Chapter 33

1.2K 28 0
                                    


♤Jax Damon♤

Isang linggo na ang lumipas matapos ang insedenting nangyare, pero hanggang ngayon hindi parin nahahanap si Brielle. Tatlong araw din akung nawala sa sarili dahil sa nasaksihan kong pangyayare. Hindi nakayanan ng katawan, utak ko pati ng puso ko ang pangyayaring iyon.

I'm in shock! Masyadong nagulantang ang isipan ko dahil sa nangyaring pagsabog. Hindi ko makakalimutan ang mukha ni Brielle ng mga sandaling iyon. Ang takot sa mga mata niya habang umiiyak ang rumehistro sa aking isipan.

Nasuyod na ang lahat ng pampang, ang lahat ng pwedeng pag-anuran sa kanya, lahat ng kalapit isla mga mangingisda na pwedeng makakita sa kanya. Pero ni isang bakas wala kaming natagpuan.

Pati si kuya Jex hindi tumigil sa paghahanap, pero wala. Sa bawat araw na lumipas hindi ko maiwasang isipin na baka wala na siya. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, masasaya niyang mukha ang aking nakikita na para bang sinasabing  nasa tahimik na siyang lugar at wag na akung mag-alala para sa kanya.
Pero iba ang sinasabi ng puso ko, na hinihintay niya ako. Na kailangan niya ako.

Sana nga buhay siya. Dahil hindi makakaya ng puso kapag nawala siya sa akin. Baka hindi ko na kayaning mabuhay pang muli. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko ito ang pinakamatinding dagok na nasaksihan at naranasan ko. Ang babaing nagbigay sa akin ng pag-asa. Ang babaing nagbigay muli ng liwanag sa buhay ko ay may posibilidad na mawala sa akin. Hindi mailalarawan ng kahit ano mang salita ang nararamdaman kung sakit at pangungulila sa kanya.

Ano bang nagawa ko para maranasan ko ang ganitong pahirap? Ayaw ko ng maulit pa ang nangyare noon na mamatayan ng isang babaing minamahal ko ng sobra.

Nasaan ka Brielle?

Napatingin ako sa kalangitan. Unti-unti ng lumulubog ang sikat ng araw. At isang araw na naman ang lumipas. Halos manatili ako dito sa laot ng isang buong araw para hanapin si Brielle. Ilang araw na din akung walang tulog. Hindi makakain ng maayos. Pero hindi yata napapagod ang katawan ko, basta sa taong pinakamamahal ko. Hindi ako titigil hanggat di ko siya nakikita.

"Bukas na ulit natin ipagpatuloy ang paghahanap. Bumalik na tayo sa pangpang."sabi ko sa nagmamaneho ng speedboat.

Kina-umagahan....

Maaga akung nagising at muling pinagpatuloy ang paghahanap kay Brielle sa karagatan. Halos malibot na namin ang buong area ng karagatan pero wala paring bakas ni Brielle kahit na isa.

"Kuya"tawag ko sa cp. Nasa kalapit na bayan ito naghahanap ng impormasyon kung may nakakita ba kay Brielle.

"May tumawag sa akin na isa sa mga tauhan ng coast guard, may nahanap daw na katawan ng babae na nakalutang di kalayuan sa area na hinahanapan niyo. Papunta na ako ngayon dun, sumunod ka nalang."

Agad kung binaba ang tawag."bumalik tayo sa pangpang"utos ko dito.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko kapag si Brielle ang babaing natagpuan na'yon. Pagdating sa  pangpang ay mabilis kung tinungo ang aking sasakyan at nagmaneho papunta sa lugar na sinabi ni kuya Jex.

Nadatnan ko si kuya na nasa labas ng purenarya nakatayo sa gilid ng kanyang sasakyan. Agad kung pinark ang sasakyan at mabilis na bumaba.

"Nakita mo na ba?"tanung ko. Umiling lamang siya. Mabilis akung pumasok sa loob na sinundan naman niya.

"Nasaan ang babaing natagpuan na palutang-lutang sa karagatan?"

Agad niyang tinuro sa akin ang kinaruruonan nito. Natatakpan ito ng puting tela. Pumasok ako sa  loob kasama si kuya Jex. Dahan-dahan kung inangat ang tela na nakatabon sa mukha nito.

Napapikit at napahinga ako ng malalim. Nagpapasalamat na hindi ito si Brielle at may chansa pa na buhay ito.

Mabilis akung napalabas ng kwartong 'yon at dumiretso sa labas ng purenarya.

"Mahahanap din natin siya."wika ni kuya at tinapik ako sa balikat.

"Siguradong maraming magbibigay ng maling impormsyon sa atin ngayon dahil sa nangyareng paglubog ng isang pampasaherong bangka dahil sa nangyareng bagyo. Maraming sakay nun ang nawawala."

Tama si kuya, pero hindi parin ako titigil.

"Babalik ako ulit sa paghahanap, pupuntahan ko na din ang iba pang mga isla."sambit ko.

"Sige. Magpapatuloy na din ako sa paghahanap."wika ni kuya. Halos lahat ng araw ay tinutulungan niya ako sa paghahanap. Hindi din siya tumigil, minsan hindi na din ito nagpapahinga para lang matulungan ako.

"Salamat, kuya."matamlay na sambit ko.

Tinapik niya ako sa balikat."mahahanap natin siya. Makikita nating muli si Brielle, muli nating masisilayan ang mga ngiti niya pati mga kalokohan niya. Kaya wag kang mawalan ng pag-asa. Sa  ating lahat ikaw ang kailangan ni Brielle."

"Hindi ko siya susukuan, hanggat wala akung nakikitang katawan niya hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya. Kahit na abutin pa ako ng ilang buwan. Ilang taon. Hindi ako titigil."sagot ko.

"Tama yan. Pagkatiwalaan mo ang sinasabi ng puso mo. Buhay pa si Brielle at hinihintay ka niya kung nasaan man siya ngayon."pilit akung kumito dito. Kahit papanu gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Mabuti nalang nandito ang pamilya ko para tulungan at supurtahan ako.

"Hello?"sagot ko sa tumawag.

"Kuya Jax? May balita naba tungkol kay ate?"

Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon wala parin akung mukhang maiiharap sa kanila. Wala akung lakas ng loob na harapin sila. Nangako ako sa kanila na ililigtas ko si Brielle pero hindi ko nagawa. At ngayon na hindi ko pa nahahanap si Brielle.

"H-hindi pa, pero hindi ako tumitigil sa paghahanap sa kanya. Gagawin ko ang lahat para mahanap lang siya."sagot ko dito.

"K-kuya buhay pa kaya si ate?"

Kumabog ang dibdib ko."s-syempre naman. Matapang ang ate mo, hindi 'yon susuko ng basta-basta. Hindi niya tayo iiwan ng ganun-ganun nalang. Makikita ko  si Brielle at babalik siya sa atin ng buhay."

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon