Another day....
Another day para makipagtuos sa isang halimaw. Hehehehhe....
Oo, halimaw siya..isang dakilang halimaw. Halimaw kapag nagagalit, nag-tatransform siya bilang halimaw. Hahaha
Paakyat na ako ngayon sa kwarto ng halimaw. Mabibigat ang bawat hakbang ko. Para bang nakikipagtagisan ako sa maitim na aura na nagmumula sa kwarto niya.
Napatigil ako sa aking imahinasyon ng may marinig akung kalabog na nagmumula sa kwarto ni sir Jax. Dali-dali akung tumakbo papuntang kwarto niya at agad na pinihit ang seradora pabukas. Agad ko itong hinanap sa buong kwarto.
Nanlaki ang mata ko ng makita itong naka hapa sa labas ng banyo na nakahubad.
Ohhhmyyyyyy hollyyyy cow......napa nga-nga ako at napatulala habang nakatingin dito ng bigla nalang itong tumihaya. My virgin eyes.... ah hindi na pala virgin 'tong eyes ko dahil ang dami ko ng nakita sa mga naging pasyente ko. Mapa lalaki, babae, matanda o bata...
Pero ang yummy.... pang model ang body.
"F*CK!"
Nabalik ako sa sarili dahil sa mura nito. Agad ko itong nilapitan at tinulungan.
"Sir, nasa baba po yung pool. Ba't dito kayo sa sahig nag swimming."wika ko. Pilit ko iniiwas ang tingin dun sa ano... sa may ano niya na natatakpan ng tuwalya....hehehe
May pa bakas kasi eh.
"Shut the hell up!"hiyaw nito.
Napairap ako. Hinawakan ko ito sa magkabilang braso niya para akayin patayo. Pero agad din kaming natumba na dalawa dahil sa bigat niya. At dahil dun na subsub ang maganda kong face sa malapad nitong dibdib.
Mmm.... infairness ang bango na niya...hehehe
"What the hell! Get up!"utos nito at tinulak ako palayo sa kanya.
Maka tulak kala mo naman may nakakahawa akung sakit na di pwede madikit sa katawan niya.
Agad naman akung tumayo. Inayos ko yung nagusot kung uniform. Tinitigan ko muna ito saglit.
Basa ang mahaba nitong buhok. May mga butil din ng tubig ang tumutulo sa mukha nito. Pababa sa leeg, sa dibdib pa baba sa isa dalawa tatlo apat lima anim nitong abs. Pababa sa.......... ayy sayang may suot pala siyang boxer. Kala ko tuwalya lang yung nakatakip eh Hehehehe
Buti naman at naiisipan niyang maligo. Nung nakaraan kase amoy dugyot na walang ligo.
Pero kung tititigan mo siya ng mabuti. Gwapo naman siya, artistahin ang lolo mo. Pang model din ang katawan. Mukhangg yummy pa konting ayus-ayus lang pwede na, kaso nga lang halimaw. Halimaw ang pag-uugali.
"Are you going to help me, Or what?"usal nito.
Napasimangot ako. Muli akung yumukod at tinulungan itong tumayo. Juskoooo.....ang bigat niya. Sa awa ng mahal na diyos, nabuhat ko siya papuntang kama niya. Mahingal-hingal pa nga ako...grabeeee teh...
"Dapat kase sir....sinabihan niyo ako na maliligo kayo. Para di na kayo nahirapan. Tingnan niyo ang nangyare. Nag-dive kana nga sa sahig, nabasa pa yung cast ng paa niyo."wika ko. Hindi ito sumagot, pero mukhang iritado ang mukha nito. Haisttt...parati naman eh.
"So sir, anung susuutin mo? O pwede naman na wag kana mag damit. Ahahahah"wika ko
"Tsk! Would you shut that f*cking mouth of yours. Its annoying!"
"Yang bunganga mo kaya ang isara mo. Puro masasamang salita ang lumalabas eh. Keh aga-aga.... pshh.. "sagot ko dito. Masyadong namimihasa ang halimaw na 'to ah. Suss, di niya ako masisindak sa pa ganyan ganyan mo. Laki sa bearbrand ata to, may tibay at lakas.
BINABASA MO ANG
I Am His Private Nurse
LosoweBrielle Mendez a dedicated nurse with a big heart. Jolly at masayahin, pero paano nalang kung isang araw ay maging private nurse siya ng isang masungit, bad temper at palaging nag mumura na si Jax Damon Delpierro?