Chapter 14
Para talagang isang kurap lang ang weekends sa sobrang bilis. Hindi ko namalayan na Monday na naman at makikita ko na naman ang mga teacher kong may favoritism.
"Reign, bilisan mo late na ako!"
Nagmamadaling sinuklay ko ang buhok ko habang sigaw nang sigaw si kuya sa baba. Na-late ako ng gising kasi akala ko walang pasok. Kaya heto ako at madaling-madali sa pag-aayos.
"Reign!"
"Pababa na, kuya!"
Isang tingin at ngiti pa sa salamin ay saka ako lumabas ng kwarto at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Busangot ang mukha ni kuya habang hawak ang cellphone at nakatanaw sa akin.
"Ang bagal..." sabi pa niya.
Inabot niya sa akin ang helmet at bag niya bago kami nagpaalam at lumabas ng bahay.
Mabilis lang ang byahe dahil naka-motor kaya hindi ko pa kailangang tumakbo papunta sa building ng ABM. Pero si kuya kailangan na 'atang paliparin ang motor dahil late na nga siya.
"Huwag mong bilisan kahit late ka na! Isusumbong kita sa mama mo," banta ko habang binibigay sa kaniya ang helmet.
Umirap siya at saka ako hinila para humalik sa ulo.
"Hintayin mo 'ko mamaya."
Tumango lang ako. Pinanood ko siyang magpaharurot ng motor na kinairap ko. Sabing huwag bilisan!
Marami pa rin ang mga students sa labas ng mga building at room kahit malapit na ang time kaya kumportable akong naglalakad at hindi nag-aalala na late na. At tama lang naman ang dating ko dahil ilang minuto lang ay pumasok na ang first subject namin.
Lectures lang naman ngayong araw ang nangyari dahil Monday pa lang. Pero may ibang nagpa-quiz agad lalo na ang mga minor subjects.
Hindi ko alam bakit pinili ko ang ABM kahit bobo ako sa math. Nalaman ko lang kasi na hindi ganoong mahirap magpagawa ang strand na 'to kumpara sa iba. Pero hindi rin pala. Kung sa STEM ay puro tests, sa HUMSS ay puro essays, sa ABM naman puro reportings. Dito raw kasi ay mahahasa ang pananalita at posture namin dahil kami ang mga future businessman.
But in all honesty, hindi ko alam kung bakit ako nasa strand na 'to at kung saan na ako pupunta after ng senior high school. Hindi ko alam kung nag-eexcel ba ako or nasasanay lang.
"Hindi tayo sabay?"
Umiling ako kay Heira habang naglalakad kami pababa ng building ng HUMSS. Uwian na namain at naisipan ko siyang puntahan. Pakiramdan mo kasi ay may tampo siya dahil sa hindi ko pagkkwento sa kaniya tungkol sa amin ni Prince.
"Si kuya kasabay ko."
"Bakit mo pa ako hinintay kung ganoon?"
"Wala lang."
Nagkwentuhan kami tungkol sa nangyari ngayong araw habang hinihintay si kuya. Ang ingay namin habang naglilibot sa buong school pero walang pakialam ang kasama ko dahil sobrang invested niya sa kwento.
Hanggang sa magtext si kuya sa akin na nasa labas na siya ay hindi pa rin natatapos ang kwento niya. Masaya naman din ako dahil ngayon lang ulit kami nakapagkwentuhan ng matagal.
"Wala ka bang kasabay, Heira?"
"Wala, kuya" sagot niya kay kuya. "Pero isang sakay lang naman ako kaya okay lang. Saan ba lakad niyo?"
"Sa Nuvali lang. Hindi kasi kami natuloy noong nakaraan. Gusto mo ba sumama?"
"Luh. Saan naman ako sasakay sa motor mo, kuya? Sa gulong?" tawa ni Heira. "Hindi na. Kayo na lang. Nagtampo 'yan nung hindi kayo natuloy."
BINABASA MO ANG
My Lover is a Liar (Lover Series #2)
Ficção Adolescente"You don't love me anymore?" "I don't love you at all!" Reign fell in love with a great and ideal man after her five-year relationship ended. He said that because he's a King, she should be treated as a Queen. They support one another and respect ea...