CHAPTER 3

14 3 0
                                    

Chapter 3

"Nagtanong si Uno sa akin kaninang umaga tungkol sa ex mo na bestfriend ko raw, which is obviously King."

I put the cup down and looked at Gab. He's smirking while wiping the counter with tissue.

"Anong sinabi mo?" tanong ko.

"Ang sabi ko gwapo, matalino tsaka mabait. He's also asking for the name but I didn't give it kasi you know King. But I told him na Engineer at madalas dito sa Barista," kwento ni Gab, natatawa.

Bahagyang tumaas ang kilay ko at humigop ulit sa kape. I expected it kagabi pa lang after ng dinner naming magkakapatid. Uno won't make it pass. Iyon pa. Talagang magtatanong 'yon kaagad. Baka nga hindi pa iyon makatulog kakaisip kung sino ang ex ko.

"Bakit nagtanong 'yon? Kwinento mo?"

Umiling ako. "Hindi. Si kuya Nico kasi ang papansin."

Tumawa siya sabay lapag ng cake na order ko.

"Nag-aadvice kasi kami kay Uno tungkol sa panliligaw. Tapos biglang banat ni kuya na maniwala sa akin kasi based on experience. Ayon, hindi na nanahimik si Uno kakatanong tungkol kay King," kwento ko.

"Si Zero nililigawan niya, right?" Tumango ako. "He's here kanina pinagpaalam si Zero at may pupuntahan daw."

Tumaas ang kilay ko at sumubo ng cake. "Date?"

"I don't know." He shrugged.

Nginiwian ko na lang iyon. Date-date pero naghahanap ng back-up kapag na-reject. Ano 'yon, Uno?

Inubos ko ang cake habang nagta-type sa laptop ng tungkol sa trabaho. Habang si Gab ay naging abala sa mga dumadating na costumer.

Linggo ngayon at kakatapos ko lang sumimba at naisipan ko na dito sa Barista magtrabaho dahil makalat ang apartment. Nagsisimula na kasi kaming mag-ligpit ni Heira dahil nga sa paglilipat. Ayaw ko rin pumunta sa Reign dahil malayo kaya dumiretso na lang ako sa Barista.

Simula na ang shooting para sa commercial pero hindi pa naman ako kailangan kaya hindi na muna ako pumunta. Nagpapahintay rin si Heira para raw sabay na kami. She's still on spa, working on her face and body. She said that she wants to look sexy in front of the camera para raw may mag-aya na sa kaniyang makipag-date. Ako, kahit na gusto ko sumama, I don't have time. Siguro after this works na lang.

I stretched my arms and massages my shoulder after a long time of typing on my laptop. Sakto naman na nagbaba ng drinks si Gab sa harap ko. Uminom ako roon habang chine-check ang ginagawa.

"Sila Seth at Cam."

I turned my head on the entrance door. I spotted Seth and Camira walking towards us. Seth with his camera and Cam with lots of branded bags. Looks like they're making a content for Seth's vlog. May mga lumalapit at napapatingin sa dalawa, karamihan ay kabataan.

"Aba, nandito ka pala!" si Seth nang makita ako sa counter.

Hinarap niya ang camera niya sa akin. I frowned and shoved it away.

"Arte," sabi niya bago balingan si Gab na natatawa sa kagaguhan ng isa.

I rolled my eyes at them then looked at Cam. She put the paper bags on the high chair beside me and the others is on the floor. She sighed heavily before smiling at me. Inagaw niya sa kamay ko ang ice coffee na hawak ko at doon ay humigop. Natawa pa ako dahil sa pagngiwi niya. She didn't like coffee, pero dahil sa uhaw ay hindi na na-check ang iniinom.

"Ang pait!" aniya.

"Gab, ang pait daw ng kape mo," pang-aasar ko habang inaabutan ko ng tissue si Cam.

My Lover is a Liar (Lover Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon