Chapter 30: BALLOONS
KAY LOPEZ
ding dong...
"Naku po may nag doorbell na naman si Rowoon na naman yan na magpapanggap na delivery boy."
Sumilip ako sa bintana para i-confirm kung siya nga. Wala akong makita, "baka nagtago na naman iyon sa likod ng gate." Nakatitig lang ako ng may kumakaway na lalaki na mataba. Sumisigaw ng, "delivery po Ma'am!" Nakita ko na nag doorbell ulit. Nagpalit ako ng t-shirt, kasi last time ang itsura ko parang basang sisiw, dahil sa paglalaba ng kumot.
Binuksan ko ang bintana at sumigaw ng, "Kuya wait, baba na po ako."
"Yes po Kuya ano po ang delivery niyo po at kanino po galing?" tanong ko habang binubuksan ang gate. Hindi sumasagot si Kuya kaya dali dali kong binuksan.
"Tada! Ma'am Kay, flowers for you! Ito po ay espesyal na mga bulaklak na ang ibig sabihin ay peace offering at may kasama pong cake para naman po naman sa napakatamis na araw! Ika nga po the sweetest day!"
Infairness na weirduhan ako sa delivery man, dahil hindi niya sinasagot ang tanong ko, kaya inulit ko ulit ngunit hindi niya parin sinagot, instead he ask me to smile and took a photos of me, dahil yun nga ang requirements sa pag received ng delivery.
Maya maya pa ay may natatanaw akong lobo sa paahon from mini parking lot ng street namin. Nakita ko itong bitbit ng isang lalaki na nakangiti at masayang masaya sa hawak niyang lobo. Papalapit na sa amin. Nakatitig lang ako na halos hindi na kumukurap dahil habang papalapit ay nakikilala ko na, kung sino. Napahawak ako sa dibdib ko sapagkat ang bilis ng tibok nito at sa pisngi kong tila ba nagbabaga na.
"Ma'am Kay, siya po ang nagpadeliver nito sa inyo." sambit ng delivery man na kilig na kilig sa pagkakaturo kay sa lalaki. Hindi mapigtal ang ngiti nito sa labi na para bang siya iyong nakatanggap ng surpresa at hindi ako.
Halos hindi ko na namalayan na nasa tapat ko na ang lalaki na hindi nagbabago ang pagkakangiti at nakatitig lamang sa akin na parang nagkikislapan ang mata sa tuwa. Ako nama'y nanginginig na sa di mawaring pakiramdam. I can't put into words how I felt that time. A BIG QUESTION MARK! Is it love or hate?
"Ms. JAMILA KAY LOPEZ! Here's another one to complete all the deliveries for you!"
Wala akong masabi nakabuka lang ang bibig ko pero walang lumalabas na boses. "Hmm.........." wala na naman akong masabi na para bang naihipan ng nagyeyelong hangin. Naka-freeze lang ang katawan ko.
"I know you are shocked but let me introduce officially to you who I am. I am Rowoon Ko, 20 years old, a 4th-year med student. I am your Elementary classmate and..... Mahabang pause at nakatitig lamang sa akin....."the one that hurt you badly in the past. I'm here to ask your forgiveness and your understanding of all the things that happened in the past. Please forgive me Miss for all the trouble I have caused so much pain."
Iniabot niya ang balloons sa akin at inilagay niya sa kamay ko dahil puno na ito hindi ko na mahawakan pa. Wala akong masabi, nakatitig lamang.
"Ahem, ahem!" sabi ng delivery man. "Sir Rowoon aalis na po ako at salamat po!"
Tumingin lamang siya at tumangong nakangiti sa mamang delivery man.
"Ms. Kay, nakatitig ka lang sa akin may muta ba ako or kulangot sa mukha kaya hindi ka makapagsalita?" habang tumatawa na animong walang nangyari.
"Nakakagigil 'to parang sira! Haist bakit hindi ako makapag salita? Hoy Kay! Gising!" sigaw ko sa sarili ko para matauhan.
"Hey! Ms. Kay!----JAM!" tumaas ang boses niya ng banggitin niya ang Jam na animoy in allcaps ang pangalan ko.
YOU ARE READING
THE DIVINE ENCOUNTER
RomanceAfter the incident that day, 20 years old, Rowoon Ko became restless thinking about the woman he accidentally met at the alley in Joseph's neighbourhood wherein he and his best friend Randy invited to have dinner at their home. Still figuring out th...