♡Brielle♡
["Besstttieeeeeee...."]
Nailayo ko ang cp ko sa aking tenga ng sumigaw ito.
"Makasigaw bess"wika ko sa kabilang linya.
["Ahahahah....sorry naman, miss na kasi kita. Baliw ka kasi di mo man lang nirereplyan yung mga messages ko sayo."]reklamo nito.
"Busy kasi ako"sagot ko nalang dito. Pero ang totoo ay tamad talaga ako magreply.
["Busy daw! Katamaran mo talaga bess. Wag kang ano diyan kilala kita. Ahaha"]
Napatawa ako."bakit ka nga pala napatawag?"tanung ko dito.
["Yayayain sana kitang lumabas. Wag kang tumanggi sasabunutan talaga kita."]
"Alam mo naman na may trabaho ako diba?"sagot ko sa kanya.
["Mag paalam ka muna diyan sa amo mo. Minsan na nga lang ako mag-aya eh. Tsaka wala ka bang day off? Gusto mo ako na magpapaalam sayo?"]
Napa-isip ako."try kung magpaalam pero di ako mangangako.hehehe"
["Tsk! Ayaw mo lang mahiwalay diyan sa amo mong pogi eh."]wika nito sabay tawa.
"Ha.ha.ha.ha.ha....ewan ko sayo. Basta tatawagan kita pag pinayagan ako."wika ko dito.
["Magpaalam kana, now na. Coming na me...ahahah"]
"Seryoso?"tanung ko dito. Mahahampas ko talaga ang babaitang 'to.
["Oo nga. And guest what? May kasama ako..hihihihi."]wika nito. Magsasalita pa sana ako nung namatay ang tawag.
Lumabas ako ng kwarto. Pupuntahan ko sana si sir Jax sa kanyang kwarto para mag paalam ng makasalubong ko si sir Jex.
"Sir Jex? Napaaga po yata ang uwe niyo?"wika ko. Diba nga nag out of town ito. At isang linggo siya dun.
"Na miss kasi kita kaya umuwe ako agad."sabi nito tsaka ginulo-gulo ang buhok ko.
"Ahahaha....talaga ba? Asan pasalubong ko?"natatawa kung sabi. Feeling close lang eh, nanghingi pa ng pasalubong.
"Syempre meron ikaw pa ba"wika nito sabay kindat. Naku-naku sir Jex ah di mo 'ko madadaan sa mga pakindat-kindat mo.
"Pupunta kaba sa kwarto ni Jax?"tanung nito.
"Ah opo. Magpapaalam sana ako sa kanya kung pwede akung lumabas. Nag-aya kasi yung kaibigan ko eh. Susunduin daw ako, papunta na nga eh. Hehehe"
Tumingin ito sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
"Naku sir Jex alam ko ang mga tingin na yan ah. Babae po yun."
"Ahahaha...ang cute mo talaga."
"Ahh...aray"pinisil ba naman yung pisnge ko.
"Sige na. Ako na ang bahala kay Jax."sabi niya na nakangiti.
"Talaga? Salamat po."tuwang wika ko. Nagmadali akung bumalik sa kwarto ko at nagbihis. Pants, rubber shoes tsaka t shirt lang. Simpling tao lang ako. At isa pa dyosaa na ako kaya di ko na kailangan pang magbihis ng maganda. Hihihihi
Paglabas ko ng kwarto sakto naman ang pagdating ng bestiee kung si Mika. Nagulat ako ng makilala ang kasama nito. Nasa sala kasi sila habang kinaka-usap ni sir Jex.
"Mika"tawag ko sa pansin nito.
"Bestieeeee..."masayang salubong niya sabay yakap sa akin. Bumitaw ito ng yakap.
"I thought it was just a girl."sir Jex. Akala ko nga din eh. Humanda talaga 'tong babae na to sakin mamaya.
"Akala ko nga din po"alanganin kung sagot.
BINABASA MO ANG
I Am His Private Nurse
RandomBrielle Mendez a dedicated nurse with a big heart. Jolly at masayahin, pero paano nalang kung isang araw ay maging private nurse siya ng isang masungit, bad temper at palaging nag mumura na si Jax Damon Delpierro?