CHAPTER 11

13 0 0
                                    

Chapter 11

Dumaan ang birthday ni Camira na hindi kami maayos ni Amira at Gabrielle. But it's not because of them, it's because of me.

After what happened weeks ago, I decided to create a line between us. Alam kong unfair dahil mga kaibigan ko pa rin naman sila. Pero mas pipiliin ko ang ganito na lumayo ako kaysa ibang pagsasama na naman ang masira ko.

Kaya ilang linggo na sinubukan kong umiwas sa kanilang lahat. Pati si Heira hindi ko magawang makausap ng maayos dahil sa hiyang nararamdaman ko. Kapag nag-aaya sila ng gala o kita-kita ay naghahanap ako kaagad ng excuse para hindi dumalo.

And in weeks of avoiding, I realized na mas maganda ang buhay ko kung ipagpapatuloy ko lang ito. But I know that I can't stay avoiding them. Gab already said his sorry from what he did and said. Ami on the other hand didn't say anything but I know that she knew what I did, and still she remained silent and treat me like how she treats me before.

Everything is normal around me, ako lang talaga ang hindi. Pero umaakto pa rin ako na normal ang lahat para hindi nila mapansin.

And today, nag-aya ulit sila para makipagkita. But this time, I can't say no. Celebration kasi ng 1 million subscribers ni Amira, and holiday naisipan na magparty para lahat makakapunta. Sa condo lang naman ni Amira ang party, pero iyon ang mas lalo kong inalala. Sa condo lang kaya siguradong close friends lang niya ang pupunta. And for sure, King is there.

"Ano, pupunta ka ba?"

I sighed and put the papers down on my table.

"Kung hindi ako pupunta, baka magtampo na talaga si Amira."

"Oh, edi pupunta ka?"

"Huwag mo kasi akong iiwan."

"Tanga! Ikaw ang nawawala na lang bigla." Umirap si Heir at pinagpatuloy ang pagkukulot ng buhok niya.

"Huwag mo akong bibitawan na lang!"

"Huwag kang marupok. Ganoon. Mas maganda 'yon. Huwag kang magpapadala sa bugso ng damdamin. Alisin mo mata mo sa kaniya. Focus ka na lang sa kagandahan ko."

Sumimangot ako sa haba ng sinabi niya. Ngumisi siya at nilapag ang curler.

"Don't worry. Ako bahala sa 'yo mamaya. Hindi ko hahayaang makita mo 'yung pangit na 'yon," sabi pa niya.

Umirap ako at tumango na lang. Wala na rin naman akong nagagawa dahil si Amira na mismo ang timawag sa akin kanina.

Nagpaalam si Heira pagkatapos niyang mag-ayos. Babalik na lang daw siya para sunduin ako at pupunta na kami kila Amira.

Habang naghihintay nang oras ay tinapos ko na ang lahat ng trabaho na nasa lamesa ko. Ilang araw akong hindi focus sa trabaho kaya natambakan, pero ngayon sinusubukan kong bawiin lahat.

And about Phoenix, he's persistently coming in my office. I once let him pero nauwi lang din ako sa iyak. Kaya pinili kong pakiusapan siyang hindi na muna ako makikipagkita. Pumayag siya at ilang beses ulit na humingi ng tawad sa ginawa niya. Siya na rin daw ang bahala sa parents niya at kay Daddy. And after that, wala na akong balita about him. Basta noong tumawag si Daddy at Tita Yiuna para kumustahin ako, ang sabi nila ay nakilala na nila iyong babaeng nabuntis ni Phoenix. And their already planning about the marriage.  

Of course it hurts me. Nandito pa rin sa dibdib ko 'yung sakit na naramdaman ko nung nalaman kong nakabuntis si Phoenix. And for the past few days of thinking din, I realized that I have the right to feel this. So I let myself feel broken.

Doble pa nga dahil kay King.

Ala-una pa naman ng hapon ang party, and exact 10 AM ko natapos ang lahat ng kailangan kaya may oras pa ako para makapaghanda. I just ordered a light lunch because for sure maraming pagkain mamaya sa party. Alas dose nang bumalik si Heira at sakto naman noon na nagbibihis na ako. Tinerno ko lang ang suot kong itim na fitted dress sa suot ni Heira'ng black bodycon. Tapos ay puting rubber dahil pagod na ang paa ko sa pagsuot ng heels mula kaninang alas kwatro para sa sunod-sunod na meeting.

My Lover is a Liar (Lover Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon