Chapter 20

1.3K 48 0
                                    

Nakatayo ngayon ako dito sa labas ng kwarto ni Jax. Hindi ko alam kung papasok ba ako o ano! Nagdadalawang isip kasi ako. Baka kasi mamaya pagpasok ko may mangyare! Hanggang ngayon kasi di parin mawala-wala sa isip ko 'yong halikang naganap noong nakaraang araw. Sa tuwing naaalala ko 'yon bigla-bigla nalang nagkaroon ako ng hiya sa sarili. Ang totoo wala talaga akung hiya eh..ngayon lang..heheheh

Tapos 'yong loko wala man lang sinabi o ano! Pagkatapos kunin 'yong second kiss, second kiss ko yon eh.. si Lance kasi first kiss ko.. pero hanggang kiss lang. Tapos napunta lang isang halimaw.. ewan ko ba, hindi man lang ako nagsisi tapos, nahihiya man akung aminin, nagustuhan ko pa! Walang hiya talaga!! Ang landi ko na tuloy. Kinulam ata ako ng halimaw na 'yon eh! Feeling ko tuloy ang dumi-dumi ko....ang arte ko talaga..kala mo naman may iba pang nangyare eh hanggang kiss lang naman. Pero di naman ako tulad ng bestiee ko na basta-basta nalang isusuko ang bandera. Na kapag andiyan na bubukaka nalang. Matino pa naman ako...hihihi

"Brielle, iha"napalingon ako dito.

"Ma'am Jane"wika ko at ngumiti dito. Ngumiti ito pabalik at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat pa ako dahil sa ginawa nito. Pero niyakap ko din siya pabalik.

"Thank you. Thank you...thank you so much. Thank you for convincing Jax, para magpa-opera. You don't know how happy I'am right now. For a very long time....ngayon ay maibabalik na sa dati ang buhay ni Jax, and it's because of you."makikita sa mga mata nito kung gaano siya kasaya ngayon.

"Wala naman po akung ginawa. Si sir Jax po mismo ang nag desisyon para sa sarili niya."

"Kahit na. Alam kung hindi madali para sayo na tanggapin 'tong trabaho dahil sa  ugali na pinapakita ni Jax. Mahirap siyang pakisamahan. Masyadong mainitin ang ulo. Mahirap intindihin. Pero kinaya mo, at nagpapasalamat kaming lahat dahil sa ginawa mo."

"Ginawa ko lang po 'yong trabaho ko ma'am."

"Salamat pa din. And don't worry, may bunos ka sa akin."

"Talaga po? Sobra-sobra na nga po yung sahod ko eh... pero salamat po sa bunos hehehehe"ngumiti ito at muli akung niyakap. Nagpaalam na ito sa akin at bumalik na sa kwarto nila.

Para akung tanga dito sa labas ng kwarto ni sir Jax. Kakatok na sana ako ng tumunog ang cp ko, kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot.

"Hello?"sagot ko sa kabilang linya.

"Ano?"bigla akung nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi nito. Pinatay ko ang tawag at bumalik sa  kwarto ko.

Agad akung pumasok sa loob. Kinuha ko 'yong bag ko at kinuha ang mga damit ko sa cabinet at nagmamadaling isilid ito sa bag. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Bakit ngayon pa? Bakit, kung kelan maayos na ang buhay namin. Bakit kailangan niya pang bumalik? Bakit kailangan niya pang guluhin ang buhay namin? Napahagulhul ako ng iyak dahil sa mga masasakit na alaala na dinulot niya sa aming magkakapatid. Hindi na siya dapat nakalabas ng kulungan!

Matapos kung ligpitin lahat ng gamit ko ay napag desisyonan kung puntahan si sir Jax para makapag paalam ng maayos dito. Siguro naman ay maiintindihan niya ako.

Huminga ako ng malalim bago kumatok saka binuksan ang pinto. Pumasok ako sa  loob at hinanap siya. Nakita ko siya na naka-upo sa couch.

"Sir Jax?"tawag ko sa atenayon niya. Hindi ito umimik. Lumapit ako dito.

"Magkano?"

"Po?"naguguluhang tanung ko.

"Magkano ang binayad sayo ng magulang ko para kumbinsihin akung magpa-opera?"singhal nito at bigla nalang dumilim ang mukha niya dahil sa  galit.

"Ano po ba yang pinagsasabi niyo--"

"Wag kanang mag maang-maangan. ANO? MAGKANO PARA MADOBLE KO O TRIPLE PA!!"

"Wag kanang magkunwari! Pera lang naman ang habol mo, diba? Lahat ng pinaramdam mo sakin, trabaho lang ang lahat ng 'yon! Ng dahil lang sa  perang makukuha mo! Bulag ako pero di ako bingi. Narinig ko kayong nag-uusap ni mom!"

"Sir Jax----"

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Leave, NOW! Umalis kana sa buhay ko pati sa pamamahay ko!"

"Kahit kailan hindi ko benenta ang dignidad ko para sa pera. At 'yong pera na yun pinagtrabahuan ko po 'yon, pinaghirapan. At kaya kung mabuhay na wala ang pera mo. Hindi kita niloko lahat ng pinaparamdam ko sayo, lahat ng 'yon totoo. At kahit kailan hindi ako nanloko ng tao para sa pera."

Lumabas ako ng kwarto niya habang umiiyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, naghalo-halo na lahat ng emosyon na nararamdaman ko.

Nagpaalam na ako kay ma'am Jane at sa asawa nitong si sir Philip Jaquin Delpierro. Gusto pa sana nila na pagkatapos na ng operasyon ni Jax ako umalis pero tumanggi ako. Hindi ko na sinabi 'yong sagutan namin ni Jax. Dinahilan ko nalang na kailangan ako ng dalawa kung kapatid sa probinsya.

Tumanggi rin ako na magpahatid. Alam ko na alam nila na may kakaiba sa akin pero di na nila iyon pinilit alamin. Ginalang nalang nila 'yong desisyon kung pag-alis.

Nagpasundo nalang ako kay Mika. Napabuntong hininga ako at muling napasulyap sa mansyon ng mga Delpierro bago sumakay ng taxi.

Habang nasa byahi ay di ko mapigilan ang sarili kung mapa-iyak ng dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Dahil sa pag-alis ko, naiwan ko naman ang puso ko sa taong mahal na mahal ko.

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon