Chapter 31

1.3K 29 0
                                    

"Ang sabi ng investigator ko may isang maliit na isla na pagmamay-ari ng mga Salvador ang nandito sa probinsya. Pero mayroong anim na isla ang nakapalibot dito sa  probinsya. Mahihirapan tayong malaman kung alin dun ang pinagdalhan niya kay Brielle."wiko habang nakatingin sa mapa nitong probinsya.

"Pinasimulan ko ng ipa-survillance ang bawat isla. Ang kailangan nalang nating gawin ngayon ay maghintay at mag plano ng dapat gawin. Hindi natin alam kung ilang tauhan mayroon ang Lance Salvador na 'yon. Kailangan handa tayo kapag nahanap na kung saang isla sila nagtatago."tama si kuya. Pero habang naghihintay ako dito hindi ko alam kung ano na ang nangyayare kay Brielle. Alam kung matapang siya, pero hindi ko maiwasang isipin may gawing masama sa kanya si Lance at ang walang hiya nitong ama.

Na-upo ako sa upuan dito sa presinto. Naghihintay! Dahil 'yon lang ang tanging magagawa ko ngayon ang maghintay. Kahit na gustong-gusto ko ng sugidin ang Lance na 'yon. Wala akung pakialam kahit halughugin ko pa ang bawat isla mahanap lang ang hayop na 'yon. Pero kailangan kung kumalma, dahil maling galaw ko lang ay malalagay sa panganib ang buhay ni Brielle.

"Jax?"

Napa-angat ako ng tingin kay Jex. Kinuha ko ang mineral bottle na inabot niya.

"Uminom ka muna. Kahit tubig lang para magkalaman yang tiyan mo. Kailangan mong maging malakas para kay Brielle."wika nito. Napa tingin ako sa mineral bottle niya binigay niya. Binuksan ko ito at uminom ng konti.

Napatayo ako mula sa pagkaka-upo ng may tumawag kay Col. Marco Suarez.

"Nahanap na ang islang pinagtataguan ni Lance Salvador. Nakahanda na ang mga tauhan ko na sumugod sa isla."Col. Suarez

"Sasama ako"wika ko dito.

Hintay lang Brielle papunta na ako. Hintayin mo lang ako, lakasan mo ang loob mo.

♡Brielle♡

Na gising ako sa isang kwarto, habang nakatali ang mga kamay at mga paa ko. Hindi alam kung nasaan ako, piniringan nila ang mga mata ko nung papunta kami sa lugar na'to. Ang alam ko lang ay sumakay kami sa isang yate. Hindi kaya nasa isang isla kami? Na kwento dati sa akin ni Lance na may pag-aari silang isang maliit na isla. Regalo daw ito ng lolo niya sa kanya.

At di ko akalain na kayang gawin ito sa  akin ni Lance. Tinuring ko siyang isang kaibigan. Kinuha pa niya ang tatay ko bilang tauhan niya.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Bumungad sa akin si Lance. May bitbit itong tray na may lamang pagkain. Inilapag niya ito sa  harap ko.

"Kailangan mong kumain. Para hindi ka magutom sa byahi. Wag kang mag-alala aalis din tayo dito. Pupunta tayo ng ibang bansa at doon magagawa na natin ang gusto nating gawin. Walang Jax na mang-gugulo."wika nito. Nababaliw na siya! Di ko akalain na aabot sa ganito si Lance.

"Pakawalan mo na ako dito Lance. At hindi ako sasama sayo. Bakit mo ba 'to ginagawa?"

Marahas niyang hinawakan ang baba ko."dahil ma's pinili mo ang Jax na'yon. Minahal mo naman ako noon diba? Pwede mo ulit akung mahalin ngayon ituloy natin ang naudlot nating pagmamahalan ngayon at wala ng sisira pa dito."binitawan niya ako at tumayo.

"Inagaw ka niya sa akin. At kinukuha ko lang naman kung ano ang akin"

"Hindi niya ako inagawa sayo! Mahal ko si Jax at siya ang pinili ko. Kahit anung gawin mo hindi kita mamahalin."singhal ko sa kanya. Biglang nandilim ang mukha niya.

"Kung hindi ka rin lang mapupunta sa akin, ma's mabuti pang patayin ko nalang si Jax. At doon di mo na siyang makikitang muli at sa akin na mapupunta ang atenayon mo. Gaya noon, mamahalin mo din ako ulit."wika niya at ngumiti ng mala-demyo.

"Baliw kana! Wag na wag mong saktan si Jax! Ano bang nangyayare sayo? Hindi na ikaw yung Lance na nakilala ko. Nasaan na yung Lance na mabait, kayang umintindi?"nagpupumiglas kong singhal sa kanya.

"Wala na ang Lance na'yon, eto na ako ang bagong ako. Tama ka nababaliw na ako! Na baliw ako dahil sayo."sigaw niya at lumabas ng kwarto.

Napahagulhol ako ng iyak! Bakit kailangan pang mangyare sakin ang lahat ng 'to? Hindi pa ba sapat lahat ng paghihirap na dinanas ko noon sa  ama ko? At eto na naman ngayon! At maaari pang madamay ang buhay ni Jax.

●AUTHOR's PoV●

Nakasakay na ngayon sa isang bangka sila Jax at Jex kasama ang mga alagad ng batas para sugudin ang islang pinagtataguan nila Lance. Walang emosyon ngayon ang makikita sa mukha ni Jax.

Pagdating sa isla ay agad na nagsikalat ang mga pulis at sundalo sa paligid ng isla.

"Dito na kayo maghintay sa bangka."utos ni Col. Suarez

"No!"singhal ni Jax dito.

"Jax? Calm down, hindi makakatulong 'yang galit mo sa sitwasyon ngayon."mahinahong sambit dito ng kapatid niyang si Jex. Tumingin ito kay col. Suarez para humingi ng permiso. Tumango na lamang ang col. bilang pagsang-ayon.

"Stay at the back. Men move!"col.

Habang nilalakbay ang malagubat na isla ay naalerto ang lahat ng may marinig na putok ng baril. Hanggang sa magsunod-sunod ang mga putok. Wala ng nakapigil kay Jax ng tumakbo ito patungo sa putukan nagaganap. Napasinghal na lamang ang kapatid niyang si Jex at sinundan siya.

Nang makarating sa isang bahay ay agad na pumasok sa loob si Jax. May hawak itong baril para sa  proteksyon niya. Lahat ng madaanang niyang kwarto ay hinalughog niya para hanapin si Brielle.

Bubuksan na sana niya ang isang pinto ng may baril na tumutok sa kanyang likudan.

"Ngayon sisiguraduhin kung di ka lang mabubulag kundi ang malagutan ng hininga."wika ng lalaki sa likudan niya. Hindi na niya kailangan pang humarap dito para makilala kung sino ito. Dahil sa boses palang ay kilalang kilala na niya ito. Ang ama ni Brielle.

Diniin nito ang dulo ng baril sa kanyang ulo. Pero mabilis itong humarap at agawin ang baril. Nag-agawan sila sa baril hanggang sa mabitawan nila itong pareho. Agad siyang dinambahan ng suntok ng ama ni Brielle sa mukha, sa sikmura. Natumba si Jax sa sahig pero agad ding nakatayo at gumanti ng suntok dito. Hindi niya ito tinigilan suntok... sipa at mapahiga ito sa sahig. Agad na pinulot ni Jax ang baril ng makita niya ito at pinutok ng tatlong beses sa ama ni Brielle.

Iniwan niya ang walang buhay na katawan nito sa sahig at tumakbo para hanapin si Brielle. Halos maikot na niya ang buong bahay pero walang ni isang bakas nina Lance at Brielle. Napahilamus siya sa kanyang mukha at napa suntok sa ding-ding.

"Jax?"

Napa-alerto ito ng marinig ang sigaw ni Brielle mula kung saan.

"Brielle?"tawag nito at agad na tumakbo palabas ng bahay.

Paglabas ay isang masukal na gubat ang tumabad sa kanya. Nasa likurang bahagi siya ngayon ng bahay.

"Ja---hmm"ulit na sigaw nito.

Tumakbo ito patungo sa pinang-gagalingan ng sigaw. Hanggang sa makalabas ito ng gubat. Isang malawak na karagatan ang tumabad sa kanya. Ginala niya ang mga tingin sa paligid at doon nakita si Brielle na hawak ni Lance. Na pasakay sa isang yate. Agad siyang tumakbo patungo dito. Pero napatigil din ng makita ang hawak na granada ni Lance.

"Subukan mong sundan kami, kundi sasabog ako kasama si Brielle. Kung hindi lang din mapupunta sa akin si Brielle mas mabuti pang isama ko nalang sya hanggang sa kamatayan..."sigaw nito. Hindi nakaalis si Jax sa kinatatayuan nito. Nakatingin na lamang ito sa yateng papalayo.

Biglang lumakas ang pagaspas ng hangin,kumulog ang langit at bumagsak ang malakas na ulan at ang pagtaas hng mga alon. At ang biglang pagsabog ng yateng sinasakyan ni Lance at Brielle.

Natuod ito sa kinatatayuan habang tulala na naka tingin sa sumabog na yate. Binitawan nito ang hawak na baril. At napaluhod sa buhanginan. Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ang pagtulo ng mga luha nito.

"BRIELLE!!!!???"

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon