PROLOGUE

82 4 0
                                    

Prologue

"Crush mo kaya si Reign dati!" pambubuking ni Patricia kay Jeffrey habang tinuturo pa ito.

Binuga ko ang usok ng vape habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan. Ngumusi ako nang makita kong namula si Jeffrey.

"Shut up, Pat! May girlfriend na ako," sabi ni Jeffrey at sumulyap sa akin.

I raised my brows at him before putting the vape on my mouth again. He shook his head then rolled his eyes. Natawa ako at sa kaniya naibuga ang usok.

Kakatapos lang ng reunion party ng highschool batch namin at dahil masyado pang maaga para umuwi, nagka-ayaan na mag-after party sa bar ni Charish. Dapat ay hindi na ako sasama dahil pagod ako galing trabaho, kaso binilin sa akin ni Seth si Camira at Heira kaya wala akong nagawa kundi ang magbantay.

Nasa dance floor ang dalawa at sumasayaw kasama si Cha at Haru. Nagpaiwan na lang ako rito sa lamesa namin dahil masakit na nga ang paa ko. Nakipag-usap na lang ako sa mga kaklase at nag-reminisce ng mga memories naming magkakaklase noon.

Inabot ni Patricia sa akin ang shot glass. Tinanggap ko iyon habang binubuga ang usok. Straight na nilagok ko ang whiskey at bahagyang ngumiwi pa dahil sa lasa.

"Sayang wala si Dreo." nguso ni Andy.

"May kailangan daw gawin,"  sagot ko.

Tumingin siya sa akin at umahon sa pagkakasandal sa couch. "'Di ba sila ni Amira dati? Break na ba sila? Kailan pa?" usisa niya.

"Matagal na. Pansin ko noong college hindi na napasok si Amira, pero si Dreo napasok naman," pakikisali ng isa ko pang kaklase.

I smiled a bit and nodded. "Noong college sila nag-break tapos lumipat si Ami sa Cebu."

"Eh?! Sayang ang tagal na nila no'n. Nag-break ba kasi lilipat sa Cebu si Ami?"

Umiling ako.

"E, 'di ba namatay mommy ni Amira that time?"

Hindi ako sumagot at hinayaan silang manghula.

"Nag-away si Seth at Dreo noong libing. Nandoon ako. Bakit ba sila nag-away?" baling ni Jeffrey sa akin.

Nagkibit ako ng balikat, walang planong sabihin ang dahilan.

"May chismis dati nagloko raw si Dreo. Totoo ba?"

"Oo! Iyon nga rin ang naririnig kong sabi kasi galit na galit na raw si Seth. Pero may nagsasabi rin na hindi naman daw. Hindi ko alam! Tahimik lang kasing 'tong magkakaibigan sa mga problema nila." Turo ni Patricia sa akin. Ngumisi ako at uminom ulit.

Syempre tahimik kami. Hindi naman namin 'yon problema para ipagkalat. Mga chismoso kayo.

Naiba ang usapan nila at napunta na sa mga trabaho. Habang nakikipagkwentuhan ay sinubukan kong hanapin ang dalawa kong alaga sa crowd. Natanaw ko silang kasama pa rin nila Cha at Miharu at masayang-masayang nagsasayaw sa baba.

"Ito nga si Reign, hindi nag-college pero successful. Ito ang sana all!"

Napabaling ako sa mga kasama ko dahil sa sinabi nila.

"Mahirap din naman." Ngumiti ako.

"Hoy, 'wag kayo! Ako ang first comment lagi sa online selling niya dati!" mayabang na sabi ni Andy.

Tumawa kami pareho. Tahimik akong nakinig sa kanila habang inuubos ang alak sa baso.

Malapit ng mag-ala una at antok na antok na talaga ako. Kapag bumalik ang dalawa ay aayain ko na silang umuwi ngayon habang kaya ko pang mag-drive.

My Lover is a Liar (Lover Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon