Tumila ang malakas na ulan. Pero patuloy parin ang pagbayo ng malakas na hangin na nag palaki lalo sa alon ng dagat.
Lahat nagulantang sa nangyaring pagsabog kaya pinuntahan nila ito. Nadatnan ni Jex ang kapatid na si Jax na nakaluhod sa buhanginan na tulalang nakatingin sa nag aapoy na yate sa gitna ng karagatan. Agad niya itong nilapitan at dinaluhan. Wala ito sa sarili habang binabanggit ang pangalan ni Brielle. Patuloy din sa pag- agos ang mga luha nito.Wala itong reaksyon. Nakadilat ang mga mata niya pero walang malay at wala sa sarili. He's in shock!
"Jax?"tawag sa kanya ni Jex at niyugyug siya sa balikat. Hindi ito kumibo.
"Jax? Ano ba, bumalik ka sa sarili mo. Kailangan mong tatagan ang loob mo para kay Brielle."pilit na pukaw nito sa kapatid. Hindi niya alam kung anung gagawin niya, paano nalang kapag nasawi si Brielle sa nangyareng pagsabog. Siguradong hindi makakaya ni Jax.
"Jax! Please come back to your senses. Hindi ka pwedeng sumuko ngayon."
Napakurap-kurap ito at napatingin kay Jex.
"Si Brielle? H-hanapin natin siya, b---buhay pa siya."garagal na sambit nito habang patuloy sa pag-iyak.
Nabuhayan ng loob si Jex.
"Hahanapin natin siya, pangako yan."wika nito at niyakap ang kapatid. Hindi niya akalain na aabot sa ganito ang nangyare.Hindi na nagsayang ng oras ang mga oturidad at sinuyod ang buong karagatan. Walang nakapagpigil sa kanila kahit na ang mga malalakas at malalaking alon.
"Any reports?"tanung ni Jex sa isa sa mga coastguards na tumulong sa paghahanap.
"May isang bangkay kaming natagpuan sa loob ng yate. Sunog ang buong katawan nito dahil sa nangyareng pagsabog kaya hindi pa namin ma identify kung sino siya. Sa ngayon hindi pa namin alam kung ilan ang sakay ng yate maliban sa biktima na si Brielle Mendes at kay Lance Salvador."
"Wag po kayong tumigil sa paghahanap maaaring buhay pa sila. Baka nakatalon sila sa tubig bago ang pagsabog at inanod lang kung saan."wika ni Jex dito. Hindi siya pwedeng sumuko. Kailangan niyang hanapin si Brielle para sa kapatid.
"May posibilidad po na makaligtas sila sa pagsabog. Maaaring hindi din dahil sa subrang lakas at taas ng alon. Pero wag po kayong mag-alala dahil hindi po tumitigil ang mga tauhan ko sa paghahanap."
"Maraming salamat."
Napahilamos ito ng mukha at napa-upo sa upuan. Wala parin itong tulog dahil sa nangyare. Pero walang-wala ang nararamdaman niyang pagod ngayon sa nararamdaman ng kapatid niyang si Jax. Wala parin ito sa sarili, nakatulala habang nakatingin sa kawalan. Hindi niya kayang nakikitang nagkakaganun si Jax. Baka maulit ang nangyare noon or maybe worst. Kung noon nakaka-usap pa nila si Jax baka ngayon-----
Winaksi niya sa isipan ang maaaring mangyare kay Jax. He need to be strong para sa kapatid niya.
Isang araw ang lumipas. Patuloy parin ang mga rescuer sa paghahanap kina Brielle. Pati si Jex ay tumulong narin, sumasama ito sa ibang coast guard para suyudin ang karagatan at ang mga kalapit na isla. Ginagawa niya lahat ng makakaya niya para makatulong sa kapatid na si Jax. Ma's minabuti pa niyang tumulong sa paghahanap kesa sa manatili sa kanilang tahanan habang nakikita ang kapatid na nahihirapan. Jax is conscious, pero parang patay. Ni hindi ito makausap, nakatulala lang sa kawalan. Nagwawala ito sa tuwing maalala ang nangyareng kay Brielle. Tinuturukan na nga lamang ito ng pampakalma.
Ma's malala ang nangyayare ngayon kay Jax, kesa noon.
He is helpless. He's in depth pain.
Dismaya itong napatingin sa malawak na karagatan, unti-unti ng dumidilim ang kalangitan. Lumalakas na ang simoy ng hangin. Nagsisitaasan na din ang mga alon. Nagbabadya sa paparating na malakas na ulan.
"Mr. Delpierro, kailangan na po nating dumaong. Masyadong malakas at mataas na ang alon dahil sa bagyo hindi kakayanin ng ating bangka ang malakas na alon at malakas na buhos ng ulan."sabi sa kanya ng isang coast guard.
"Kahit ilang minuto nalang. Doon sa bahagi na 'yon, hindi pa natin yun napupuntahan. Baka sakaling may makita tayo. Kahit ilang ikot nalang."paki-usap nito. Hindi siya pwedeng tumigil, bawat oras ay mahalaga.
"Sige pabalik na kami"wika ng coast guard sa hawak nitong radyo.
"Mr. Delpierro, sir kailangan na po nating bumalik sa pangpang. May natagpuan daw po silang bangkay."wika nito na nagpakabog sa dibdib ni Jex.
Habang papalapit sa pangpang ay hindi ito mapakali. Nagdadasal na sana si Brielle ang nakitang bangkay.
Pagkadaong sa pangpang ay mabilis na bumababa si Jex at pinuntahan ang bangkay na nakita ng coast guard. Nakita niya ang isang bagay na natatakpan ng tela. Lumapit siya dito. Agad na binuksan ng tauhan ng coast guard ang nakatakip na tela dito. Napahinga naman ng maluwag si Jex ng makita na hindi si Brielle ang nakitang bangkay kundi si Lance.
Agad siyang lumabas sa kwartong iyon at kinausap ang mga nakakita dito.
"Natagpuan namin ang bangkay niya na palutang-lutang sa labas ng area ng karagatan na hinahanapan namin."
"Kung ganun kailangan nating lawakan pa ang paghahanap. Magtalaga pa kayo ng ibang tauhan para tumulong sa paghahanap. Magbabayad ako ng kahit magkano. Basta mahanap lang si Brielle."Jex
"Sir, maaari nating gawin yan. Pero sa sitwasyon ngayon, hindi naman po natin pwedeng ilagay sa kapahamakan ang buhay ng mga tauhan namin. Malakas pa po ang bagyo masyadong malakas ang hangin at matataas ang mga alon. Maaaring ipagpaliban na muna po natin sa ngayon ang paghahanap hanggang sa maging okay ang panahon."paliwanag nito na kina-irita ng mukha ni Jex.
"Hindi tayo pwedeng mag-aksaya ng oras. Hindi natin alam kung ano na ang mangyayare kay Brielle. She's out there, somewhere. Kailangan niya ng tulong. Magkano ba ang kailangan niyo, ibibigay ko para lang ipagpatuloy ang paghahanap."
"Pasensya na po kayo sir, gusto po naming tumulong. Pero kailangan po naming siguradohin ang kaligtasan ng mga tauhan namin. Hindi po matutumbasan ng pera ang buhay nila kapag may mangyareng masama sa kanila habang nasa laot. Pahupain na muna natin ang bagyo bago ipagpatuloy ang paghahanap."
Nanghihina itong napa-upo. Hindi niya alam kung anung mukha ang ihaharap niya sa kapatid.
Pauwe na si Jex sa kanilang tahanan. Nakaka-ilang buntong hininga ito habang nagmamaneho ng sasakyan. Subrang lakas ng hangin pati ang pagbagsak ng ulan. Halos di na makita ang kalsada sa subrang lakas nito. Pati panahon nakiki-ayon sa mga nangyayare.
Pagdating sa mansyon ay agad itong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob. Nadatnan niya doon ang mga magulang na naka upo sa sala.
"Mom, Dad"
"Anung balita?"nag-aalalang tanung ng mama niya.
Huminga ito ng malalim."hindi namin nahanap si Brielle. Tanging bangkay na katawan ni Lance Salvador ang natagpuan namin. Tsaka, tinigil ng mga coast guard ang paghahanap dahil sa bagyo."nanghihina nitong wika
Bakas sa mukha ng mga magulang niya ang kalungkutan, sakit at pag-aalala.
"Kamusta si Jax?"biglang tanung nito.
"Ganun pa rin. Nakatulala, hindi maka-usap. Nagwawala. Ano nalang ang mangyayare sa kapatid mo kung pati si Brielle mawawala sa buhay niya. Parang hindi ko yata kayang makita sa ganung sitwasyon si Jax."naiiyak na wika nito at napayakap sa kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
I Am His Private Nurse
RandomBrielle Mendez a dedicated nurse with a big heart. Jolly at masayahin, pero paano nalang kung isang araw ay maging private nurse siya ng isang masungit, bad temper at palaging nag mumura na si Jax Damon Delpierro?