Chapter 18:MYSTERIOUS GUY

22 2 0
                                    

Chapter 18:MYSTERIOUS GUY

KAY LOPEZ

Ding..dong..

Hinawi ko ang kulay puting kurtina ng bintana ko para silipin kung may taong nag do-doorbell sa gate.

May lalaking naka sumbrero na itim at naka-jacket na itim din para iba ang kutob ko. Nag antay muna ako ng ilang minuto para pag aralan ang kilos ng mamang nasa harapan ng bahay ko.

"Bakit hindi siya tumitingin dito at bakit hindi nakatingala. Usually yung mga mamang nagdedeliver dito sa bahay nakatingin at nag aalis ng sumbrero?"

Pinagmamasdan ko ng matagal at sinisipat ng mabuti dahil narinig ko sa balita na may mga akyat bahay ngayon na nagpapanggap na delivery boy pero bigla kang hahawakan sa leeg at papasok ng sapilitan. Doon ay ninakawan at kung minsan ay pinagsamantalahan muna bago patayin.

"Oh no! Whew!" nakakakilabot.

Biglang tumaas ang balahibo ko sa mga oras na 'yun at parang takot akong pagbuksan ang delivery guy.

"Gabi na pati may delivery pa ba ngayon?"

Ding dong.. Narinig kong muli ang doorbell.

"Sige i-try ko na nga bahala na po kayo Lord."

Hinila ko ang itaas at ibaba na kawit sa aking pintuan. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang screen.

"Sino po sila?"

"Ma'am, delivery po."

"Delivery? wala akong pinadedeliver. Kanino galing?"

"Wala naman akong pinadeliver. Saka gabi na. Sino naman ang magpa-deliver ng ganitong dis oras? Unless sila Papa or sila Kuya."

Hindi ko binubuksan ang gate. Nakikipag usap lang ako sa kanya habang sarado para alam ko na safe ako sa oras na 'yun.

"Ma'am wala pong name pero dito po naka address." sagot niya na parang kinakabahan ang boses.

"Kanino nakapangalan? May I know please?"

"Ma'am, kay Ms. Jamila Kay Lopez po? Kayo po ba si Ms. Jamila?"

"Yes, it's me." biglang tumahimik sa pagitan namin.

Biglang akong nagsalita, "ano po ba yang pinadeliver?" I asked.

"Ma'am naka paper bag po, I think black bag."

Ahh, I see, is it new or not?"

"I don't think so, can you open the gate Ma'am and take a look so that you can confirm if this is for you."

"Don't worry po I'm not kidnapper lalo pong hindi ako magnanakaw. I'm just here to deliver this package. Please assure that I am telling the truth."

Narinig ko na bag daw, hindi naman daw siya magnanakaw at lalong walang gagawin masama sa'kin. Mukhang nabasa niya ang isip ko kanina sa taas.

"Parang pamilyar 'yung boses ng lalaki. Para siya yung kahapon na lalaking nakabungguan ko."

Huminga ako ng malalim dahil unti-unti ng nanginginig ang katawan ko. Pinagpapawisan na ako ng malagkit at malamig. Yung tibok ng puso ko sobrang bilis hindi ko na mahabol. Alam ko na kapag nenerbyos ako namamasa na ang mga kamay ko.

Yung legs ko nanghihina na parang any moment babagsak ako sa kinatatayuan ko.

"Si Rowoon Ko ba yan?" - - - "Oh no! Ano gagawin ko? Natatakot akong harapin siya. Baka kaya siguro nagtatakip ng mukha. Ayaw magpakilala."

Sinilip ko sa hole ng gate ko para makita yung buong itsura ng tao. Wala akong makilala dahil naka all black ang suot. Hindi pa naman ganon kalinaw ang ilaw ko sa labas dahil malapit ng mapundi.

THE DIVINE ENCOUNTERWhere stories live. Discover now