"Bess?"
Tulalang napatingin dito si Brielle."huh?"wala sa sariling sambit nito. Maga at malalim ang mga mata nito dulot ng pag-iyak at walang tulog.
Nasa istasyon sila ngayon ng bus papuntang probinsya. Sinamahan ito ng kaibigan na si Mika dahil alam niyang hindi kakayanin ni Brielle ang mga nangyayari sa kanya ngayon. Lalo na at nakalabas na ng kulungan ang tatay nito na walang ginawa kundi ang maltratuhin sila nung mga bata pa sila. At ang dahilan kung bakit namatay ang kanilang ina.
"Nandito na 'yong bus"wika dito ni Mika.
"S-sige"garagal na sagot nito. Inalalayan siya ni Mika sa pagtayo at sa pagsakay ng bus. Alam niya na kaya lahat ni Brielle ang ano mang problema na dumating, pero iba na ngayon. Nakikita niya sa mukha nito ang pagod at labis na sakit.
Sa buong byahe ay nakadungaw lang si Brielle sa bintana ng bus. Wala sa tanawin sa labas ang isip nito kundi kay Jax. At kung paano niya haharapin ang taong kinamumuhian niya. Gusto niyang umiyak pero parang naubos na ang lahat ng luha niya sa mga mata. Sinubukan niyang ipikit ang kanyang mga mata para makapagpahinga pero agad ding napamulat ng puro imahe ni Jax ang nakikita niya. Subrang sakit sa puso ang nararamdaman niya. Parang tinutusok at pinipiga ito na hindi niya ma intindihan.
Mahal niya si Jax pero di man lang niya nasabi ang nararamdaman para dito. Iniisip nalang niya ngayon kung pwede niya lang sana maibalik ang oras ay sasabihin niya dito kung gaano niya ito kamahal. Pero huli na! Parang sinadya ng tadhana na mangyare ang ganitong bagay.
Sana lang ay ituloy nito ang pagpa-opera sa mga mata niya. Mga bagay na nasa isip niya ngayon.
.
.
.Samu't saring emosyon ang nararamdaman ni Brielle habang pa uwe ito sa kanila. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kapag nakaharap niya ang ama na halos ilang taon niya na hindi nakita. Sa totoo lang nagpapasalamat pa nga ito noon ng mabalitaan niyang nakulong ito dahil wala itong ginawa sa kanila kundi puro pasakit at pahidap.
Hindi ito mapakali habang nakasakay ng tricycle papunta sa kanilang baryo.
Napatingin ito sa kaibigan na si Mika ng hawakan nito ang kamay niya. Nginitian niya ito. Nagpapasalamat nalang siya ngayon, kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa kaibigan. Alam niyang may naiwan itong trabaho sa manila pero sinamahan padin siya. Kaya laking pasasalamat niya dahil andito ito sa tabi niya para alalayan siya.
Na ikwento niya kasi sa kaibigan kung anung hirap ang dinanas nilang magkakapatid sa ama. Lulong ito sa bisyo noon, alak, sugal at droga. Sa tuwing magagalit ito o matatalo sa sugal ay sa kanilang magkakapatid binubunton. Walang araw na hindi sila binubug-bug nito. Minsan nagpapasalamat nalang sila na hindi ito umuuwe sa kanilang bahay.
Pagbaba ng tricycle ay nadatnan niya ang dalawa niyang kapatid na nag-aabang sa kanya. Dali-dali niya itong nilapitan at niyakap.
"Okay lang ba kayo?"nag-aalalang tanung niya sa kapatid. Tumango lang sila bilang pagsang-ayon. Pero bakas sa mga mukha nila ang takot.
"N-nasaan siya?"tanung nito. Kinalma niya ang sarili at nilakasan ang loob para harapin ito.
Pumasok sila sa loob ng bahay.
"Sa wakas, dumating ka din. Ano tatayo ka nalang ba diyan? Hindi mo ba ako na miss?"
Hindi ito nagsalita at nananatili lamang na nakatayo.
Ang lakas ng loob niyang magpakita sa magkakapatid pagkatapos ng lahat ng pagpapahirap na ginawa niya sa kanila. Parang wala lang sa kanya ang lahat ng kawalang-hiyaang ginawa nito.
"Tsk! Ano pang tinutunganga niyo diyan. Kanina pa ako dito wala man lang makain o mainom. Buwesit naman oh!"
Napakislot ito sa kinatatayuan. Napayakap ang dalawa niyang kapatid sa kanya.
"Sino ka ba sa tingin mo!? Wala ka ng karapatan dito. Umalis ka na!"lakas loob niyang sagot. Sa mahabang panahon ngayon lang siya nagkaruon ng lakas ng loob para harapin ang ama. Para sa mga kapatid at para sa sarili niya. Dahil ayaw na niyang mabuhay sa takot na maaaring gawin ng kanyang ama sa kanilang magkakapatid. Kailangan na niyang lumaban para sa kanila.
"Ang lakas ng loob mong sagutin ako!"
"Sige saktan mo 'ko! Diyan ka naman magaling diba? At kahit na bugbugin mo pa ako ngayon wala na akung mararamdaman dahil manhid na 'tong katawan pati puso ko dahil sa ginawa mo noon."wika nito ng magtangkang saktan siya ng ama.
"Anung pinagmamalaki mo? Ang lakas ng loob mo! Porket may maganda kang trabaho at pera. Balita ko nga eh nagtatrabaho ka ngayon sa mga Delpierro bilang nurse sa bulag nilang anak."
Kumunot ang noo nito at nagtaka. Pero di niya nalang ito pinasin, baka nasabi lang ng mga kapatid niya kung saan siya nagtatrabaho, pero hindi na ngayon.
"Lahat ng narating ko ngayon ay dahil sa paghihirap ko. Tinaguyod ko ng mag-isa ang dalawa kung kapatid na dapat sana responsibilidad mo. Pero hindi eh, dahil wala kang kwentang ama."
"Nagawa mo naman pala eh! Ano pang ngina-ngawa mo diyan. Dapat nga magpasalamat kapa sa akin. Naka jackpot ka!"
"Ano bang naitulong mo? Sakit at paghihirap lang naman ang binigay mo sa amin."
"Tss...kung hindi ba naman tatanga-tanga yung anak nila. Makapag maneho sa gitna ng daan akala mo hari ng kalsada, kala mo nakipagkarerahan sa bilis magpatakbo. Ang yabang! Kaya bingga ko ng truck na minamaneho ko. Kaya ayun nakipagkarerahan kay kamatayan. Ahahahaha... "hindi nito napigilan ang sarili at malakas na sinampal ang ama.
Lahat sila nagulat sa ginawa nito kahit siya nagulat sa sarili. Dahil sa hinaba haba ng panahon na paghihirap na dinanas nila ngayon lang ito naglakas ng loob para lumaban sa ama.
"Umalis kana! Wag kanang bumalik! Wag na wag ka ng magpapakita pa sa amin! Umalis kana!"sigaw nito at buong pwersang pinagtulakan palabas ng bahay ang kanilang ama.
Napa-upo nalang ito sa sahig at napahagulhul ng iyak. Hindi niya lubus akalain na ang sanhi ng paghihirap ni Jax ng ilang taon. Ang sakit na naramdaman nito. Ay kagagawan ng kadugo niya! Mismong ama niya!
BINABASA MO ANG
I Am His Private Nurse
DiversosBrielle Mendez a dedicated nurse with a big heart. Jolly at masayahin, pero paano nalang kung isang araw ay maging private nurse siya ng isang masungit, bad temper at palaging nag mumura na si Jax Damon Delpierro?