♡Jax♡
Naalimpungatan ako at napabangon ng mapansin kung wala na si Brielle sa higaan. Nilibot ko ng paningin ang buong kwarto pero hindi ko siya makita. Nagmadali akung lumabas ng kwarto para hanapin siya, bigla akung kinabahan na baka mawala na naman ito.
"Mom, nakita mo ba si Brielle?"tanung ko ng makasalubong ko ito sa sala. After two weeks na pananatili sa hospital ay pinayagan na kami ng doktor na i-uwi siya rito sa bahay. Mabuti ng dito siya sa bahay, maaalagaan at mababantayan ko siya ng maayos.
Ngumiti ito sa akin."nasa garden."
Napahinga ako ng maluwag at mabilis na tinungo ang garden. Doon nakita ko siyang nakatayo habang pinagmamasdan ang mga bulaklak.
Lumapit ako dito.
"Nagustuhan mo ba?"wika ko at tumabi dito. Nilingon lang nito ako at tiningnan saglit. Walang reaksyon ang mukha niya.
Nakakalungkot dahil hindi parin bumabalik ang mga alaala niya. Sinunod namin ang payo ng doctor na dahan-dahanin at wag pwersahin si Brielle na maalala ang mga nawala niyang memorya. Mas makakabuti daw ito sa kanya at para hindi ito mabigla.
"Hmmm.... anung gusto mong breakfast? Ipaghahanda kita."wika ko na nakangiti dito. Sa ikalawang pagkakataon tumingin lang ulit ito sa akin. Yung matagal na tingin.
Bumukas, sara ang bibig niya na para pang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.
Nginitian ko ito at hinawakan sa dalawang balikat."okay lang, wag mong pilitin ang sarili mo. Maghihintay ako hanggang sa bumalik ang mga alaala mo."hinalikan ko ito sa noo. Iniwan ko muna siya dun sa garden kasama si manang Martha.
Pinaghanda ko siya ng breakfast na parati niyang kinakain. Sandwich at kape. I made it special, na may halong pagmamahal.
Lumabas ulit ako at nagtungo sa garden bitbit ang sandwich niya at kape. Nakatayo parin ito doon sa pwesto niya kanina. May hawak na itong isang tangkay ng pulang rosas. Pinatong ko muna ang dala ko sa mesa at muli itong nilapitan.
"Ready na ang breakfast mo."wika ko dito. She looked at me at iniabot ang rosas sa akin.
"Every color of roses has its meaning---"wika nito habang diretso ang tingin sa akin.
Napatingin ako sa rosas na binigay niya. "Red roses symbolize, passion, romance and true love." Nakangiting sabi ko.
"And it also a timeless way to tell someone 'I love you'. "
Ma's lalong lumawak ang mga ngiti ko. Pati ang puso ko napapatalon subra-subrang kaligayahang nadarama ko ngayon.
"Siguro matatagalan pa bago ko maibalik ang mga alaalang nawala sa akin pero hindi hadlang yon para maramdaman ko ang pagmamahal na pinaparamdam mo sa akin. Kampanti at magaan ang loob ko kapag kasama ka."ngumiti ito. Mga ngiting nakapagpapagaan ng aking kalooban.
Niyakap ko ito ng pagkahigpit-higpit. At hinalikan sa tuktuk ng ulo nito.
"Mahal na mahal kita, Brielle. Hindi ko alam kung makakaya ko pa kapag nawala ka ulit sa akin."kumalas ako sa yakap at tumingin sa kanya.
"Gusto ko sana na bumalik muna ang alaala mo kapag ginawa ko 'to. Pero hindi na ako makapaghintay, gusto ko lang makasigurado na hindi kana mawawala pa sa akin."
Huminga ako ng malalim."pakasal na tayo"sambit ko. Dinukot ko 'yong singsing sa bulsa ng suot kung shorts pero di ko mahanap. Napakamot ako sa batok ko at alanganing ngumiti.
"Naiwan ko pala 'yong sing-sing sa kwarto."nahihiyang sambit ko.
"Di pa tayo kasal? Ang sabi mo mag-asawa na tayo?"humakbang ito palayo sa akin at pinaningkitan ako ng mga mata.
"Oo nga---"
"Eh bakit mo ako naging asawa kung hindi pa tayo kasal? Tinanan mo 'ko ? Nagsinungaling ka sakin?"di makapaniwalang wika nito. Lalapit sana ako sa kanya ng pigilan niya ako.
"Stop and stay!"sabay harang ng palad niya sa mukha ko.
"Asawa na ang turing ko sayo kahit di pa tayo kasal. Kaya 'yon ang sinabi ko sayo. Bakit ayaw mo bang maging asawa ko?"
Natahimik ito at mukhang nag-isip. Bigla tuloy akung kinabahan, sa kung ano ang maaari niyang isagot sa akin. Dapat kasi hinintay ko nalang na bumalik yung alaala niya.
"Okay lang kung ayaw mong sagutin ngayon."dismayang wika ko at napa-iwas ng tingin sa kanya.
"Malamig na 'yong kape, papalitan ko nalang muna. Kainin mo na 'yong sandwich na ginawa ko."aalis na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako at napatingin sa kanya.
Ngumiti ito at hinawakan ang mukha ko. Tumingkayad ito at hinalikan ako sa labi.
"Yan ang sagot ko."
Natuod ako sa kinatatayuan ko at napatulala saglit.
Ibig sabihin ba nun oo ang sagot niya? Payag siyang magpakasal sa akin?
"YES!"sigaw ko at napasuntok pa sa hangin.
"Anung nangyayare?"nagtatakang wika ni mom ng lumabas ito. Tumakbo ako at niyakap siya.
"She said yes. I asked Brielle to marry me and she said yes."masayang wika ko.
"Wow, congrats"masayang wika ni mom. Agad kung nilapitan si Brielle na naka-upo habang kumakain ng sandwich na ginawa ko. Ginawaran ko ito ng halik sa kanyang labi na ikinagulat niya.
"Kumakain ako oh"wika nito na ikanatawa ko.
"Congrats son"wika ni dad sabay tapik ng balikat ko. Kasama nito si mom na nakakapit sa bewang niya.
"At sayo Brielle. Salamat dahil dumating ka sa buhay namin at ni Jax. At sana kapag bumalik ang alaala mo hindi magbago ang isip mo...ahahahah"
Napasimangot ako ng pagtawanan nila ako maliban kay Brielle na nakangiti lang sa amin. Lumapit ako sa kanya at inakbayan ito.
"Walang bawian ah"bulong ko dito.
Hindi na talaga ako makapaghintay sa araw na ikasal kami.
BINABASA MO ANG
I Am His Private Nurse
SonstigesBrielle Mendez a dedicated nurse with a big heart. Jolly at masayahin, pero paano nalang kung isang araw ay maging private nurse siya ng isang masungit, bad temper at palaging nag mumura na si Jax Damon Delpierro?