Chapter 22

1.3K 34 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nong umuwe ako dito sa probinsya. Napag-isipan ko na munang manatili dito. Para narin masigurado na hindi na kami babalikan ng tatay namin at hindi na kami guluhin pa. At isa pa kailangan ko din ng pahinga sa mga nangyayare sa akin ngayon. Dahil para akung siningil ng sarili ko sa sakit at paghihirap na nangyare sa akin. Bigla nalang sumuko ang katawan ko dahil sa pagod. Okay na din na nandito ako sa probinsya. Masarap ang simoy ng hangin, tahimik. Hayy....na miss ko talaga ang lugar na 'to.

"Ate, kain na po tayo."

Napalingon ako dito ng tinawag niya ako. Napatayo ako dito sa inuupuan kung papag sa labas ng bahay. Pumasok ako sa loob ng bahay para kumain. Na-upo ako sa upuan habang busy sa paghahanda ng pagkain ang dalawa kung kapatid.

"Kamusta kana, ayus na ba ang pakiramdam mo?"tanung ni lola sa akin.

Napangiti ako dito. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa."okay na okay po, ako pa. Matapang ata 'to."pinilit kung maging masigla ang boses ko para kahit na may kirot parin dito sa puso ko. Ayaw ko lang na mag-alala pa sila sa akin.

"Kailan naman ang balik mo ng manila?"natahimik ako saglit.

"Hindi na po muna la, napag-isipan ko na manatili muna dito ng ilang buwan. O di kaya ay dito nalang ako maghanap ulit ng trabaho para nakakasama ko kayo at naaalagaan."sagot ko

"Talaga ate? Dito kana ulit sa atin, di kana babalik ng manila?"masayang wika ng kapatid ko na si Bryan.

"Oo para naman mabantayan kita. Ang sabi pa naman sa akin ni Brenna nag bubulakbol ka daw sa eskwela."

"Hala hindi po ah. Ikaw sinungaling ka talaga."

"Hala ate hindi ko naman sinabi yan ah. Ang sabi ko lang naman na may nililigawan niya siya.hehehe"

Natawa nalang ako sa kakulitan nila. Ang sarap talaga sa pakiramdam na makitang masaya ang mga mahal ko sa buhay. Pero bigla nalang kumirot ang puso ko nang maalala si sir Jax. Kamusta na kaya siya? Tinuloy niya kaya ang pagpapa-opera ng mga mata niya? Sana naman.

"Saan kaya magandang gumala ngayon?"pag-uumpisa ko usapan para ma iwaksi si sir Jax sa isipan ko.

Nagkatinginan kaming magkakapatid at ngumiti, parang iisa ang utak namin dahil sa naiisip.

"Sa sapa!"sabay na sambit naming tatlo at nagtawanan.

"Tapusin niyo na muna ang pagkain niyo para makapamasyal kayo."wika ni lola.

"Siya nga po pala la, buhay paba si mang Ramon 'yong masungit na matanda na kinukunan namin nung mangga at bayabas?"

"Hayy naku...malakas pa nga 'yon sa kalabaw. Nakikipag habulan pa 'yon sa mga bata na nanunungkit ng pananim niya."

"Talaga po?"gulat na tanung ko. Grabeee ang tagal na nung hindi ako naka-uwe dito pero buhay parin 'yon. Heheheheh

Hindi naman sa gusto ko na siyang kunin ni lord. Yung huling punta ko kasi dito puti na yung buhok niya tsaka kulubot na yung balat eh. Ahahahah

Matapos kumain ay naghanda lang kami ng kaunting meryenda para ibaon papuntang sapa. Marami din naman kasing puno ng prutas ang tumubo dun kaya mangunguha nalang kami dun. Di kaya manungkit sa bayabas at mangga ni mang Ramon. Grabee excited na akung maligo dun sa sapa. Excited na akung makita ang magandang tanawin.

Papunta na kami ngayon sa sapa na palagi naming pinapaliguan nung bata pa kami.

"Grabee....wala paring pinagbago. Namiss ko ang lugar na 'to."masayang sambit ko. At nilanghap ang malamig na simoy ng hangin.

Buong maghapon lang kami na nagtampisaw sa sapa. Nagkasiyahan... tawanan kasama ng mga kapatid ko. Hindi naman siguro masama na magbigay ako ng oras sa mga kapatid ko. Wag na munang isipin ang mangyayare sa mga susunod na araw.

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon