CHAPTER 10

12 0 0
                                    

Chapter 10

"Dahil ba sa akin?" mabilis kong tanong nang makabawi sa sinabi niya. Umusbong ang takot at sakit sa puso ko. "Bianca, I swear, ako." Tinuro ko ang sarili ko. "Kalasanan ko, Bianca. Hindi si King. Ako ang may ginawang kasalanan. Ako ang humalik. Ako ang may gawa bakit ganoon. Bianca..."

Umiling siya habang humihikbing pinapanood ako sa harap niya. Kinagat ko ang labi ko. Humakbang ako palapit sa kaniya at sinubukang hawakan ang kamay niya.

Wala sa intensyon kong manira. At hindi kailanman pumasok sa isip ko ang manira ng relasyon. Mahal ko si King, pero alam ko ang limitasyon noon. Nakagawa ako ng mali at nagsisisi ako roon. Pero hindi ko hinangad ang makasira ng pagsasama.

Ang gusto ko lang talaga ay malinawan at makaahon sa lunod kong pagmamahal. Umaasa ako pero hindi sa ganitong paraan.

Kaya ang malaman na may nasira akong relasyon... ay parang isang balang tumagos sa katawan ko. Pakiramdam ko ang sama kong tao.

"Bianca, please... Ako ang may kasalanan. Huwag kang magalit kay King. Ako. Ako ang gumawa noon. Hindi si King," pagmamakaawa ko.

Kung kailangang akuin ko ang lahat, ay gagawin ko. Lalayo ako. Iiwas ako. Gagawin ko lahat para hindi na makagulo. Basta magkaayos sila. Wala na akong pakialam kung habang buhay na akong malunod, basta hindi lang ganito.

Umiling-iling ulit siya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kaniya. Tinanggal niya iyon ng dahan-dahan at humakbang paatras.

"Don't blame yourself, Reign. May mali rin kami."

"No—"

"Kami ang nagsimula ng dahilan bakit kami natapos." Mapait siyang ngumiti. "Maybe you did something wrong pero mayroon kaming mas malaking pagkakamali sa relasyon na sinimulan namin."

"No, Bianca. King loves you. You love him. Hindi ko nakita o hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang mayroon kayo, but Bianca, I swear..." Lumunok ako. "King  loves deeply—"

"And he loves you!"

Natigilan ako sa sigaw niya.

"Deeply," nabasag ang boses niya.

Umawang ang labi ko.

Lumambot ang mata niya na puno ng luha at lungkot. Humugot siya ng malalim na hininga at binuga iyon ng malakas.

"Reign, he still love you. He's still deeply in love with you."

No words came out on my mouth after hearing that. Nablangko at hindi makaisip ng sasabihin.

"Simula umpisa, ikaw pa rin. Kahit ako 'yung kasama niya, palagi pa ring ikaw. At alam ko 'yon." Humikbi si Bianca. "Ramdam ko, Reign. Kita ng dalawang mata ko paano ka niya tingnan. At kitang-kita ko paano ka niya hanapin. Reign, ikaw hanggang ngayon."

"Bianca..."

Mariing pinunasan ni Bianca ang luhang patuloy ang pagtulo. While me, I just stand in front of her and unable to utter a word.

Ayokong maniwala kaagad. Ayokong umasa kaagad. Kasi mahirap at masakit. Especially that it came out from Bianca. Maybe it's really a misunderstanding. She assumed that King's still into me because of what happened.

My heart hurt because of that. Hindi totoo. Kapag hindi galing kay King, hindi totoo. Ayokong masaktan dahil sa kakaasa. Ayokong tuluyang makulong sa pag-asa na mahal pa niya rin talaga ako.

"Sinubukan namin, Reign. Hirap na hirap ako pero pumayag ako kasi mahal ko siya. Kahit alam kong impossible, sumugal ako kasi umaasa ako."

"N-No, please. Bianca, stop."

My Lover is a Liar (Lover Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon