♤Jex♤
"Magandang umaga po sir"
"Goodmoring manang"nakangiti kung sagot sa kanya. Dumeritso ako sa aking kwarto at nagbihis ng damit.
Paglabas ko ng aking silid nadaanan ko ang kwarto ng kapatid kung si Jax. It's been two months since Brielle left. At sa mga panahon na 'yon di na umiimik si Jax. Magsasalita lang ito kapag kaka-usapin at lalabas lang ng kwarto kapag kakain. Ewan ko ba diyan sa ugali ng kapatid ko, masyadong ma pride. Alam ko naman na may espesyal itong nararamdaman para kay Brielle.
Napag disisyonan ko na pasukin ito."ang ganda ng araw oh, naka simangot ka diyan."sumandal ako sa gilid ng pintuan nito.
"Tsk! What do you want?"masungit nitong sagot. Minsan naiisip ko kung kapatid ko ba talaga siya. Magkaiba kasi ang ugali naming dalawa. Siya kasi parang pinag lihi sa sama ng loob at ako naman ay sa isang anghel. Well...mala anghel ang kagwapohan ko eh.
"Hanggang kailan ka magkukulong dito sa kwarto mo? Ano, tutunganga ka nalang diyan? Wala kang gagawin?"
"Just leave me alone!"
Napabuntong hininga ako. Paano ba siya natiis noon ni Brielle ang ugali nitong kapatid ko!?
"Okay"pagsuko ko dito."may sinend akung pictures sa email mo, try to look at those. You might get intersested."wika ko.
"Galaw-galaw din pag may time. Sige ka, baka maunahan ka pa ng iba."lumabas na ako ng kwarto niya.
Hirap maging kuya sa isang halimaw....
♡Jax Damon♡
Tiningnan ko ang mga pictures na sinsabi ni kuya. Napakurap-kurap ako ng makilala kung sino 'yong nasa litrato.
It was Brielle, napakaganda niya sa suot. Nakangiti ito habang kausap ang isang lalaki. And it was Lance! Magkasama silang dalawa sa isang party.
Halos lahat ng kuha niyang pictures ay kasama nito si Lance, at mukhang masaya naman siya. Pinatay ko ang laptop at padabog itong pinatong sa mesa.
She's with that guy again....
She's talking to that guy again....
Naiinis ako sa sarili ko dahil sa katangahan ko. Nagpadala ako sa galit na nararamdaman ko, ni hindi ko man lang binigyan ng pagkakataon si Brielle para magpaliwanag. I am so stupid! Ni hindi ko man lang naisip yung mararamdaman niya dahil sa mga masasakit na salitang sinabi ko sa kanya. Na iba lang 'yong pagkakaintindi ko. Nang dahil tuloy sa katangahan ko na wala 'yong babaing pinakamamahal ko. Yeah, I love her.
Si Brielle ang dahilan kung bakit nagkaruon ako ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Ang magmahal ulit.
Two weeks after na umalis siya, nagdesisyon akung magpa-opera ng mga mata. Naging private ang operasyon ko. Tanging pamilya at pinagkakatiwalaan na doctor namin ang nakakaalam. At ginawa ang operasyon sa isang private na clinic, syempre lahat na kailangan na apparatus ay nandun. I hate hospital's.
Naging succsessful ang operasyon ko. At nagyon nakakakita na ako. Unang-una ko na hinanap ang picture ni Brielle. Syempre gustong-gusto ko siyang makita.
Then, I found out that Brielle's father, siya ang dahilan kung bakit ako nabulag at kung bakit namatay ang fiance kung si Moreen. Nakaramdam ako ng galit, parang bigla nalang bumalik lahat ng nangyare. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na ama ni Brielle ang dahilan kung bakit ako nagdusa ng ilang taon. Mahal ko si Brielle, pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa ng ama niya, bigla bigla nalang nangingibabaw ang galit ko para dito. Pero kapag naiisip ko si Brielle, lahat ng galit dito sa puso ko ay napapawi.
Dahil wala naman siyang kinalaman sa ginawa ng ama niya at wala siyang kasalanan.
Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang puntahan...gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Pero sa mga nakikita kung litrato niya ngayon, she looks so happy, with Lance. Ayaw ko lang na guluhin pa ang buhay niya.
Nakakainis....nakakainis ang kapatid ko. Bakit kailangan pa niyang ipakita sa akin ang litrato ni Brielle kasama si Lance. Nananadya ba siya?
Muli kung binuksan ang laptop at tiningnan ulit ang mga litrato.
Wala daw siyang gusto dun sa Lance! Pero ang ngiti abot hanggang tenga! May pahawak-hawak pang nalalaman. Tsk!
.
.
.
.Mabilis lumipas ang mga araw. Hanggang ngayon nagtitiis parin ako sa mga litrato ni Brielle. Feeling ko nga para na akung stalker sa dami ng mga litrato niya na meron ako.
Napagdesisyonan ko na lumabas ng bahay para bisitahin ang isang tao na naging bahagi ng buhay at puso ko. Matagal na rin kasi simula nung huli akung dumalaw sa kanya. Ngayon lang ulit ako nagkalakas ng loob. Bago ito puntahan ay bumili muna ako ng bulaklak.
Huminga ako ng malalim bago bumababa ng sasakyan bitbit ang bulaklak. Mabibigat ang mga hakbang na pinapakawalan ko patungo sa puntod nito.
Yumukod ako at pinatong ko ang bulaklak at nag sindi ng kandila sa ibabaw ng puntod niya.
"Hey"sambit ko.
"It's been a long time. Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw sayo. Mahina kasi ang loob ko para harapin ka. Nawalan ako ng pag-asa na mabuhay nung nawala ka, pinahirapan ko ang sarili ko para lang mapagdusahan ang nangyare sayo. Nawalan na ako ng ganag mabuhay nung nawala ka. Patawarin mo 'ko, kung naging duwag ako. Pero alam mo ba, may isang tao na nagpabago sa buhay ko. Nagpabago sa desisyon ko sa buhay. Na chance pa para maging masaya ako. The chance to love again, to love Brielle. At siya din ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon, alam kung masaya kana kung nasaan ka man ngayon. At salamat sa lahat-lahat."
"Pero hindi ko alam kung may chance pa ba ako sa kanya? Gusto ko siyang puntahan, pero paano kung may mahal na siya at huli na para sa akin?"
"Sundin niyo po kung ano yung sinasabi ng puso niyo sir"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita sa likod ko. Muntik na akung atakihin sa puso. Napalingon ako dito, isang matandang lalaki pala.
"Pasensya na po sir, naririnig ko po kasi kayung nagsasalita habang nakatingin diyan sa puntod. Eh hindi naman kayo sasagutin niyan kaya ako na po ang sumagot. Ahahaha tsaka matakot po kayo pagnagsalita yan."wika nito at ngumiti.
Napahinga ako ng malalim, akala ko tuloy may multo na bigla-bigla nalang nagsalita. Pilosopo din yung matanda na 'yon ah. Pero tama siya, kailangan ko lang sundin 'tong puso ko at isa lang sinasabi kundi ang makita si Brielle.
BINABASA MO ANG
I Am His Private Nurse
DiversosBrielle Mendez a dedicated nurse with a big heart. Jolly at masayahin, pero paano nalang kung isang araw ay maging private nurse siya ng isang masungit, bad temper at palaging nag mumura na si Jax Damon Delpierro?