CHAPTER 12

9 0 0
                                    

Chapter 12

"I'm sorry, Ami..."

Hindi ako matingnan ni Amira. At naiintindihan ko.

Nandito ako ngayon sa Barista para makipag-usap kay Gab, Ami, at Ray. I explained what happened noong birthday ko at noong gabing iyon. At alam ko. Alam kong disappointed sila sa akin. Lalo na si Amira.

Hindi ko alam kung anong sunod kong sasabihin. Pinapanood ko lang silang tahimik na nakayuko at hindi ako matingnan.

Kinagat ko ang labi ko. Yumuko rin ako at naramdaman ang nagmamadyang luha. Pero pinigilan ko iyon dahil ako ang may kasalanan.

"Nag-usap na ba kayo ni King?" si Gab ang unang nagsalita.

Umiling ako.

"I think you two should talk."

"No, I don't think so," kontra ni Amira. "Maybe you should leave them alone, Reign. That's what I think the best thing to do."

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Sinaktan ko si Amira...

"Ami..." Gab called her.

"What? Seryoso ako. Kung mag-uusap pa silang dalawa do you think ikakahinga 'yon ng maluwag ni Bianca? Hindi. So dapat layuan mo na sila Reign. Kahit pa sinabi ni Bianca sa'yo na break na sila, hindi pa rin 'yon dahilan para... you know."

Tumulo ang luha ko kasabay ng pagtango ko sa kaniya.

Gab sighed beside her.

"Mauna na kami. May pupuntahan pa kami ni Amira," sabi ni Ray na ngayon lang nagsalita simula nang dumating dito.

Tumayo ako nang tumayo sila. "Thank you for your time and for listening. I'm sorry again..."

Tumango si Ray sa akin, samantalagang tiningnan lang ako ni Amira at saka tumalikod para umalis.

Naiwan kami ni Gab. Nagkatinginan kaming dalawa. Umupo ulit siya kaya umupo na rin ako.

"I really think you and King should talk. To clear things up," biglang saad niya.

Umuling ako. "Hindi na siguro. Mas tama sigurong lumayo na lang ako katulad ng sinabi ni Amira."

Bumuntong hininga siya. "I'm sorry..."

"Okay lang, I understand. Ako naman ang mali at ang pasimuno ng lahat."

Kung hindi dahil sa pangungulit ko kay King, hindi naman aabot sa ganito. Kung sana hinayaan ko na lang siya...

Umalis ako ng Barista bandang tanghali noong napansin ko ang pagdami ng tao. Dumiretso ako sa opisina para tapusin ang ibang trabaho. Ni hindi ko namalayan ang oras at nakaligtaan na ang magpahinga dahil noong silipin ko ang bintana ay malapit ng dumilim.

Nagligpit ako ng gamit nang marinig ko ang ibang empleyado na aalis na rin. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom kaya minabuti kong kumain ng dinner sa malapit na kainan.

"Ingat po, Ms. Reign!"

Ngumiti ako sa mga empleyado at kumaway bago paandarin ang sasakyan.

I tried contacting Heira pero hindi niya sinasagot kaya wala akong choice kundi ang kumain mag-isa. Um-order ako ng usual kong kinakain tuwing nandito at pinili ang pinakadulong pwesto kung saan wala masyadong tao.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay tumawag si Heira, pinapasuyong kuhanin ang naiwan niyang gamit sa apartment.

"Kumain ka na ba?"

"Oo, tapos na kami! Nagsho-shoot ako ng podcast kanina nung tumawag ka," sagot ni Heir. "Basta nasa cabinet lang 'yon. Lagay mo sa kwarto ko mamaya pag-uwi mo."

My Lover is a Liar (Lover Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon