Parang sasabog na 'tong tyan ko sa kabusugan. Paano ba naman kasi, ang daming pinakain ni aling Martha sa akin. Feeling ko tuloy huling kain ko na 'yon.
Papunta na ako ngayon sa lungga ni halimaw. Che-check ko lang kung gising na siya. At sana huwag na siyang magising. Joke lang....hihihihi
Sayang din kasi yung sweldo ko kapag maagang mawala yun. Triple pa sa sweldo ko nung nagtatrabaho ako sa hospital ang sweldo ko dito. Sa hospital, subra bente yung binabatayan kung pasyente. Depende pa yun sa sitwasyon. Tas masyado pang toxic. Kumpara dito, isa lang yung aalagaan ko pero katumbas ng isang daan.
Paakyat na ako ng hagdan ng maka salubong ko ang pinaka magandang dyosa sa balat ng balat......basta sa lahat ng may balat. Si ma'm Jane Delpierro ang reyna ng mga Delpierro.
"Goodmorning po ma'am."magalang kung wika at ngumiti.
Ngumiti ito."goodmorning too, iha"
Grabee ang ganda talaga niya. Hindi halata na nasa mid 40's na ang edad nito. Natural na natural ang beauty.
"Are you going to see Jax?"she asked. Tumango ako.
"Baka po kasi gising na yung.... halimaw--- este si sir Jax pala hehehe."sagot ko.
Nagtataka nga ako kung bakit nag karuon ng anak na halimaw ang isang dyosaa na mabait na kagaya niya.
"Hahahaha...nakakatuwa ka talagang bata ka."goshhh pati pagtawa ang ganda.
"Come on, baka magising yung halimaw at mag wala."tuwang kumento nito. Hinawakan ako nito sa kamay at hinila ako paakyat ng hagdan.
"I'll just check on Jax, before going to the office."she said habang paakyat ng hagdan. Nilingon ko lang ito at nginitian.
"By the way, thank you."
"Para po saan?"tanung ko. Wala naman kasi akung naalala na ginawa para mag thank you siya sa akin.
"For not giving up on Jax. Kahit na masamang ugali yung pinapakita niya sayo. I know, nahihirapan ka sa trabaho mo. Lalo na isang halimaw ang inaalagaan mo."hehe natanggap na rin ata ni ma'am Jane na halimaw talaga yung anak niya.
"Okay lang naman po basta may sweldo...hehehe. At isa pa po sanay na din naman ako sa ganitong trabaho may mga kagaya din po ni sir Jax akong naging pasyente sa hospital dati kaya keri lang po."
Tumawa ito. Kaya napatawa nadin ako.
Nasa labas na kami ngayon ng lungga ni halimaw. Ang ganda na ng umaga ko sana naman di masira.
Nauna na nang pumasok si ma'am Jane sa loob. Huminga muna ako ng malalim at confidently beautiful with a smile na pumasok sa loob.
Nadatnan namin si halimaw na bagong gising. Gulo-gulo ang buhok na parang pugad ng ibon.
"Goodmorning son"bati dito ni ma'am Jane.
Napa-angat naman ito ng tingin ng marinig ang boses ng mama niya.
"Hey mom"aba.
Mukhang maganda gising ni halimaw. Lumapit dito si ma'am Jane at hinalikan sa ulo si halimaw.
"How was your sleep?"
"Good"
Lumapit ako at inayos ang kalat sa bedside table nito.
"Are you with that annoying nurse."tanung nito.
"Hi sir goodmorningggg...."singit ko at masaya itong binati. Sumimangot naman ang mukha niya.
"Tsk! What's good in the morning if I hear your ugly voice!"iritang komento nito.
Pshhh.. maka-ugly. Pasalamat ka at nandito si ma'am Jane kundi... ay naku..
BINABASA MO ANG
I Am His Private Nurse
De TodoBrielle Mendez a dedicated nurse with a big heart. Jolly at masayahin, pero paano nalang kung isang araw ay maging private nurse siya ng isang masungit, bad temper at palaging nag mumura na si Jax Damon Delpierro?