Chapter 17
I know that King is really a kind person. Tuwing naririnig ko ang mga kwento sa kaniya ni Amira at ng iba pa niyang mga kaibigan, palagi kong iniisip na ang bait nga siguro talaga ni King. Isa rin iyon sa dahilan bakit gusto ko siyang maging kaibigan noon kahit nai-intimidate ako sa talino niya.
Laging kong naririnig na palagi siyang tumutulong sa mga school works ng friends niya. He offers help din sa teachers. And siyempre, he's a student leader when we were in Junior High and I saw how friendly he is towards our schoolmates. Palagi ko ngang naririnig ang tawag sa kaniya na "Kamahalan" not because his name is King but because siya raw ay kamahal-mahal.
Maraming nagkakagusto sa kaniya dati. And sina Amira at Heira ay hindi nakaligtas doon. Dagdag rin sa charisma niya ang pogi niyang mukha at pogi niyang utak.
At napatunayan kong totoo iyon noong naging malapit ang circle of friends namin dahil sa relationship nila Ami and Dreo. Hindi siya marunong humindi lalo na kapag kaya niya at gusto niya. Nagbibigay siya ng oras na tulungan ka.
Naalala ko noong nahihirapan akong mag-review sa Math noon nung Grade 10 kami, nag-offer siya na itu-tutor niya ako at ang bayad lang daw ay sampung pisong turon sa canteen. Tapos simula noon ay hindi na ako nahihiyang humingi ng tulong sa kaniya. Kasi kapag nagpapaturo ka sa kaniya, hindi mo nararamdaman na bobo ka.
And I witnessed more noong mas naging close kaming dalawa. Iyong pag-offer niyang sumabay ako pagpasok at pag-uwi. Iyong panlilibre niya after class. At siyempre iyong mga words of wisdom niya tuwing nararamdaman niyang hindi okay ang araw mo.
Ganoon siya sa lahat. Mabait siya sa lahat. Kaya hindi ko pinansin nung una 'yung narinig kong usapan nila magkakaibigan.
"Crush mo si Reign 'di ba?"
Napahinto ako sa paghahalo ng pancit canton nang marinig ko ang usapan nila King at Ray.
"Ulol ka ba?" si King.
Nasa kusina sila pareho, kumukuha ng pinggan at mga utensils. Habang ako ay nasa dining at hinahanda ang snacks namin. Hindi siguro nila napansin na nandoon ako.
"Kunwari ka pa. Halata ka naman dati pa. Ang bait-bait mo kaya kay Reign!"
Narinig ko ang singhal ni King at bahagya niyang pagtawa. "Mabait ako sa lahat," sabi niya.
"Mas mabait ka pagdating kay Reign. Ilang taon na tayong magkaibigan pero hindi mo pa ako nililibre."
"Nilibre lang crush na?"
Hindi ko na mapigilan na sumilip dahil naging tahimik sila pagkatapos noon. At doon ko lang napagtanto na nakita pala nila ako sa lamesa na naghahalo at siguradong nakikinig.
Ngumiti lang ako at nagkunwaring wala lang. Pinagpatuloy ko ang paghahalo sa canton at saka umalis papunta sa sala.
After that, naging mailap si King. Hinayaan ko na lang din dahil baka nahihiya siya.
Pero umulit iyon nang hindi sinasadyang narinig ni Dreo ang usapan nila King at Gab.
"Crush mo si Reign, King?!" malakas na tanong ni Dreo habang nasa kusina kaming mga babae at nasa sala silang mga lalaki na naglalaro.
Nagkatinginan kaming apat noon bago tumakbo ang tatlo sa sala. Naiwan naman akong may hawak pang sponge at pinggan.
"Gago? Crush mo si Reign?!" nangunguna ang bunganga ni Heira sa pagtatanong.
"Kailan pa?" dagdag pa ni Cam.
Nagkakagulo silang lahat doon sa pagtatanong habang ako ay tinatapos ang hugasin sa kusina. Pero siyempre nag-aabang din ako ng sagot mula kay King.
BINABASA MO ANG
My Lover is a Liar (Lover Series #2)
Teen Fiction"You don't love me anymore?" "I don't love you at all!" Reign fell in love with a great and ideal man after her five-year relationship ended. He said that because he's a King, she should be treated as a Queen. They support one another and respect ea...