Chapter 34

1.2K 32 0
                                    

●AUTHOR's PoV●

Halos paliparin ni Jax ang minamanehong sasakyan papunta sa isang hospital. May nakapagbigay kasi sa kanila ng impormasyon na may isang babae ang dinala roon ng isang mangingisda na kamukha ni Brielle.

"Can you please slow down a little bit? Ma a-aksidenti tayo sa ginagawa mong yan."wika ni Jex na halos dumikit na sa kanyang upuan dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Jax.

"Wala tayo sa race---- watch out."napahinga ito ng malalim ng muntikan na silang mabangga ng nakasalubong na sasakyan.

Dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito ay mabilis silang nakarating sa hospital.

"Sa susunod ako na ang magda-drive."Jex.

Hindi sumagot si Jax at dali-daling lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng hospital. Walang laman ang isip niya ngayon kundi ang makita si Brielle na nasa mabuting kalagayan.

"Nasaan ang babaing dinala dito?"agad na tanong nito sa isang nurse.

"Kayo po ba ang kamag-anak niya?"nurse

"Yes"

"Nasa room 104 po siya--"

Hindi na nito pinatapos ang nurse at nagmadaling hinanap ang kwarto.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon, hindi ma tigil sa pagtibok ng mabilis ang kanyang puso ng muling masilayan ang babaing kanyang minamahal.

Wala itong malay habang nakahiga sa hospital bed. Mayroong benda sa kanyang noo. Nanginginig ang mga kamay niyang hinaplos ang buhok nito...

"Brielle, nandito na ako."mahinang sambit niya pero punong-puno ng pagmamahal. Hinalikan niya ito sa noo at muling pinagmasdan ang maamo at maganda nitong mukha.

Lumapit naman si Jex sa kapatid at tinapik ito sa kanyang balikat. Masaya itong makita na nasa mabuting kalagayan si Brielle at sobrang saya nito para sa kanyang kapatid na si Jax.

Naging saksi si Jex sa lahat ng nangyare sa kanyang kapatid noong mawala si Moreen ay sinisi nito ang kanyang sarili dahil sa nangyare. At hindi niya kakayaning makitang muli sa ganung sitwasyon ang kapatid lalo't muli itong nabigyan ng pag-asa ng dahil kay Brielle.

Brielle is a blessing not just for Jax but also for them.

"Kayo ba ang kamag-anak niya?"sabay na napatingin si Jax at Jex sa isang matandang lalaki na kakapasok lang sa silid.

"Kami nga po. Kayo po ba ang nagdala sa kanya dito?"wika ni Jex dito.

Lumapit ang matanda sa kanila ng nakangiti.

"Ako nga kasama ang asawa at anak kong lalaki---"sandali iyong tumingin kay Brielle."-- pauwi kami galing sa  pangingisda ng asawa ko ng may matanaw kami na isang bagay na palutang-lutang sa tubig. Ng lapitan namin ay laking gulat namin ng makita na isa pala itong tao at wala itong malay. Agad na tumalon sa tubig ang anak ko para tingnan kong may buhay pa ito. Ng makumpirma na humihinga pa ito ay kinarga namin ito sa bangka at dinala sa bahay. Ginamot namin ang sugat niya at balak sana na ipaalam sa police kaya lang eh nagkaroon ng bagyo at hindi kami makapaglayag dahil sa malakas na alon. Kaya napagdesisyonan namin na alagaan muna ito. Pagkatapos na pagkatapos ng bagyo ay agad namin siyang dinala dito sa hospital at pinaalam sa kapulisan."salaysay nito.

"Maraming-maraming salamat po sa pag-aalaga niyo sa kanya. Hayaan niyo po at ibabalik ko ang kabutihang ginawa niyo para sa kanya."Jax.

Matamis na ngumiti ang matanda sa kanya."masaya akong nakakatulong sa kapwa lalo na sa kanya. Kahit sa ibang tao man lang ay nakaligtas kami ng buhay."muli nitong ibinaling ang tingin kay Brielle.

"Sa katunayan magkasing edad sila ng bunso naming anak na babae. Pero sa kasamaang palad namatay ito dahil sa isang aksidenti. Tumaob ang bangkang sinasakyan nila at nalunod ito, wala ako ng mga panahong yon para iligtas siya. At noong araw na nakita namin ang babaing ito ay mismong araw ng anibersaryo ng pagkamatay ng anak ko. Siguro itinadhana ng panginoon na makita namin siya at mailigtas parang nailigtas ko na rin ang anak ko sa katauahan ng iba."

Pagkatapos nilang makipag-usap sa pamilyang kumopkop kay Brielle at nag-alaga ay inilipat na nila ito sa hospital sa manila. Dalawang araw na ang nakalipas ay hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagkakamalay.

"Kamusta siya?"tanong ng mama ni Jax.

"Still the same, hindi parin siya nagkakamalay."sagot nito habang naka-upo sa gilid ng higaan ni Brielle at hawak-hawak ang kamay nito.

"She's going to be okay."pagpapalakas loob nito kay Jax.

Hindi ito sumagot bagkus ay nakatingin lang sa mukha ni Brielle.

Ilang sandali ang lumipas ng  maramdaman ni Jax ang paggalaw ng kamay nito na hawak-hawak niya. Agad itong napatayo sa kanyang kina-uupuan.

"Brielle?"sambit niya habang nakatingin kay Brielle na unti-unting nagmulat ng mga mata.

"She's awake"masayang sambit ni Jax.

"I'm going to call the doctor."wika ng kanyang ina at mabilis na lumabas ng kwarto.

"Brielle---"

"Si----- sino k---ka?"mahinang sambit nito. Iginala nito ang paningin sa paligid at binalik kay Jax.

"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako to si Jax---"hindi ito sumagot. Nakatitig lamang ito kay Jax na walang emosyong makikita sa  kanyang mga mata.

Agad naman na dumating ang doctor at tiningnan ang kalagayan ni Brielle.

"How is she doc? Bakit hindi niya ako naaalala? Nag ka amnesia ba siya dahil sa nangyare? Hanggang kailan ang kondisyon niya? Ma---maaalala pa  ba niya ako?"sunod-sunod na tanong ni Jax dito.

"Don't worry it was just a minor injury. Her brain is fine, na truama lang ang pasyenti dahil sa mga nangyare at pinagdaanan niya. Madalas itong nangyayare sa mga pasyenti na nakakaranas ng mga masasamang pangyayare sa kanilang nakaraan o sa ngayon."paliwanag ng doctor.

"Hanggang kailan po ang ganyang kondisyon?"Nag-aalalang tanong ni Jax

"Pansamantala lang pero naka dependi pa rin ito sa  pasyenti."doc

"Ano ang pwede naming gawin para maalala niya ang nakaraan niya... kami?"

"Pwede kayong mag kwento tungkol sa kanya. Makakatulong yon para  unti-unting bumalik ang memorya niya. Pero dahan-dahanin lang para hindi mabigla ang pasyente."

"Salamat po doc"

Pagkatapos nilang maka-usap ang doctor ay umalis na ito. Naiwan silang tahimik habang nakatingin kay Brielle na nakahiga. Gising na ito pero nakatulala lang ito sa kawalan.

Lumapit si Jax dito at hinawakan ang kanyang kamay.

"Mawala man ang alaala mo hinding-hindi naman ako mawawala sa tabi mo. Hindi kita iiwan sasamahan kitang maalala ang lahat ng masasayang alaala sa buhay mo."

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon