Prologue

4K 56 0
                                    


"Naka salubong ko ang nurse mo. Umiiyak, magre-resign na daw sya. Ano na naman ang ginawa mo?"dad.

Hindi ako umimik, patuloy lang ako sa pakikinig ng music. Nagkukunwari na hindi ko ito naririnig.

"Pang-sampu na yun sa mga nurses na nagresign, dahil dyan sa ugali mo. Hanggang kailan ka magkakaganyan?"

Still, hindi ko ito pinansin.

Naramdaman ko nalang ang marahas na pagkalas ng earphone sa tenga ko.

I heard my dad sighed.

"I'm going to call your brother to find another nurse."he said.

"I don't need it! I don't need any of them!"i replied

Hindi ko kailangan ng nurse para alagaan ako. Kaya kung kumilos para sa sarili ko. Hindi ako baldado para pabantayan sa isang nurse.

"Hindi mo kailangan ng nurse? Tingnan mo nga yang kalagayan mo. You look wasted! You have a fractured leg, dahil sa pagkahulog sa hagdan. Ni hindi mo nga magawang makapunta ng banyo ng mag-isa."he sighed again.

"Kung ayaw mo ng nurse para alagaan ka, do the op--"

"You already know the answer, so stop it."malamig kung sagot.

"Its been so long son, taon na ang lumipas nung mangyare ang aksidente. You need to move on, live your life."wika ni dad. Halata sa boses nito ang kalungkutan.

Tama siya ilang taon na ang lumipas ng mangyare ang aksedinting nagpabago sa buhay ko. Ang daling sabihin para sa kanila na kalimutan ko nalang ang lahat ng nangyare pero mahirap gawin. Mahirap para sa akin...

"How can I move on kung sa tuwing pipikit ko ang aking mga mata  ang pangyayaring yun ang nakikita ko. Bulag ako pero sa isipan ko malinaw na malinaw na kasalanan ko ang nangyare."i said

"Stop blaming your self for what happened---"naramdaman ko ang pag-upo nito sa gilid ng aking kama.

"Ang lasenggerong driver na 'yon ang may kasalanan."umalis ito sa pagkaka-upo sa kama ko and pat my head.

"Hindi pa natatapos ang buhay mo dahil sa nagyaring aksedinti. Wag mong sukuan ang sarili mo. We are here for you, son."he said. I heard footstep walking away from me.

I heard the door opened.

"I'll talk to your brother about sa magiging bago mong nurse."then the door close.

Hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay ng wala siya. I know, I'm being selfish, dahil sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko iniisip ang nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa akin.

Nabuhay ako hindi para bigyan ng ikalawang pagkakataon. Kundi, ang iparamdam sa akin at pagdusahan ang kasalanan ko.

Kinapa ko ang earphone sa gilid ko, sinuot ko ito sa dalawang tenga at nahiga.

I closed my eyes at hinayaan tumulo ng malaya ang mga luha sa aking mga mata.

This song.... always reminds me of her.

Her face.

Her beautiful and innocent face.

Her eyes.

The way she looks at me, with those deep brown eyes.

Her smile, her laugh.

Her lips, her sweet kisses.

"Hey, stop looking at me like that."

"I can't stop my self from looking at your beautiful face. And thanking god for giving me a girl like you. Araw-araw nagpapasalamat ako dahil binigay ka niya sa akin. How lucky I'am to be your man, and soon to be your husband. I can't wait."

"And I'm also lucky to have you my love. You're the best gift that god gave me. I love you so much, my soon to be husband."

"You are everything to me. You are my life. You are my world."

Pinahid ko ang mga luhang bigla-bigla nalang tumulo dahil sa mga alaalang sariwa pa sa aking isipan. Mga alaalang mananatili nalang alaala.

How can i forget and forgive my self, for what happened.

How can i live, when the person that i want to live with......is already dead.

Kasama niyang namatay ang buo kung pagkatao. Pati ang puso ko...

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon