Chapter 29:DUTY

15 1 0
                                    

Chapter 29:DUTY

KAY LOPEZ

It was already 1 p.m. when I heard my stomach growling and I saw Mimi coming from another pavilion where she is assigned in the women's outpatient department while I am in the Children's outpatients department. She slowly walking towards me while looking at me signaling that I should get up from my desk to get out of the room and eat. I responded to her with wait outside while fixing my desk.

"Beshie! Ang tagal mo kanina pa ako gutom. Kanina pa kita inaatay sa pav ko talagang nagpasundo ka pa rito eh napakalayo nito sa canteen."

"Aww sorry girl. Hindi ko na napansin yung oras dahil busy ako sa kaka-score ng mga test ng mga bagets.", hinawakan ko ang braso ni Mimi para ialo siya. "Teka bakit hindi ka tumawag or nagtext para inform ako na kakain na tayo."

"Aysus! Girl kanina pa ako tumatawag sayo hindi ka sumasagot kaya pinuntahan na kita."

"Hmm, sorry! My bad. Naka-silent ata ang cellphone ko. Teka nga check ko." Kinapa ko sa bulsa ng uniform ko wala akong nahawakan. Bigla akong nagpanic baka nawala na naman.

"Psst. Okay kalang girl. Aligaga ka. What happen?"

"Nawawala ang cellphone ko. Try mo nga ulit tawagan. Ano ba yan kakabalik nga lang nun nawala na agad."

Mimi tried so many times pero my cellphone kept on ringing lang Walang Sumasagot.

"Girl, baka naman nasa bag mo lang. Alalahanin mo kanina nung nasa bus ka papunta rito. Simula ba kanina pag dating mo hindi ka na humawak ng cellphone?"

"Hindi na dahil marami ng patients kanina nung dumating ako. Kaya I attended them immediately without thinking my cellphone."

"Ahh, baka andon lang yun sa bag mo. Check mo nalang pagbalik. Halika na bilisan mo na dyan nagwawala na mga alaga ko."

Patakbong hinihila ako ni Mimi sa canteen. Naririnig ko na rin ang sikmura niyang nagwawala sa gutom.
Hindi na niya ako pinansin sa mga sinasabi ko sa kanya, wala 'tong ibang nasa isip kundi pagkain.

"Kay! Bilisan mo para kang naglalakad sa buwan." habang ang kamay ni Mimi panay ang sienyales ng papunta sa kanya.

"Oo na riyan na!" patakbo na akong lumapit sa kanya.

Pumili na kami ng mga makakain sa canteen, halos konti na lamang ang natitirang ulam dahil sa tapos na ang lunchtime. Wala na kaming nakita kundi fried chicken at porkchop. Ang pinili ko ang fried chicken gayon din ang napili ni Mimi at nagdagdag lang siya ng isa pang ulam ang paborito niyang hotdog na mukhang kaninang umaga pa niluto dahil sa kulontoy na ng itsura nito.

"Kay, remember noong high school tayo favorite ko 'to na halos araw araw ito kinakain ko!" natatawang hawak hawak ni Mimi ang nangunguluntoy na hotdog sa harapan ko.

"Oo nga! Bakit ba favorite mo yan kaya hindi ka napagkakamalan na mayaman kasi kain ka ng kain niyan. Akala ng mga classmates natin na sobrang hirap mo kasi yan nalang araw araw ang kinakain mo.

"Haha!" malakas na tawa ni Mimi na sapu sapo ang bibig. "Kaya nga eh! Nagtataka sila sa akin dahil magaganda ang gamit ko at laging latest tas hotdog lang kinakain ko sa lunch until they discovered na kami pala ang may ari ng isang franchise ng 711, department store at isang Hotel.

"Oo nga! Para ka kasing patay gutom sa hotdog na kala mo mauubusan na. Kung makakain ka parang wala ng bukas. Haha!" nagkatawanan kami ng malakas ni Mimi.

"Hindi ka ba nanawa? Ilang taon mo yan kinain na wala kang break. Kahit nasa gimik tayo kain ka parin niyan.

"Kasi nung bata pa ako hindi nila kami pinapakain nito dahil masama ito sa health. Kaya malaya lang ako kumain nito kapag nasa school or sa tuwing kasama ka kapag nag group study tayo ng weekends."

THE DIVINE ENCOUNTERWhere stories live. Discover now