at agad nya itong pinagbuksan
"Babe!" hinalikan nung lalaki si Kyungsoo sa pisngi, napaiwas ako ng tingin. Ganito pala kasakit nung nakikita nya akong may kasamang iba dati, gusto kong suntukin yung lalaking humalik sa kanya pero hindi pwede, dahil hindi na kami.
"Kai, si Ryeowook nga pala. Ryeowook, si Kai." pag papakilala ni Kyungsoo, nilahad ni Ryeowook ang kamay nya palatandaan ng pakikipagkamay agad kong tinanggap yon.
"Manliligaw nga pala ni Soo." nakangising sabi nya, ngumiti lang ako.
"Tara Ryeo, kain ka muna." ngumiti si Kyungsoo at hinila ang kamay ni Ryeowook papuntang dining area, parang kanina lang hawak mo pa ang kamay ko tapos ngayon ibang kamay na ang hawak mo. Wag kang mag drama Jongin, gusto mo yan di ba? Panindigan mo.
Hindi na ako nang gulo pa pero sinilip ko muna sila bago ako umalis at nakakapangsisi na ginawa ko pa yon.
Nakita ko kung paano halikan ni Ryeowook si Kyungsoo sa labi. Tangina, Kim Jongin! Wag kang iiyak. Tumalikod ako at lumabas sa bahay nya.
"KAI!" rinig kong sigaw ni Kyung pero hindi ko pinansin, ayokong makita nyang mahina ako. Nag patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makarating sa kotse ko.
Habang nag d-drive ako bumalik lahat sa isipin ko kung paano ko sya ginago at ito na siguro ang karma ko. Nag vibrate ang cellphone ko at nakatanggap ng message mula kay Baekhyun
Baekhyun:
Asan ka?! Bumalik ka dito! Akala ko ba hindi mo susukuan si Kyungsoo?! Wag kang gago.Napangisi na lang ako sa inasal ni Baek at napansin kong may message ulit, galing naman kay Amber.
Amber:
Bro, bumalik na sya. Bumalik na si Krystal.TANGINA.
**
Huehue, short update bibeh! :D #4yearswithexo #FOUReverwithexo Pabasa nga po nung "See you again" :3 Para yun sa EXO at EXO-L's ❤ Labyu :*
BINABASA MO ANG
My Jealous Ex-Boyfriend (KaiSoo FF.)
Fanfiction© HH041220 WARNING : boyxboy, yaoi. Salamat kay @Chocolatelover_17 sa dating cover :)❤