Chapter 9

1.4K 42 0
                                    

"I want coffee."

Totyalll....nagkakape din pala yung mga halimaw. Akala ko dugo lang iniinom nito? Ay hindi pala bampira pala umiinom ng dugo. Hehehe

"May cream o wala?"dyosang si ako.

"Wala!"

"May asukal o wala?"

"Wala!"

"Mainit o malamig?"

"Wa---"

Tiningnan ko ito. Matawa-tawa na sana ako dahil sa iritadong mukha niya ng biglang umangat ang mukha niya at tumingin sa akin. Oo... sa akin... as in sa maganda kung pagmumukha. Walang halong cream... walang halong asukal... walang halong biro! Na para bang nakikita niya ako.

Dahan-dahan akung lumapit sa kanya at kinaway-kaway ang kamay sa harap ng mukha niya. Para siguraduhin kung nakikita niya ba talaga ako o hindi!?

Iba talaga kasi ang kutob ko sa halimaw na'to eh.

"Tsk! Ikuha mo nalang ako ng kape, NOW!"napa balikwas naman ako sa kinatatayuan ko ng sumigaw ito.

Grabeee gulat ako dun ah. Buti nalang wala akung sakit sa puso kundi inataki na ako. Maka sigaw naman 'to akala mo nasa kabilang bundok yung kausap niya eh nasa harap lang naman niya ako.

Napatakbo ako sa pintuan ng kwarto niya at lumabas.

Nakalimutan ko halimaw padin pala siya.

After 123456473835253 years na pagtitimpla ng kape.

"Eto na po kape niyo kamahalan."sabay abot ng kape dito. Syempre inabot ko talaga sa mismong kamay nito. Baka matapunan pa siya, kawawa naman.

At kawawa din ako. Ako din naman kasi yung maglilinis nun kapag natapon.

"Careful, mainit po"i said.

Hinayaan ko na siyang enjoyin yung kape niya. Na upo ako sa couch at nagbasa muna ng kung ano-anung libro.

Nakaka bored naman dito. Buong araw ganito ginagawa ni halimaw? Naka kulong lang dito sa kwarto niya? Oo nga pala halimaw siya kaya lalabas lang ito kapag maghahanap ng makakain niyang kaluluwa. Scary!!

"Sir?"tawag ko sa pansin niya.

"Sir?"

"Sir?"ulit ko.

Ay bingi lang, di man lang ako pinansin. Bukod sa bulag naging bingi na rin po siya.

"Sirrrrrrrrrrrrrrr...."

"What?"singhal nito.

"Hehehe...di ka na bo-bored dito?"tanung ko.

Di ito sumagot. Wow! Snob ang kagandahan ko?

Sinandal nito ang ulo sa headboard ng kama at pumikit. Snabero talaga!

"Sir?"

"Sir?"

"Pwede ba tumahimik ka! Ang ingay-ingay mo."singhal nito ulit. Mababakas sa mukha nito ang pagka-irita sa akin.

"Bakit ba kasi ayaw niyo po akung pansinin? Ikaw na nga 'tong kinakausap ikaw pa galit? Pasalamat ka nga kina-usap pa kita eh."sagot ko. Dapat lang talaga mag pasalamat siya, dahil kina-usap siya ng dyosa na kagaya ko noh.

"Kulang kaba sa pansin kaya nag papansin ka? You're so annoying! At hindi ko sinabi na kausapin mo ako!"singhal nito pabalik sa akin.

"Pero sir ah, infairness dumadami na yung words na lumalabas diyan sa bibig niyo at hindi nalang puro bad words. Good job. Bukod sa nurse teacher niyo na rin ko sa GMRC HEHEHEHEE"napa thumbs up ako dito kahit di niya kita.

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon