CHAPTER 16

5 0 0
                                    

Chapter 16

"Paanong iba 'yung tingin? Hindi ko ma-gets. Creepy gano'n? Uncomfy?"

Umiling ako agad sa sinabi ni Heira. "Hindi! Ano..."

"Ano?" impatient na tanong ni Heira habang pareho kaming naka-upo sa loob ng isang milktea shop.

Sabado ngayon at walang pasok. At noong tinawagan ko siya kahapon ay hindi siya free para sa kwento ko kaya ngayon kami nagkita. Mas okay na rin dahil personal ko siyang matatanong.

Ngumuso ako at medyo nahiya. Pero si Heira naman 'to. Alam niya lahat kahit amoy ng utot ko.

"Parang tingin na ina-admire ka gano'n?" saad ko.

Tumaas ang kilay niya. Sumisilip ang ngisi niya kaya inirapan ko siya.

"Ina-admire ka naman talaga niya, ah? Crush ka ni King 'di ba?" 

"Tsk."

Malakas siyang tumawa nang singhalan ko siya.

"Totoo naman! Umamin sa atin, ah?" aniya habang tumatawa at nang-aasar pa rin.

Inirapan ko na lang siya at hinayaan doon na tumawa. Uminom ako ng order namin na milktea at kumain ng kaunting cake.

Nang humupa ang kasiyahan niya ay tsaka siya nagtanong ulit.

"Okay, okay. Pero totoo naman kasi. Sabi niya sa atin dati crush ka niya simula nung grade 10 tayo. Kaya bakit parang gulat na gulat?"

"Iba kasi ngayon!"

"Elaborate mo kasi!"

Bumuntong hininga ako. Nakakainis naman 'to. Ang awkward na nga para sa akin na i-kwento tapos ipapa-elaborate niya pa?

"Sabihin mo sa akin paano mo nasabing iba. Nagugulumihanan ako sa point mo," saad niya kaya wala akong nagawa.

"Ano... parang may pinapahiwatig. Yung tingin na nagpaparamdam ganoon. Like sinasabi niya na crush niya ako ganoon, gusto niya ako... " sabi ko sabay takip ng mukha at yuko dahil sa sobrang hiya.

Tumawa na naman si Heira dahil nakikita niya akong napipikon na.

"Tingin na parang jojowain ka, ganoon ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Ang OA! Hindi naman ganoon. Pero iba kasi talaga sa tingin niya dati. Hindi ko ma-explain ng maayos pero basta tingin na parang nagpaparamdam."

"Talagang iba ngayon kasi wala ka ng jowa! Alangan namang tingnan ka niya ng malandi dati kahit may jowa ka? Edi, nasuntok ni Prince 'yon?"

Napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi ni Heir. Pero may point naman siya. Hindi nga naman pwedeng tingnan ako ni King ng ganoon dati kasi may boyfriend ako.

"And okay lang naman na ganoon siya tumingin kasi single ka na naman," sabi pa niya. "Ipaliwanag mo nga kasi paanong tingin. Gamitan mo ko ng mga descriptions na ginagamit sa mga romance book kahit medyo OA and cringe. Para mas maintindihan kita kasi gusto kong malaman talaga anong point mo."

Tiningnan ko si Heir. Nakapatong ang dalawa niyang siko sa lamesa habang humihigop ng milktea. Nakatingin sa akin at inaabangan akong magsalita. Habang ako ay bagsak ang balikat at talagang nahihiya na.

"Okay..." Umayos ako ng upo. "Nung pababa na ako ng sasakyan niya, tiningnan niya ako. Malambot na tingin." Sumimangot ako dahil nakaramdam ako ng pagka-cringe kaya natawa si Heira. "Yung titig niya parang napagtanto niya na gusto niya ako at gagawin niya lahat para sa akin. Ganoon. Okay na?"

My Lover is a Liar (Lover Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon