Chapter 19
"Medyo naguguluhan ako."
"Saan?"
Humugot ako ng isang malalim na hininga.
"Kay King," sagot ko.
Nahinto ang pagsusulat ni Heira dahil sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya, siguro ay hindi nakuha ang ibig kong sabihin. "Ha?"
"Naguguluhan ako kay King," ulit ko.
Nagsalubong pa lalo ang kilay ni Heira. "Saan?"
"I mean... naguguluhan pala ako sa nararamdaman ko kay King."
Nakita ko ang dahan-dahang panlalaki ng dalawang mata ni Heira bago niya ibaba ang hawak na ballpen.
"Ano?!"
Bumuntong hininga ako at ibinaba na rin ang hawak na ballpen. Sinarado namin pareho ang laptop at tablet. Kahit ang nagp-play na music ay pinatay para lang sa baon kong kwento.
"So, ito nga..." panimula ko. "Ang daming kumausap sa akin, tinatanong kung nanliligaw ba si King. Tinatanong din ako kung naka-move on na raw ba ako."
"Sino-sino?"
"Andy, Pat, Ysha, kahit si Miharu tinatanong. Tapos siyempre ang sinasagot ko, 'hindi' kasi hindi naman talaga. Pero kapag 'yung about sa moving on ko, I know myself na I'm better. Tanggap ko na talagang wala ng pag-asa kasi... alam mo naman. But honestly, I don't know if naka-move na ako." Tiningnan ko si Heira sa mata. Tumango-tanga naman siya kaya nagpatuloy ako. "Kasi first ko 'to, first love and first heartbreak ko si Prince. So, hindi ko talaga alam if I have moved on or nasa acceptance stage pa lang."
"Gets kita," comment ni Heira.
"And then kapag tinatanong nila ako about King, lagi akong napapa-isip. Lagi nilang binabanggit na iba ang tungo sa akin ni King," kwento ko.
"Iba naman talaga," si Heira.
Natigilan ako. "Well... hindi naman sobrang iba," depensa ko pa.
"Pero iba." Binigyan niya ako ng nang-aasar na ngisi at taas ng kilay. "Hindi siya nanliligaw pero hatid-sundo ka papasok at pauwi. Willing to drop everything just to help you or puntahan ka. Ikaw ang bukambibig. Willing to spend money kahit alam nating sa tropa ay siya ang pinakakuripot. And most especially, he's making time to know you. Remember the kwento mo? Yung sa talong? Ako na kaibigan mo since elementary hindi alam na ayaw mo sa talong tapos siya? By observing? Now, tell me, paanong hindi sobrang iba? E, baka nga kahit kapitbahay ko siya hindi niya ako ihatid pauwi?"
Nanlambot ang dibdib ko dahil sa haba ng sinabi ni Heira. Oo na. Sige na. Iba na.
"Pero hindi ako naniniwala sa action speaks louder than words. I need words, you know?"
"Reign, paano niya sasabihin sa'yo kung alam niyang kakagaling mo lang sa almost 5 years break-up? Sige nga. And you're also aware of his feelings naman. Umamin naman siya sa harap mo."
Oo nga naman. Nakuha ang point ni Heira. At naintindihan ko rin na baka nga iyon ang dahilan.
Pero kahit na! maglilimang buwan na simula nung break up. Dapat diba gumagawa na siya ng moves?
"But this is not the main topic. Ang topic natin ay about sa nararamdaman mo. And what's your feeling about it?"
Hindi ako kaagad nakapagsalita. Medyo nagdadalawang isip ako kasi hindi ako sigurado.
"I appreciate him a lot. Like sobra talaga. All his efforts. And I won't deny na... kinikilig ako everytime he'll do something for me. But the problem is, this is not what I felt with Prince. So hindi ko alam if I'm already having feelings for King or it's just appreciation," saad ko.
BINABASA MO ANG
My Lover is a Liar (Lover Series #2)
Novela Juvenil"You don't love me anymore?" "I don't love you at all!" Reign fell in love with a great and ideal man after her five-year relationship ended. He said that because he's a King, she should be treated as a Queen. They support one another and respect ea...