Chapter 35: The Taste of Coffee

17 1 0
                                    

Chapter 35:

Kay Lopez

Hindi ako makatingin ng deretso kay Rowoon, para akong natutunaw na yelo sa Atlantic Ocean. Ramdam na ramdam ko ang init ng pisngi ko dahil sa eksena namin. Ito na naman kami nag lock na naman mga mata namin kanina. Tense na tense gumalaw ang Lola mo. Hindi ko na maigalaw ang leeg ko nagka-stiff neck na yata ako. Napapansin kong panay ang sulyap niya may gustong atang sabihin pero napi-pipe na siguro ang lolo mo.

Napansin ko parang namumula pisnge niya na ako rin ramdam ko na rin na nag-iinit na ang mukha ko parang nasa harap na kami ng samgyupsal sa init. Tumikhim siya at hawak ang kanang kamay sa bibig na nakatiklop habang ang kaliwa naman niyang kamay ay panay haplos sa kaliwang hita.

Para mabiyak ang katahimikan nagtanong ako sa kanya, "gusto mo ng kape?" Nakangiti siyang tumingin sakin at tumango lamang.

"Okay, ipagtitimpla kita!" Nakangiting sagot ko at tumungo na ako sa kusina para mag init ng tubig at ihanda ang aking coffee press. Inamoy ko ang beans habang bunukbuksan Ito na nakangiti. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Rowoon. "Ayyy anak ng pating!" Napaatras ako at napahawak sa kanto ng table, of course sa table, iniisip niyo na naman sa dibdib, hmm iba rin kayo eh noh!

"Ay ginulat ba kita?" Sambit niya na kamut-kamot ang ulo at nakangiti na para bang nang-aakit.

"Oh! Ano ka ba naman! Bigla naman ako kinabahan sayo buti nalang hindi pa tayo nagkakape!" Na mataas ang boses ko sa sobrang intense ng pagkagulat ko. Napatalon talaga ang puso ko sa pagkagulat.

"Hmmmp, kamuntikan mo ng maihagis sakin yung kape buti at alerto ka!" Natatawang sagot niya.

"Mr. Ko! Kamuntikan narin tayong walang iinumin na kape, ang kalalabasan neto tubig na mainit ang iinumin natin." Sabay tawa ko ng malakas at bigla narin siyang tumawa ng malakas.

We laughed out loud that moment as if parang walang nangyari earlier. He pinched my face unaware and saying you're so funny! Napahinto siya nang tiningnan ko siya ng may pagtataka sa isip ko at bigla niyang binababa ang kamay niya at nagsalita nang, "Pasensya na Jam! Nabigla lang ako!" Hindi siya nakatingin sakin habang sinasabi niya Ito kundi sa kalderong kanina pa whistle ng whistle at maingay na. Pinuntahan niya ito at pinatay ang kalan. Binitbit niya ito at siya na ang naglagay sa coffee press.

"Rowoon! Sorry hindi ko natanong." Bigla akong napahinto dahil parang nagblock out ang  isip ko ng itaas niya ang sleeve ng jacket, parang ang sexy kasi tingnan.

"Ano yun Jam?" Tanong niya habang napahinto siya dahil sa bigla akong nagblush na naman.

"Ahhh! Ano nga 'yung itatanong ko? Haha nakalimutan ko na!" Nakita kong he giggled when he turned around to reach the pack of coffee and add some granules.

"Ahh ayun! Itatanong ko sana if matapang ka bang magkape?" Sabay kunwaring nagpupunas ako ng lamesa para hindi halatang tense ulet ako.

"Lord, please help me na pakalmahin ang sarılı ko!" Nagpray ako silently asking God for desperate help.

"Yes! Sorry nakulangan lang ako sa granules na nilagay mo, pero okay lang ba? Baka matapangan ka?

"No, okay lang actually matapang din ako magkape sinadya kong I-medium lang kasi baka matapangan ka." Sabay ngiti.

Panay ngiti netong mokong na 'to ahh mukhang alam na neto weakness ko. Hmm hindi pwedeng malaman niya.

THE DIVINE ENCOUNTERWhere stories live. Discover now