Nagising ako ng maaga para pagmasdan ang babaing pinakamamahal ko. Ang himbing parin ng tulog niya. Ito ang unang umaga na nasilayan ko ang mukha niya. Walang pagsidlan ang kasayahan ko ngayon, dahil nandito ako kaharap siya, nahahawakan, nahahalikan.
Para akung baliw na pangiti-ngiti habang pinagmamasdan siya. Hinawi ko ng kamay ang iilang hibla ng buhok niya na tumabon sa kanyang mukha.
"Hmmm"gumalaw ito at unti-unting nagmulat ng mata.
I smiled"Goodmorning.....bebe koh"
Walang reaksyon ang mukha niya, deritso lang ang tingin nito sa akin. Bigla tuloy akung kinabahan.
"B-Brielle?"
She did'nt answer, she just keep on staring at me. Hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos ang aking pisnge.
"Gusto ko lang masigurado na totoo ka. Na hindi ako nananaginip."sambit niya at ngumiti. Napahinga ako ng malalim.
"Totoo ako"sabi ko at pinaghahalikan ito sa mukha. Napatigil lang ako ng tumawa ito. The sound of her laugh make's my heart happy.
Matapos mag breakfast ay napag disesyonan kung pumunta ng presinto para maghain ng complaint sa ginawang pang-gugulo ng tatay ni Brielle. Hindi sumama si Brielle, nanginginig pa din ito sa tuwing nababanggit ang tatay niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang sakit na pilit nilalabanan. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang nahihirapan. Kung pwede lang sana na kunin ang lahat ng sakit na 'yon, ginawa ko na para hindi na siya mahirapan.
Huminga ako ng malalim para labanan ang galit na nararamdaman ko. Kinuyom ko ang aking kamao, kung pwede lang na patayin ko siya, kanina ko pa ginawa. Pero ayaw kung dungisan ang kamay sa taong walang kwenta. Kaharap ko ngayon ang ama ni Brielle dito sa presinto. Kahit bugbug na ang mukha niya, nakukuha parin niyang ngumisi.
"Anung kailangan mo? Sabihin mo na dahil inaantok na ako."
"Wala akung kailangan sa'yo. I just want to make sure na hindi kana makakalabas pa ng kulungan. At hinding-hindi mo na masasaktan pa si Brielle at ang mga kapatid niya. Sisiguraduhin kung pagdudusahan mo lahat ng kasalanang ginawa mo. Gusto kung magdusa ka hanggang sa hingin mo nalang na mamatay ka."i coldly said. Tumayo ako at umalis dun. Dahil di ko alam ang gagawin ko kapag nagtagal pa ako dun sa loob. Hirap na hirap akung pigilan ang sarili ko na gulpihin siya na ibalik ng triple o subra pa ang lahat ng paghihirap na binigay niya kay Brielle.
Pagkatapos kung pumunta ng presinto ay nagmadali akung bumalik sa bahay nila Brielle. Sa tuwing maiisip ko lang siya nawawala na yung galit ko. God! I missed her so much. Di ko yata kayang mawalay sa kanya kahit ilang segundo lang.
Pagdating ko sa bahay nila ay may napansin akung sasakyan na naka park malapit din sa bahay nila Brielle. Agad kung pinark ang sasakyan ko at nagmadaling lumabas ng kotse. I saw Brielle naka-upo ito sa isang papag sa ilalim ng punong kahoy, at napataas ang kilay ko ng makilala ang kasama nitong lalaki. Halos mapatakbo ako, at ilang segundo lang ay nasa tabi na ako ni Brielle. Inakbayan ko ito.
"I miss you"i said at hinalikan ito sa labi ng mabilisan. Nagulat pa ito sa ginawa ko at namula ang mukha. So cute...
Nabaling naman ang tingin ko kay Lance na nakatulala sa akin. Dahil sa kagwapuhan ko natulala ang mokong. I smirked. Get lost dude, this girl is mine.
She's mine. I don't want anyone else getting the same butterflies I get when she smiles, she laughs, touching my hands. I don't want anyone else making her blush. Call me selfish, I don't care. She's mine. Walang makaka-agaw kay Brielle sa akin, lalo na ang mokong na'to.
"Anung ginagawa niya dito."i asked, na ang tingin ay na kay Brielle lang.
"Kinakamusta lang si Brielle. I heard what happened. So, I came here."sagot ng mokong na si Lance di naman siya ang tinatanung ko.
"By the way Lance, this is Jax---"
"Her husband"pagtatapos ko sa sasabihin ni Brielle. Mukha naman itong nagulat at tumingin pa kay Brielle, nagtatanung kung totoo ba. Nginitian lang siya ni Brielle. Not now, but soon. Papakasalan ko naman talaga si Brielle naghahanap lang ako ng magandang tyempo para mag propose dito. Syempre di ko na siya pakakawalan no.
"And I know him. Pina imbistigahan ko siya."sambit ko. Nanlalaking mata akung tiningnan ni Brielle.
"What? Anung masama sa ginawa ko? Gusto ko lang naman malaman kung sino siya."inosenting wika ko.
"Pero di parin maganda na basta-basta mo nalang pa imbestigahan ang isang tao, pwera nalang kung kriminal ito."tsk... kinakampihan pa ang mokong..
"No. It's okay"sagot ng mokong at nginitian pa si Brielle
"Okay nama pala eh. Shoooo...alis na!"
"Nope! Dito lang ako, pinagluto ako ni lola ng ginataan, kaya kakain muna ako."sambit nito at umupo sa kahoy na upuan at sumandal pa.
"Wala ka bang makain sa inyo at dito kapa nakikikain?"
"Eh ikaw!? Wala ka bang bahay at dito kapa nakikitulog?"balik na tanung nito sa akin.
Tiningnan ko ito ng masama, tiningnan din ako nito. Nagtagisan lang kami ng tingin....
"Maiwan ko na muna kayo dito ah, tutulungan ko lang si lola"sabay kaming napatingin kay Brielle na nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Naiwan kami dito ni mokong sa labas.
"What?"sambit ko ng tumingin siya ulit sa akin.
"Asawa ka ba talaga ni Brielle? Wala siyang nabanggit sa akin eh"
"Hindi pa....sa ngayon. Pero pakakasalan ko siya kaya tumigil kana sa panliligaw mo sa kanya."
Ngumisi ito."di pa naman pala kayo eh, kung maka bakod ka."
"Binabakuran ko lang kung ano yung akin. At isa pa, may tiwala naman ako kay Brielle na kahit sino pang mga mokong na manligaw sa kanya ay ako parin ang laman ng puso niya. Eh ikaw ba san ka banda? Payo lang ah, dumistansya kana. Kasi madamot akung tao, lalo na pagdating kay Brielle."
Tumawa ito, na kinataas ng kilay ko.
"Relax! Para ka tuloy takot maagawan niyan eh. Pero etong tandaan mo, ako ang first love ni Brielle may nakaraan kami. May kasabihan nga, first love never dies."
"At sisiguraduhin kong hanggang nakaraan ka nalang."seryosong sagot ko.
"We can never tell."tumayo ito at lumapit sa akin."pag-igihan mo ang pagbakod baka masalisihan ka at maagawan."
Tinapik niya ako sa balikat at ngumisi ng nakakaloko sa akin.
BINABASA MO ANG
I Am His Private Nurse
De TodoBrielle Mendez a dedicated nurse with a big heart. Jolly at masayahin, pero paano nalang kung isang araw ay maging private nurse siya ng isang masungit, bad temper at palaging nag mumura na si Jax Damon Delpierro?