CHAPTER 6

17 0 0
                                    

Chapter 6

"Nakakaloka ka, Lou Reign!"

Tahimik akong sumimsim ng mainit na tubig habang patuloy ang panenermon ni Heira sa akin sa harap.

"Alam mo bang binaligtad ko na ang buong club? Kulang na lang buong Laguna halughugin ko para lang mahanap ka! Puta! Ang paalam mo pupunta ka sa banyo pero mukhang tinototoo mo ang pagpunta sa moon!"

Huminga ako nang malalim. Hinilot ko ang sumasakit kong ulo bago uminom ulit ng tubig.

Heira continued her sermon. "Lahat ng tao sa club kahit lasing pinagtanungan ko kung nakita ka! Nawala na ang tama ng alak sa amin kakahanap sa 'yo! Muntik na akong tumawag ng SOCO at Imbestigador dahil hindi kita makita! Babae ka! Umiyak na ako sa guard kasi bakit hindi ka niya nakitang lumabas!" sigaw niya sabay inom ng tubig.

Sinulyapan ko siya, taas-baba ang dibdib niya dahil sa hingal. I pressed my lips and felt guilty. Well, I should.

"Hindi kita ma-contact! Wala kang dala kahit ano. Nasa lamesa ang wallet at phone mo. Paano ka nakauwi? Sinong nag-uwi sa 'yo? Kung hindi ko pa sinubukang silipin ka rito baka mabaliw na ako! Nag-taxi ka? Anong pinambayad mo? Paano kung tuluyan ka ng nadukot? Ha?! Paano kung na-rape ka?! Lasing ka! Bakit ka umuuwi ng mag-isa!"

Hindi ako sumagot. Napahinga siya ng malakas at napahawak sa ulo niya. Tulad ko ay malala rin ang hang over niya, pero mas lumalala 'ata dahil sa akin.

Hindi ko rin naman din kasi alam paano ako nakauwi. Ang huli kong natatandaan pupunta ako sa banyo tapos hindi ko na alam. Sa sobrang kalasingan ko kagabi hindi ko na alam kung anong pinaggagawa ko. Paano ako nakauwi o sinong nag-uwi sa akin.

"Mag-sorry ka kila Amira mamaya, ha? Pati sila pinag-alala mo!" Tumango ako. Umirap siya at padabog na inubos ang tubig na iniinom niya bago umalis sa harap ko. "Kumain ka ng lugaw riyan! Matutulog ako. Bwiset ka! Hindi ako nakatulog dahil sa 'yo!"

Napanguso na lang ako at tumango ulit sa kaniya. Bumubulong pa siya ng kung ano-ano habang naglalakad paalis hanggang sa makapasok sa kwarto niya.

Nang wala na siya sa paningin ko ay binagsak ko ang ulo sa dining table at doon umungot nang umungot para indahin ang sakit ng ulo.

Nagising ako nang alas singko ng umaga kanina dahil narinig ko ang sigawan ng mga kaibigan ko sa labas. Sila Heira iyon na tinatawag ang pangalan ko at umiiyak, pero bumalik din ako sa tulog dahil sa kalasingan. Tapos nang magising ako nang alas dose ng tanghali, ito na siya at nanenermon sa pag-uwi ko.

Wala akong alam sa nangyari kagabi dahil sa kalasingan. Ni hindi ko alam paano ako nakauwi rito sa apartment. Wala akong dala na kahit ano just what Heira said so it's really impossible na ako lang umuwi mag-isa.

But who the hell have our key?! No one! Just the two of us! Kaya mas lalo siyang nagagalit dahil baka magnanakaw raw pala iyon at pinasukan na kami. But when she check it kanina wala naman daw nawala. And I'm also safe, I didn't feel any weird things in my body.

We're all confused, even Amira and Seth who checked us. When they called Gab to ask if siya ang nag-uwi sa akin, hindi raw siya.

Naisip ko naman na baka si Phoenix dahil sabi ni Heira, kasabay ng pagkawala ko ay ang pagkawala na rin ni Phoenix. But Phoenix didn't also have our key. We can't ask him naman now kasi he's still asleep.

I sighed and sipped on the hot water again.

Galit na galit si Heira. Halos sabunutan niya na ako kanina noong lumabas ako ng kwarto. Umiiyak pa 'yon dahil sa gigil niya sa akin.

E, hindi ko naman kasi alam! Sobrang lasing na ako. Para kong nilaklak lahat ng alak sa bar ni Cha, e. Sobrang sakit ng ulo ko at kanina pa rin ako suka nang suka. Medyo kumalma lang ngayon dahil sa mainit na tubig at gamot.

My Lover is a Liar (Lover Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon