CHAPTER 26: BUSY SATURDAY

20 1 0
                                    

CHAPTER 26: BUSY SATURDAY

6 DAYS LATER......

[KAY LOPEZ]

Nagising ako bigla because someone was shouting at me like crazy but when I searched the whole room no one was there. I didn't see the face but it was like a red alert on the eruption of a volcano. Hala nanaginip na naman ako.

I was still in the state of recalling the dream, when the vibration of my cellphone was so distracting that my sleepy head was alerted. I stopped the alarm clock and checked the time, it was already 8 a.m. I have 1 hour and a half before departing from my bed.

I read my bible, have quiet time, and pray for 30 mins. Usually, this is the best time I had with someone who forgave me and freed me from the destruction of my life. After all of these, I still did not get up. I was staring at the ceiling remembering everything I had for this week.

It's challenging and nerve breaking for me. A new challenge that I have to face. I do not know where, when, and how to start.

I remember Rowoon again. Why can this guy not get out of my head? Why is he always occupying my mind? What's going on with me? With that in mind, I feel lazy that I want to stay in bed for a whole day but I can't afford to stay at this rate.

I have so much laundry to do and mess to clean up. My plants are all dying. Magagalit sa akin si Mama if wala magsu-survive sa mga iyon, patay ako.

When my alarm starting to vibrate at 9:30am, hudyat na kailangan ko ng tumayo at kumilos.

Niligpit ko ang pinag higaan ko at nilagay sa hamper para labhan. Nilagay ko yung mga damit ko na nakasampay, mga tuwalya at cover ng sofa. "Aja! Sobrang busy ngayon at need ko ng maraming lakas."

Binitbit ko na ang mga maruming damit sa labahan. Isinalang ko muna ang mabibigat habang marami pa akong lakas ay ihuhuli ko ang mga magaan lang.

Tumungo ako sa kitchen to boil water for my brewed coffee. Yan lang ang meron ako sa umaga. Kapag ganito kasi wala na akong time magluto at kumain sa dami ng mga gagawin ko besides wala din akong lulutuin. Hindi ako nakapag grocery dahil madalas sarado na pag uwi ko from my part time job.

Depende nalang talaga kapag may ihahatid sila Papa sa akin ayun may lulutuin ako pero kapag busy sila wala talaga.

Iniwan ko muna ang mga nakasalang ko at kinuha ang walis at dustpan para simulan naman ang paglilinis sa kwarto ko. Since I do not own a vacuum manual lang na duster para pagpagin ang mga alikabok.

"Grabe kahit every week akong naglilinis bakit ganon ang dami pa din alikabok, nakakaloka."

Narinig ko na nag stop na ang washing machine at nag whistle naman ang kettle ko. Inuna ko muna ang kettle kasi maingay. I pour out sa strainer para masala ang mga coffee granules. Iniwan ko na muna ito para puntahan ang mga labahin ko.

Inalis ko na sa washing machine para banlawan sa palanggana. Hindi rin kasi automatic ang washing machine ko na may rinse so I have to rinse it manually, sa bigat ng kumot basang basa na ako.

Wala rin akong dryer so technically sa labas ng bahay lang ito isasampay sa may arawan. Binitbit ko na ito sa labas, at isasampay na ng may nasipat ako na nakatingin sa direction ko pero hindi ko nakikilala ang dahil sa wala akong suot na eyeglasses.

Nagkibit balikat lang ako kasi baka napatingin lang sa gawi ko kasi nakatingin sakin ang kapitbahay kong matandang best friend ng lolo ko. I waved my hand to grandpaps and smiled but seems hindi niya ako makita kasi wala rin siyang suot na salamin kaya nag patuloy lang ako sa ginagawa ko. Pumasok na ako sa loob para balikan ang coffee ko. Isinalin ko na sa cup ko and pumuwesto muna sa dining table.

I was just thinking again for someone outside, may bisita pala si grandpaps bihira ko na kasi makitang umuwi ang anak niya na nasa abroad.

"Buti naman naalala nilang dalawin ang mag asawang matanda. Nag aalala ako sa kanila lalo na kapag nasa school ako at work halos 14 hours akong wala baka kung mapapano sila o may mangyayari sa kanila hindi ako maka rescue agad."

Mamaya daanan ko sila para kamustahin at makipagkwetuhan saglit bago ako pumunta sa small group namin. Nakakamiss din yung tawa ng dalawang oldies. I missed my grandparents nung nabubuhay pa sila. Sobrang close namin sa pamilya nila dahil mag bestfriend sila Papsie at Grandpaps.

How I wish mabalik ang dating buhay namin, walang umalis at walang sadness puro lang sana masasayang moments. But of course everything in this world will never be permanent, since everything will fade away, like what Solomon said life is like chasing in the wind. Hindi mo alam kung kelan at saan ka aabutan ng paglagot ng hininga mo at pag stop ng pangarap mo.

Minsan nakakalungkot mamuhay mag isa. You don't have choice but to live this way para to survive. Parang nasa gitna ka ng kagubatan finding a way out but you don't know what will happen in the midst of your journey, baka may mga wild animals to devour you and leave you lifeless.

Everyone in my workplace I heard them talking about not investing more emotionally in the person you love because someday they will hurt you and give you painful times if they will leave you.

Somehow, may point but somehow it's very pathetic knowing that you cannot love the person 100% percent because they will leave you with a wounded heart. Siguro depende kung sino at ano ang standard mo of living in this world. Mag iiba kasi 'yung perspective mo kung sino at ano ang sinusunod mo sa buhay.

ting... ting...

Narinig ko ang paghinto ng washing machine ko kaya bigla ako napabalikwas at dali daling tumungo sa washing area. Biglang nawala yung mga emo moment ko. Minsan din talaga may mga moment ako kapag nagkakape ganon ang mga pumapasok sa isip ko. May something ang coffee na laging may nagbabalik sa mga alaala ko.

Minsan delikado kapag mag isa lang ako kasi nagiging weirdo ako. Natatawa akong nagsasalita habang nag aalis ng mga damit sa washing machine.

Siguro ito ang isang effect ng coffee na walang laman ang tiyan, simula pa kagabi kaya nagiging weirdo ang tao. Kaya pala ipinagbabawal ang caffeine sa mga patients with mental health issues. Actually, dati I find it difficult to understand. When our Clinical instructor gives prognosis to the patients battling with mental illness not to take any caffeine related foods to recover fast but now I really understand kasi I experience it. Hindi ko kayang walang coffee ito lang ang bumubuhay sa diwa kong natutulog, very addictive. Kahit wala na akong tinapay basta may kape, solve na ako.

Tinapos ko na ang lahat ng ginawa ko sa oras na 'yun. Natapos ako ng 12:00 pm kaya bumalik ako sa dining table para inumin ang natitirang kape kahit malamig na, sayang kasi. Iniisip ko mag la-lunch na pero wala pa akong maisip na kakainin dahil wala akong iluluto. Puro tubig lang ang nasa refrigerator ko sayang ang kuryente wala naman laman.

Nakakatawang isipin kung nandito pa si Mama hindi nawawalan ng laman ang ref ko, ngayon super empty pati katawan ko wala na ring kalaman laman parang puro buto nalang nakakapa ko. Pati sila Papa at Kuya Jecko ganon na rin ang itsura sa akin.

Mahirap pala talaga kung mawalan ka ng nanay habang hindi pa kayo fully trained sa buhay pero salamat na rin kahit papaano, kasi na trained naman kami ni mama sa mga gawaing bahay, 'yun nga lang ang pagluluto ang hindi. She's the best cook ever we had in the house kaya lahat kami well feed but now mga malnourished na kaming mag aama.

"Haist Ma, bakit mo kami iniwan ng maaga?" napayuko ako at napahalukipkip sa kinauupuan ko na feeling ko maglalaglagan na ang mga luha ko pero biglang na distract ng may nag doorbell.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
THE DIVINE ENCOUNTERWhere stories live. Discover now