Chapter 4
Patuloy ang pagta-trabaho kahit na tuwing gabi halos maubusan ako ng tubig sa katawan kakaiyak. Kasi wala naman akong magagawa kundi umiyak nang umiyak. Hindi ko naman pwedeng ibalik sa dati ang oras para lang gawin ang lahat ng pinagsisihan ko. All I can do is to feel this pain and cry about it.
Pagkatapos ng mga gabi na 'yon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung gusto ko pa bang kausapin si King o hayaan ko na lang kasi masaya na naman siya at sarili ko na lang ang iintindihin ko. But I know na I'll be completely heal if we talk, so I really don't know.
"Matagal pa ba siya? Gusto ko na mag-CR!"
"CR ka muna," sabi ko kay Cam na hindi mapakali sa upuan niya.
Kanina pa kami nasa airport, hinihintay si Amira. Halos magdadalawang oras na kaming naka-upo at paikot-ikot sa waiting area dahil na-delay ang flight ni Amira ng isang oras. At mukhang nagkaroon pa ng traffic sa langit dahil ang tagal-tagal niya.
"Samahan kita?" si Seth nang tumayo si Cam para magbanyo.
"Hoy! Anong samahan? Ako na, magbabanyo rin ako." Sinukbit ni Heira ang kamay niya sa braso ni Cam at hinila na ito.
Bumalik si Seth sa upuan niya at sumimangot. A smirked is plaster on my face when he looked at me. Nanlaki ang mata niya at handa ng depensahan ang sarili but Prince arrived with cokes in his hand.
Natatawang umiling ako. I opened my phone and check if Gab and our friends are ready to our small surprise welcome party for Ami.
"Reign."
I smiled at Prince and get the coke. "Thank you."
He smiled back before sitting beside me. I watched his every moves. Prince spread his legs while he put his arms on the back rest of the chair. Then he looked at me, raised his brows while tilting his head. Napalunok ako. If I didn't know that he's a gay, I maybe fall in love again with him.
"Why?" tanong niya.
I shook my head and drink on the coke.
"Ang gwapo mo lang."
"Huy! Hindi po tayo talo!" tawa niya.
"Baliw." Umirap ako at binigay sa kaniya ang coke. He drink it, emptied it.
Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago umiwas. Inabala ko na lang ang sarili ko sa cellphone ko.
Nakabalik sina Heira at Camira galing sa banyo nang saktong sabihin ni Seth na pababa na si Amira. Tumayo kami kaagad at kinuha ang hinandang malaking tarpaulin.
Katabi ko si Prince sa kanan habang si Heira sa kaliwa. Sabay-sabay kaming sumigaw at kumaway nang matanaw namin si Ami sa escalator. Umiiyak si Ami habang hawak-hawak ang camera niya sa kanang kamay habang ang maleta sa kabila.
Seth and Heira laughed so hard when Ami almost tripped. While Camira ran towards, also crying, then threw her body to hug Ami.
"Parang anak na iniwan, Cam!" biro ni Heira, pero tumakbo rin naman para makiyakap.
Seth, Prince and I stayed at the bench. We're all holding the tarpaulin and it's kinda awkward because people are staring at us. Especially to the three girls who's crying like there's no end.
"Hindi ba umuwi naman si Amira last last week?" tanong ni Prince.
I nodded. "Hayaan mo na. Gusto nila ng moment."
Tumawa siya at nilingon ulit ang tatlo na naglalakad na palapit sa amin. Heira is wiping her tears and Cam is helping her. While Amira ran to me and hugged me, she also hugged Sethere and just smiled at Prince.
BINABASA MO ANG
My Lover is a Liar (Lover Series #2)
Ficțiune adolescenți"You don't love me anymore?" "I don't love you at all!" Reign fell in love with a great and ideal man after her five-year relationship ended. He said that because he's a King, she should be treated as a Queen. They support one another and respect ea...