Chapter 36

1.4K 32 0
                                    

♤Jax Damon♤

Pagkatapos ng mga pagsubok na pinagdaanan namin, sa aming mga buhay noon at ngayon, ma's naging matatag kami. Ma's tumatag ang aming samahan ang tiwala namin sa aming pagmamahal sa isa't-isa. Na kahit na ano pa mang pagsubok ang dumating sa aming buhay basta't magkasama kami at nandyan ang mga pamilya namin na susupurta sa amin ay malalagpasan namin.

Minsan nga naiisip ko na mabuti ng nangyari ang lahat ng 'yon. Natutunan kung labanan lahat ng kinatatakutan ko. Natutunan kung magpahalaga sa buhay, na pahalagahan lahat ng taong nagmamahal sa akin. At natutunan kung magmahal ulit. Siguro nga nakatadhana ang lahat. Ang aksidenting nangyari ang pagkabulag at pagkamatay ni Moreen, siguro nga hindi talaga siya ang nakalaan para sa akin. Ang ama ni Brielle na siya ang dahilan ng lahat. Nakatadhana para pagtagpuin kaming dalawa ni Brielle, na siyang nagturo sa akin na masarap mabuhay at magmahal ulit.

Ang nangyari kay Brielle. Naniwala ako sa nararamdaman ng puso ko buhay pa siya at muli ko siyang makikita. Nagtiwala ako sa pagmamahal namin sa isa't-isa. Siguro kung sumuko ako, baka hindi ko na siya makikitang pangmuli. Pero hindi, dahil ayaw ko ng mangyari ang nangyari noon, na basta-basta ko nalang sinukuan ang buhay. Ganito siguro kapag subrang mahal mo ang isang tao. Kaya eto ako ngayon, abot langit ang kasiyahan ng puso ko.

♡Brielle♡

Ito na ang araw na pinaka-iintay ko. Ang araw na manunumpa kami ng aming pagmamahalan sa harap ng panginoon. Ang araw na magiging isang Mrs. Delpierro ako. Subrang saya ko ngayon, napalitan ng kaligayahan ko ngayon ang lahat ng pagsubok na dumating sa akin. Lahat ng sakit na naranasan ko sa amang nanakit sa amin. Sa mga hindi magandang alaala na iniwan ni Lance.

Napatawad ko na si Lance sa ginawa niya, nagmahal lang naman siya. Pero sa maling paraan, masyado lamang siyang naging despirado na makuha ako, na mahalin ko siya. At wala naring dahilan para magkimkim pa ako ng galit sa kanya, masaya na ako kung nasaan man siya ngayon at sana matahimik na ang kaluluwa niya.

Napabalik ako sa sarili ng may marinig na katok sa pintuan. Bumukas ito at iniluwa ang isang babae.

"Ms. Mendes, it's time."wika ng babae. Bago ito tumayo. Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin at ngumiti.

Pumasok ang dalawa kung kapatid ang bestfriend kung si Mika at ang lola ko para sunduin ako.

"Ang ganda-ganda mo, sigurado ako na masaya ang mama mo sa langit ngayon."wika ni lola na niiyak na. Hinawakan niya ang mukha ng kanyang lola at pinunasan ang luha nito.

"Congrats ate."wika ng dalawa niyang kapatid.

"Congrats bestieee...grabeee ka inunahan mo pa ako..heheh at ang ganda ganda ng wedding dress mo."wika ni bestieee

Nakasuot kasi ako ng puting traje de boda na gawa ng isang sikat na designer.

Subrang saya ko ngayon dahil kasama konang mga taong mahalaga sa buhay ko. At ngayon ay madadagdagan pa. Niyakap ko ang mga ito na pipigil ng pag-iyak dahil baka masira ang make up ko. Okay lang naman kahit masira tutal dyosaa naman na ako.

●AUTHOR's PoV●

Jax was standing at the end of the aisle waiting for his wife to be. Kinakabahan siya na maiiyak na subrang saya. Halu-halo na pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Napapangiti ito habang matamang nakatingin sa papalapit na si Brielle. Nasa-isip niya na siya na ang pinaka-masayang lalaki sa buong mundo ngayon. He's now marrying the woman he truly loves.

As Brielle reached the end of the aisle. Humakbang ito palapit kay Brielle, nakipag shakehands ito sa kapatid ni Brielle habang nagmano naman sa lola nito. Sinukbit ni Brielle ang kamay niya sa   braso ni Jax at binigyan ng ngiti ang isa't-isa bago nagtungo sa dambana.

Bago magsimula ang seremonya ay nagbigay muna ng maikling salita ang pari sa lahat.

Habang nagsisimula ang seremonya ay wala sa sinasabi ng pari ang isip ni Brielle. Iniisip niya lahat ng nangyare, ang pagiging nurse niya sa masungit na si Jax na binigyan niya pa nga ng palayaw na halimaw. Kung paano siya tratuhin ni Jax. Kung paano siya sigaw-sigawan nito, kung ano ang itsura nito kapag nagagalit at nagmumukhang halimaw. Kung paano unti-unting nahulog ang loob niya dito. Kung paano siya pagtyagaan ni Jax noong wala pa itong naaalala, kung paano inuunti-unti ni Jax na sabihin lahat ng tungkol sa kanya. At ngayon ay ikakasal na sila.

Napa-waksi siya sa iniisip ng bigla nalang pumasok sa isip niya ang honeymoon nila ni Jax sa isang private na villa sa taas ng bundok. May kaibigan kasi ang daddy ni Jax na nag mamay-ari ng villa sa taas ng bundok. Si Jax ang pumili ng lugar, ewan niya nga ba kung bakit sa taas ng bundok. Pag-aakyatin pa siya nito ng bundok at papagurin sa pag-akyat. Naalala niya tuloy yung naudlot na pangyayari sa kubo sa may sapa, muntik na sana 'yon kung hindi lang dumating ang kapatid niya. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa nasa-isip at napangiti.

Nabalik sa diwa si Brielle ng bahagya itong sagiin ni Jax sa braso gamit ang braso nito. Tinignan niya ito, na nakanguso sa microphone na nasa harapan niya.

"I-I do"mabilis na sagot niya. Nagtawanan ang lahat dahil sa sagot nito. Pati ang pari natawa. Bigla tuloy siyang nahiya at tumingin kay Jax na natatawa din. Napatanung tuloy siya sa kanyang sarili kung bakit sila natawa? Mali ba ang sagot niya?

Bumulong si Jax sa kanya."wala pang sinasabi si father. Magtatanung palang. Ang lalim ata ng iniisip mo? Hindi mo naman siguro iniisip na takbuhan ako diba? Pero nakangiti ka, kaya hindi naman siguro. Ano ba yang iniisip mo at ang ganda ng ngiti mo?"natatawang tanung ni Jax sa kanya.

Nahihiya siyang umiling at humarap sa  pari. Feeling niya tuloy pulang-pula na ang mukha niya sa hiya.

"Sorry po, father. Excited lang po ako na mapangasawa ang napaka-poging lalaki na ito. Hehehe"pagbibiro nalang nito para maibsan ang hiya. Muli namang nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi nito.

"Okay, magsimula na ulit tayo."wika ng pari. Nagpatuloy ang kasalan. Nagsabihan sila ng kanilang vows sa isa't-isa at nag bigayan ng singsing. Naghihintay na lamang sila na magdiklara ang pari na sila ay opisyal ng mag-asawa.

"Ano yung nginingiti mo kanina?"biglang tanung dito ni Jax

"Wala, masaya lang ako"sagot nito kay Jax.

"Iba yung ngiti mo eh... ikaw ah excited kana ba sa honeymoon nating dalawa?"panunukso ni Jax sa kanya.

"Ehemm"napatingin silang pareho ng napatikhim ang pari.

"Okay, dahil sa mukhang excited na kayo at hindi makapaghintay. I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."muling nagtawanan ang mga tao dahil sa sinabi ng pari.

Napapalo pa ito kay Jax dahil nakikitawa din ito. Humarap sila sa isa't-isa at tinaas ni Jax ang belo na nakatabon sa mukha niya."Alam ko na ito yung nginingiti mo kanina. Ang matikaman ang mga labi ko."wika nito sabay ngisi.

Hinagkan siya ni Jax sa labi, a long passionate kiss. Ngumiti sila sa isa't-isa ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

Nagpalakpakan at masaya ang lahat para sa kanila. Halos lahat ay binati sila sa kanilang kasal.

Lumabas ang bagong kasal sa simbahan, matapos mag picture taking at nagtuloy sa isang puting sasakyan. Bago sumakay ng kotse ay muling hinalikan ni Jax si Brielle sa mga labi na kinahiyaw ng mg tao.

'Take a Chance, because you'll never know
how absolutely great something can turn out to be. And If two people are meant to be together, they will eventually find their way back into each others arms.... no matter what.'

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon