Chapter 8
"King, I—I..."
"Reign, may girlfriend ako!" sigaw niya mismo sa mukha ko.
Mabilis na tumulo ang luha ko at natatarantang sinubukan siyang hawakan. Pero tinabig niya ang kamay ko at umatras palayo.
Tumitig siya sa akin. Ng may pandidiri. Putangina. Nang makita ko 'yon para akong sinakal sa leeg ng mahigpit. Lumakas ang agos ng luha ko habang sinusubukang magsalita.
"King, I'm s-sorry—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang lagpasan niya ako. Mabilis at mabigat ang hakbang niya noong iwan ako roon na umiiyak.
Nasapo ko ang noo ko at pinanood si King na umalis. Nanginginig ang kamay ko sa takot at tuloy-tuloy ang hikbi ko. Kinakapos na rin ako ng hininga.
Reign, what did you do? What the hell did you do?!
Kahit na gulo-gulo ang utak ay hindi ako nagdalawang isip na sundan siya. Medyo dumami ang tao sa dance floor kaya nahirapan ako, but I still manage.
Nakarating ako sa lamesa namin at nakitang si Heira lang ang nandoon. Habol ang hininga na tumayo ako sa harap niya.
"Reign!" sigaw niya.
Pinunasan ko ang basa kong pisngi dahil sa luha at nilibot ang tingin.
"Si King? Nakita mo ba si King?" I asked her in a panicking voice.
Her face is confused while looking at me. She tried to hold me but I shoved it.
"Heir, si King! Nakita mo ba?"
"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak?"
I gasped for air. Sumisikip na talaga ang dibdib ko dahil sa halo-halong emosyon. Heira panicked because of that.
"Reign! Tangina! Anong nangyari?"
Sinubukan niya akong paupuin pero hindi ako pumayag. Imbes ay nilagpasan ko siya at naglakad ng mabilis palabas ng club. I can hear her calling me but I don't have time right now. Kailangan kong makita si King. Kailangan kong mag-sorry.
Nakalabas ako ng club at mabilis na tumakbo papunta sa parking area. Maraming sasakyan ang nakaparada kaya nahirapan ako sa paghahanap kay King.
"Reign!" Nasa likod ko na si Heir at hinihingal.
Naglakad ako paikot sa parking at inisa-isa ang mga sasakyan. Hindi ko tanda kung anong sasakyan ni King pero makikilala ko 'yon kapag nakita ko.
Umiiyak na binubulong ko ang pangalan ni King. Nakasunod naman sa akin si Heira na panay ang tawag. May ilang tao pa akong nababangga dahil sa paglalakad nang walang pakialam.
"Reign!" Hinawakan ni Heir ang kamay ko para patigilin sa paglalakad. "Ano ba! Bakit ka umiiyak? Anong kailangan mo kay King?!" sunod-sunod niyang tanong.
I turned to her. My lips trembled when I tried to answer. Nagsalubong ang kilay niya nang humihikbing umiyak ako sa harap niya.
"Heir, I need to look for King. Kailangan ko siyang maka-usap..."
"Why? What happened ba? Inaway ka ba?" mahinahon niyang tanong, pinapatahan ako.
Umiling ako at humawak sa kamay niya. Kahit alam kong magagalit din si Heira sa akin sasabihin ko pa rin. Kahit alam kong mag-aaway kami pagkatapos nito sasabihin ko pa rin.
"Heira, I kissed him." Nabasag ang boses ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Ilang sandali pa siyang ganoon bago nanlaki ang mata at gulat akong sinigawan.
BINABASA MO ANG
My Lover is a Liar (Lover Series #2)
Novela Juvenil"You don't love me anymore?" "I don't love you at all!" Reign fell in love with a great and ideal man after her five-year relationship ended. He said that because he's a King, she should be treated as a Queen. They support one another and respect ea...