Two days na ang lumipas nung nagpunta kami sa amusement park. At sa loob ng dalawang araw na 'yon naging tahimik lang si Brielle. Hindi gaya dati na dumadaldal ito ng kung anu-ano. Magsasalita lang ito kapag tinatanong ko. Bulag ako pero, nararamdaman ko pag may kakaiba sa isang tao.
Nakakapanibago lang kasi. Nakita niya lang 'yong Lance na 'yon naging ganun na siya. Tsk!
Ano bang meron sa kanila ng Lance Salvador na 'yon? At parang apektado siya?
"Kumain na po kayo."mahinang sambit niya. Naramdaman ko ang pagpatung niya ng tray ng pagkain sa harap ko.
"Tawagin niyo nalang po ako pag may kailangan kayo."she said.
"Wait?"
"May kailangan pa po ba kayo?"she ask. At halatang ang tamlay ng boses niya.
"Kumain kana ba?"
Inangat ko ang mukha para tingnan ito. All I can see is blurry images. Yes, nakakakita ako pero hindi ganun ka linaw may times na puting liwanag lang ang naaaninagan ko. Nangyare lang ito a month ago. Brielle is right may chance na maibalik pa ang mga paningin ko pero mas pinili kung mabuhay sa ganitong sitwasyon.
But now parang may isang bagay na nagtutulak sa akin para mag pa opera at masilayan muli ang mundo at masilayan ang isang tao.
"Hmm...mamaya nalang siguro hindi pa po ako gutom."malamyang sagot niya.
Gusto ko siyang makita ang masilayan ang kanyang mukha.
"Okay"
Alam kung may bumabagabag sa kanya at hindi ko maiwasan ang mag-alala para dito.
●◇Author's PoV◇●
Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan. Pakinggan mo ang aking sigaw, sa dilaw na buwan......
Malalim na ang gabi pero di parin makatulog si Brielle. Nakahiga ito sa kanyang kama habang nakatulala sa kisame ng kanyang kwarto. Dalawang araw na itong wala sa sarili. Lumilipad ang isip sa kung saan.
Napabangon ito at napa-upo sa kanyang higaan. At muling napatulala.
Bumaba ito sa kanyang kama at lumabas ng kwarto. Dumiritso ito ng kusina para kumuha ng tubig. Iinomin na sana nito ang tubig sa baso ng mapansin ang isang bote ng alak. Binababa niya ang hawak na baso na may lamang tubig at kinuha ang alak.
Umupo ito sa upuan sa may kitchen counter.
"Sabi nila sulosyon ka daw pag may problema. Ma try nga.. hindi naman siguro sila magagalit hihingi lang naman ako ng konti."wika nito. Binuksan nito ang bote sabay tungga ng alak sa mismong bote nito.
Napangiwi ito, ramdam niya ang pagguhit ng init sa lalamunan niya pababa sa kanyang sikmura."Pwehh..ang pangit ng lasa mo. Bakit yung iba sarap na sarap sayo. Ang pait! Kasing pait ng nararamdaman ko ngayon..."
Muli siyang tumungga sa bote at tuloy-tuloy na nilagok iyon. Eto ang pangalawang beses na uminom siya at sa pareho din na dahilan.
"Bakit ganun? Ang daya-daya naman eh... kung kelan wala na saka ka naman bumalik. Kung kelan nakalimutan na kita...."she talks while staring at the bottle.
"Nakaka-inis ka."muling sambit nito at tumungga ng alak. Halos mangalahati ang bote ng bitawan niya.
Bumababa ito sa pagkaka-upo. Napahawak ito sa gilid ng kitchen counter ng makaramdam ito ng hilo.
"Lu---lumindol ata..."wala sa sarili na sambit nito. Pagiwang-giwang itong naglakad palabas ng kitchen. Imbis na dumiritso sa kanyang kwarto ay dumeritso ito sa kwarto ni Jax.
BINABASA MO ANG
I Am His Private Nurse
CasualeBrielle Mendez a dedicated nurse with a big heart. Jolly at masayahin, pero paano nalang kung isang araw ay maging private nurse siya ng isang masungit, bad temper at palaging nag mumura na si Jax Damon Delpierro?